Lucia's POV
Napatulala ako ng mabasa ko kung ano ang ibig sabihin nito.
"mauulit muli ang bawal na pagiibigan." So totoo talaga na minsan ding umibig si Enzo sa isang gaya ni Lio. Naglakad ako papuntang kama ng makita ko sa bintana ang buwan.
Full Moon.
Lumingon ako sa terrace kung saan makikita ang malawak na dagat. Napasinghap ako ng makita ko si Lio na may kasamang isang babae. Pareho silang lumalangoy na tila ba ay sila ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo.
Agad kong sinarado ang bintana pati na rin ang kurtina at mabilis humiga sa kama na may kung anong masakit sa loob ng puso ko. Yinakap ko ang unan at pinilit ang sarili na makatulog.
"Lucia, Anak gising na." Nagising ako ng marinig ko si mama sa pinto. Walang paki alam kung anong oras na agad akong pumasok sa banyo upang maligo.
Naisipan kong mag soot ng isang dress at tinali ang buhok ko. Nang buksan ko ang pinto nakita ko si Enzo na pababa narin kaya ay sumabay ako sakanya.
"Kamusta ang tulog mo Cia?"
" okay lang naman Enz,ikaw bah?"
"Medyo okay naman."
"Enz tungkol kahapon."
"Wag nating pag usapan ang nakaraang matagal ng tapos Cia." He dismissed the topic without even thinking twice.
"Ayan na pala sila!" Nakita ko si mom at dad sa sala na may kasamang dalawang matatanda.
"Arturo and Amanise.This is my daughter Lucia and my son Enzo." pagpakilala ni mommy sa amin.
Agad naman lumapit sa akin ang matandang babae at nagpakilala.
"Hi iha, ako nga pala si Tita Amanise mo at siya naman si Tito Arturo mo." ngumiti siya ng napakatamis kaya ay nahawa ako sa mga ngiti niya.
"Amanise. Ngayon ay nakita mo na si Lucia. Baka ay hindi kana mangungilit na makita siya." Tumawang ani ni Tito kaya ay napatawa na din si mommy. Si Enzo naman ay tahimik lang na nasa aking gilid.
"Naku Lorenzo! bagay talaga sila ni Leo! Wag kang mag alala iha. Di pa kayo magpapakasal since di pa namin siya nahanap." pasumaong sabi ni tita kaya tumango lang ako.
"Nasan pala ang anak mo tita?" sabat ni Enzo kaya napatingin si tita sakanya ang ngumiti ng nakakalungkot.
"The last thing that we heard from him was when he used our yatch to sail the seas. However, di na siya nakabalik sa amin. Kinaumagahan niyan ay nasa dalampasigan nalang ang yate at walang tao ang nasa loob nito." malungkot na ani ni tito kaya ay yinakap siya ni Tita.
"Eto siya iha oh." -ipinakita sakin ni tita ang mukha ni Leo.
"familiar." Tumawa si tita sa aking sinabi.
"Naku! Baka magkaibigan kayong dalawa pag nagkita na kayo iha." tumawa mommy at daddy kaya ngumiti ako ng pilit.
"Mag almusal na tayo, nakahanda na ang pagkain sa mesa" sabi ni mommy.
Nang maglakad kami papuntang mesa,biglang naging itim yung kwintas kya agad akong hinawakan ni Enzo.
"Makikipag kita ka sa sirenong yon ngayon diba? Wag mong itutuloy Cia."
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.