Lucia's POV
Kung kanina nag madali akong lumabas ng bahay ngayon parang gusto konang tumakbo ulit pauwi. Nakatakip parin sa bibig ko yung kamay ng lalaking mistula na parang isda. Tilaba takot na ipag sigawan ko na may sireno sa harapan ko.
"tatagalin ko ah? Please lang wa kang maingay." Pakuisap nya sa akin. He has that pleading look in his eyes kaya wala akong magawa kundi tumango.
Nang natagal niya yung kamay niya sa bibig ko, naka hinga ako ng maayos. Para akong pinagkaitan kanina ng hininga nakapa walang hiya naman ng lalaking to. Napairap ako. Umupo ako ng maayos sa harapan niya, nangangawit yung bewang ko sa kanya.
"Ano kaba?" yan ang unang salita na lumabas sa bibig ko pagkatapos nya kong takpan sa bibig. Para siyang natatawa sa tanong ko.
"Hindi ba halata kung ano? Bulag ka?" napaka walang kwentang kausap naman nito! Di na nahiya sa ginawa niya sakin.
"alam ko, tinanong ko lang para masiguro." Napairap naman siya.
"ano bang pangalan mo? San kaba galing?" sunod sunod na tanong ko sa kanya .
"Ako ay si Lio, natural sa dagat ako nanggaling!" Usik nya sakin. Ang sama ng ugali ng isda nato!
"Ako naman si Lucia, Cia nalang tawag mo sakin." Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng pag susungit niya.
"Bat kaba napadpad dito ah? Ngayon lang kita nakita dito, wala namang tao ang pumupunta dito dahil delikado."
"kasi malakas ang alon? Wala naman akong gagawin sa amin kaya naisipan ko pumunta dito." Ngumisi ako sa kanya.
"Di kaba natatakot sakin?"
"bat naman ako mamatakot sayo? Ahhh dahil ba masama ang ugali mo?" pikon na naman ang mukha ng isda! Nakakatawa lang. Di ko naisip na may gagawin siyang masama sakin, kasi kung meron man nung nakita ko siya, agad niya sana ako dinala sa laot. Kaya malabong may gagawin siyang masama sa akin.
"Kasi eto ako? Takot ang mga tao sa kagaya ko Cia." Napakurap ako nang binigkas niya yung pangalan ko, iba kasi ang dating. Ngayon palang may ibang lalaki na tumatawag sakin na Cia, sa school kasi Lucia tawag nila eh. Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi, feel ko nga mabait ka eh. Gusto ko tuloy makipag kaibigan sa iyo." Ngumiti siya sa sinabi ko na mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. Di ko maipag kait na gwapo nga siya, maputi ang kanyang balat sa kabila na sa dagat siya nakatira, yung buhok niya naman parang alagang-alaga at yung mata niyang lila na parang may bagyo sa loob na ito. Pero mas nakakuha talaga ng atensiyon ko ay yung mga labi niyang mapula na sing kulay ng rosas na nasa hardin naming.
"bat ka ba nakatitig sakin? Gwapo ba?" Ngumisi siya ng nakakaloko kaya sinabuyan ko siya ng buhangin.
"masyado kang ambisyoso." Naka irap ako sa kanya, tumawa lang naman siya, parang naaliw sa aking mukha ang isda.
Habang tumatawa siya biglang nalang may isang tunog galing sa laot, sakabila ng tunog nayon makikita rin yung kulay dilaw na araw na palubog na rin.
"kailangan ko nang umuwi Cia." Sabi niya kaya napatayo ako.
"babalik kaba dito bukas?" nagbabakasakali ako na bumalik siya. Gusto ko pa siyang makausap ng matagal.
"Siguro." Ngumiti lang siya at sinimulan lumangoy papunta sa ilalim na parte ng dagat. Tinanaw ko lang siya hangat sa mawala siya sa paningin ko bago ako nagpasya na umuwi sa amin.
YOU ARE READING
MYSTIQUE IN THE SIREN'S EYES
FantasyA love that is bound to end from the start, Would they risk their young hearts? Falling in love is ecstatic,but falling in love with a siren is surreal.