Lucia's POV
Kinaumagahan ay nagising ako sa kantok ng pinto. Agad akong bumangon at binuksan ito. Nakita ko si mommy na bihis na bihis at mukha ring nagmamadali dahil napalakas niya ang pagkatok.
"Yes my?"
"Iha, me and your dad have to settle something. We'll be back after a week okay?" nagmamadaling sabi niya, dumating si dad sa tabi niya dala ang kanilang mga maleta.
"Good morning Lucia." He greeted me.
"Good morning din dad." Ngumiti ako sa kanya at bumaling kay mommy.
"Where are you going my?" takang tanong ko, the fact that they even brought a suitcase with them seems like they are going far away.
"I'm going to visit your aunt Cresia in Switzerland. We have something to talk about and we cannot talk about it over the phone." Sabi niya. "We have to go now hon, we only have an hour left before departure." Dagdag ni daddy.
"We have to go now Cia, Call us if you need anything, okay?" Sabi niya sabay kiss at hug sa akin. Even dad hugged me.
"Take care." Sabi ko ng bumaba na sila ng hagdanan.
Agad akong pumasok sa loob ng kwarto dahil may appointment pa ako ngayon sa isang jewerly owner. I have a favor for him to ask. Naligo ako at nag bihis ng isang turtle neck dress that is only 2 inched above my legs, and pair it with white stiletto heels along with a white channel sling bag, nilagay ko sa loob ang small jewelry box na naglalaman ng perlas. I did not put any make up on since I want to look fresh. So Instead, I only put a lip tint with a slight blush on.
"Good morning manang!" Sabi ko kay manang ng makita ko siyang nag hahanda ng breakfats.
"Good morning Iha, Hali kana at kumain kana." Agad akong umupo sa mesa at ginala ang mata sa loob ng bahay. "Nasaan po si Enzo?"
"aah yung batang yun, maagang umalis may lakad din ata." Sabi ni manang habang nilalapag lahat ng pagkain na inihanda niya.
"Ah ganun bah, samahan mo po akong kumain manang." Aya ko sa kanya, minsan kasi ay sa sobrang busy nila mommy ay wala akong kasama sa mesa kaya ay kung minsang nag aaya ako sa mga kasambahay namin, para na rin naman silang pamilya.
"Naku, tapos na akong kumain iha." paumanhin ni manang."pero dito lang ako para may kasama ka" Sabi niya at umupo sa harapan ko.
Habang ngumunguya ako sa pancake, at napansing ko si manang na titig na titig sa kwintas ko.
"Nasa iyo pala ang kwintas ni Cresia iha." Anong ibig niyang sabihin na nasa akin ang kwintas ni tita?
"Po? Hindi po ito kay tita sakin po ito."
"Ganun bah?"
"bakit po ba manang?"
"may ganyan din si Cresia nuon, yung kakambal ng mommy mo?"
"Si Tita?"
"Oo, yung batang yun! matapos ng kasal ng mommy mo, mga ilang buwan din ay umalis agad siya." Malungkot na sabi ni manang.
"Po? Bakit po?"
"Ewan iha, di niya sinabi. Bigla nalang siyang umalis sa lugar na ito."
"Ano po ba ang ugali ni Tita manang?" Takang tanong ko kasi di masyado kinikwento ni mommy si tita.
"Kung si mama mo ay medyo strikta, Si tita mo naman ay sobrang mabait, palagi yun naka ngiti at kailan man di namin nakitang umiiyak at nagagalit, Kaya nung matapos ang kasal ni mommy mo, umalis ka agad. Akala nga namin may gusto sa daddy mo eh. Pero hindi naman pala kasi minsan ay nakikita ko yung tita mong umupo sa may dalampasigan habang umiiyak gabi-gabi." Napatulala ako sa lahat ng sinabi ni manang. Bakit kaya ganun nalang ang nangyari kay tita?
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.