Chapter 28

7 1 0
                                    

Lucia's POV

"Ano?" bigla na lamang akong kinabahan sa sinabi ni Enzo.

"Usap tayo." nakapamulsa siya at nilingon si Clarice. "Usap muna kami, babalik ako." He walked away from us ay agad ako sumunod sa kanya ng nakayuko. Bigla tuloy akong kinabahan kung ano ang sasabihin ni Enzo.

Nang makarating kami sa garden ay umupo siya sa bench doon, agad naman akong umupo sa tabi niya. Narinig ko siyang bumuntong hinga, mga ilang minuto din bago siya mag salita.

"May sinabi ba siya kung bakit hindi siya pupunta ngayon?" mahinahon niyang sabi.

"Hindi, wala siyang sinabi." umiiling ako. Lumingon siya sakin ay hinawi ang buhok ko para tingnan yung kwintas. Nakita ko nag bago ang kanyang expression sa mukha.

"Cia, magpakatatag ka." Bigla niyang sabi sa akin. Di ko alam kung ano bah ang gagawin sa sinabi niya. Bakit naman ako magpapakatatag?

"Bakit? Enz, Ano ba ang pinagsasabi mo?"

" Cia, sa kahit anong oras ay mamawala nalang siya na parang bula." Nahirapan akong mapalunok sa laway na bumabara sa lalamunan ko.

"Huh?"

"maiintindihan mo din Cia."

Naiwan akong nakatulala sa garden, parang di ko magalaw yung mga paa ko. Bakit ngayon agad? Ba't ang bilis naman? Kung kailan, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa mga rock formations, kasabay ng pagtakbo ko ay ang pag buhos ng ulan. Kahit basa na ako ay patuloy pa din ako tumakbo sa daan papuntang rock formations.

Nang dumating ako sa rock formations, ay napaawang ang labi ko. Kung ang nooy mabilis lang ma akyat na rock formations ay bigla na lamang naging matayog at mataas. Tumingala pa ako upang makita kung saan ang tuktok niya. Napaluhod ako ng napagtanto ko. Na eto na. Eto na ang gustong mangyari ng kapalaran naming dalawa. Hangang dito nalang ba? makikita ko pa ba siya ?

Napahagulgol ako nang maisip ko na kahit anong mangyari kinuha na rin siya ng dagat sa akin. Napasinghap ako ng bigla na lamang kumidlat. kasabay ng pag kidlat ay pag lakas rin ng mga alon na humahampas sa mga buhangin. Basang-basa na ang aking damit na siyang dahilan kung bakit ako nanginginig.

Baka may pag-asa pang makita siya.

Tumayo ako at tumakbo pabalik sa bahay namin. Di ko pinansin ang malakas na kidlat at ang ulan. Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko sila mommy na kausap si Clarice pero hindi iyong ang pinansin ko.

"Iha" tawag ni mommy pero dalidali ako pumunta kung saan nandun ang mag susi. Agad kong kinuha ang susi ng yate.

"What are you doing Cia?" dinig kong sigaw ni mommy. Pero mabilis akong lumabas sa bahay. Nakita kong sumunod si Enzo sa akin. Tumakbo ako ng mabilis ngunit na abutan niya parin ako. hinablot niya ang aking braso.

"Cia! look at me!" Basa na din siya sa ulan. Pero di ko parin mapigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata.

"Enz, let me go please." mahina kong pakiusap sa kanya. Nakita ko siyang pumikit na tila nahihirap sa aking ginawa.

"No, mapapahamak ka lang Cia." Sabi niya.

"NOO!! Please pakiusap kahit ngayon lang hayaan niyo muna ako."

"Don't risk your life just because of love Cia!" Sigaw niya,na pahagulgol naman ako.

"Dapat naintindihan mo Enz! dapat naintindihan mo ako! You were also once in my place! Ngayon ay nariyan na siya sa harap mo babale walain mo nalang kung ano ang dati mong naramdaman nung nawala siya?!" Sigaw ko sa kanya, patuloy pa rin ang pag lakas ng ulan dahilan kung bakit kumikidlat ang langit.

"I do understand you Cia. I do." mahinahon niyang sabi.

"I do not wan to regret this day Enz, Ayaw kong magsisi kung bakit wala akong ginawa upang makita siya sa huling pagkakataon." Binitawan niya ang braso ko kaya ay agad akong tumakbo kung saan ang port. Kahit di ako masyado marunong mag drive ay nagawa ko pa rin itong paandarin.

I was sailing with the rough waves, malalakas na alon ang humahampas sa yate kaya ay sobrang nahihirapan ako. Napansin kong papalapit ako kung saan may ilang, nang titigan ko ito ng maigi nakita ko si Lio. Pinabilis ko agad ang pag andar ng yate. Malakas ang tibok ng puso ko ngunit di ako pwedeng magpaapekto dito.

Nang makarating ako sa gita ng ilaw galing sa langit. Inihinto ko ang yate at pumunta sa harap nito kung saan makikita ko siya ng maigi

"LIO!" sigaw ko ng makalapit ako sakanya.

nakita ko siyang napalingon sa gawi ko, gulat ako ng makita ko yung kulay lila niyang mata ay nagiging kayumanggi na ito. Napaawang ang laki ko ng mapansin kong nakatitig lang siya sa akin na parang di niya ako kilala.

"Sino ka?" takang tanong niya sa akin. umuusbong na naman ang mga panibagong luha sa aking mga mata.

"Si Lucia ito! Si Cia!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi kailan man kita nakilala. kaya pasensya na." Narinig ko sakanya. Mas lalo akong napaiyak.

"Mahal kita." mga katagang di ko inisip na sa ganitong sitwasyon kong sasabihin.

"Kailan man ay di ako mag mamahal sa mga katulad niyo. Tandaan mo yan." Bigla siyang nawala sa ibabaw ng karagatan kaya ay napaupo ako sa deck ng yate.

wala na

hindi na pwede

eto naba ang huli?

Ang lugar kung saan may ilaw ay bigla nalang din sinakop ng kadiliman kasabay ng malakas na kidlat. Hinawakan ko ang kwintas pero napansin ko ang transparent na perlas ay wala na. Ang natira nalang ay yung kwintas ngunit wala na yung pendat na minsan nag iiba ng kulay.

Isang hampas ng alon ang naging dahilan na tumaob yung yate. Nahulog ako sa dagat na siyang kumuha sa taong mahal ko. Ipinikit ko ang mga mata at iniisip nalang ang lahat ng nangyari sa loob ng mga nag daang araw. Mga ngiti niya at yung mga yakap niya ang labis kong ninanamnam.

Napagtanto ko na ang bagyong minsan kong nakikita sa mga mata niya na hinihila ako sa loob nito ay ang bagyong dahilan kung bakit ako napalayo sakanya.

Totoo ngang naulit ang bawal na pagiibigan.

MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYESWhere stories live. Discover now