Tatlong araw na ang lumipas simula nung malaman kong umuwi rito sa Davao ang lolo ni Paul.Hindi kami gaanong nakapag usap nung mga nakaraang araw dahil nga mas naging busy sila.
Madalas na si Alyssa ang kasama ni Paul dahil nga magkalapit at halos magkapatid na ang turingan ng kanilang pamilya.
Maaga akong nagising ngayon dahil walang klase kung kaya naisipan kong mag jogging sa village at mag work out upang ma ehersisyo ang aking katawan.
Matapos mag cool down ay uminom ako ng konting tubig saka nag punas ng pawis.
Bumaba ako sa kusina at gumawa ng banana smoothie para maging fluid recovery drink ko.
Habang iniinom ang smoothie ko ay nag open ako ng instagram saka ko tiningnan ang messenger ko at nakitang may message pala ako galing kay Paul.
From: Paul
Kamusta? See you later!! :)
6:18am
Kumunot ang noo ko at inisip kung may usapan ba kaming magkikita.
To: Paul
May usapan ba tayo today?? Kala ko busy ka? Hahaha
Sent ✅
Inabangan ko ang reply niya ngunit wala na akong natanggap kaya nagpahinga pa ako saglit saka nag shower.
Humiga ako sa kama at pinikit ang aking mga mata saka sinabayan ang beat ng music.
Maya maya rin ay bumagon na ako at bumaba. Nasa kusina na sina mom at dad na nag coffee at bread.
Hindi namin ugaling kumain ng kanin kapag umaga.
Dahil nag work out ako ay nag prepare ako ng after workout meal.
Habang niluluto ko ang patatas at nag melt nang cheese ay biglang nag salita si mom.
"Jazz, gi ingnan naman tika noh? Na didto ta ila Paul unya mangaon."
"Mag handa ka, andoon ang Pangulo nila" dagdag niya.
Agad lumaki ang mga mata ko at naalala ang mensahe sa akin ni Paul kanina.
Alam ko nang ang lolo ni Paul ang tinutukoy na pangulo ni maam. Sa kanila kasi ay Pangulo ang tawag sa head ng pamilya.
Agad kong tinapos ang niluluto at tumabi kina mom, nang uusisa.
"Si George ang nag imbita sa atin na doon kumain mamayang hapunan at naroon rin daw ang amiga at amigo ni tita Josephine mo at ang anak nito"
Batid kong sina Alyssa at ang pamilya nito ang tinutukoy ni dad.
Ang mga magulang ko at sina tito at tita ang magkakilala at magkaibigan, si tito George ang higit na mas malapit kina mom. Si tita Josephine naman ay mabait din ngunit ang tingin ko sa kanya ay mataray dahil sa sopistikadang awra nito.
Ngunit kung di ako ganun kalapit kay tita ay higit na mas hindi ko kalapit ang lolo niya, mamaya ko palang siya makikita at makakasama kaya higit na kinakabahan ako.
Pagkatapos kong kumain ay nagpa hinga na ako sa kwarto at saka inubos ang oral sa social media.
Nang mag alas tres na ay kumatok si mom sa kwarto at sumilip.
"Get ready na, we will be leaving before 5pm"
Tinatamad ako kaya di agad ako kumilos.
"Anak wake up!" Agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ang malakas na boses ni mom.
"I went inside expecting to see a fabulous girl in her fancy dress but instead I saw you sleeping!"
"Get ready it's already 4:40 pm, we can't be late"
Kinabahan ako sa tono ng pananita ni mommy kaya agad akong naligo ng nagmamadali.
Pagkalabas ko ay agad akong naghanap ng dress at nagsuot ng earrings saka nagmamadaling nag ayos ng gamit sa purse.
Pagkalabas ko ay agad lumaki ang mga mata ni mom.
"Inday itsura pana? Jusko balik sa kwarto tarunga na imong itsura kanang mas gwapo na sanina ang suota."
Binalik ako ni mom sa kwarto at inayosan kung kaya 5:45 pm na kami naka alis ng bahay.
Hindi na bago sa mata ko ang mala mansion nina Paul dahil ilang beses na akong nakapunta rito ngunit ganun parin ang aking pagkamangha.
Malaki ang bahay namin ngunit napakalaki ng sa kanila. Kung may malawak na garden kami sila ay may malawak na garden na may pool, kung may bench and table kami sa harap sila ay may fountain.
May pera kami dahil may negosyo kami ngunit mas nag aapaw ang pera nila dahil di hamak na mas malawak ang mga negosyo nila.
Chanel ang pinagamit ni mom sa akin na bag habang Louis Vuitton ang sa kanya ngunit ng tingnan ko ang hermes na bag ni Alyssa ay napamaang ako. Alam ko ang presyo nun at talaga namang ang mahal nun.
Ngunit ang ngiti sa suot ko kanina ay biglang nawala ng tumikhim ang lolo ni Paul at tumingin sa relos.
"We were about to start eating, you're already 6 minutes late"
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.