Naglalakad ako ngayon papuntang gigante gelato dala dala ang regalong nabili ko para kay Paul."One medium cup of oreo cookies n' cream please" order ko.
"Sure maam, any add ons?" Alok niya.
"No thanks, that's all" agad kong tangi.
"That's a hundred and seventeen maam"
Agad kong binayadan ang aking ice cream saka inantay sa kabilang dako nang cashier.
Habang ninanamnam ko ang aking ice cream ay may biglang lumapit sa akin.
"Hi, are you a model or a teen star?" Tanong nung bakla, mayamang bakla, Givenchy ang bag eh tas naka Gucci na trainers.
"Uhh no po eh" agad kong tanggi
Nakakahiya naman mukha ba kong model o artista? Hahaha
"Are you interested? As you see I am a talent scout. I seen you walk and bring yourself, I think you really have a good spot in the industry."
"Uhh that's nice po, I don't have any plans yet but I am interested" sagot ko
"You should think about it, okay? Here's my calling card, my email is also indicated there, feel free to call or email me anytime" sabi niya saka ngumiti at iniwan ako sa table ko.
Napapa isip tuloy ako parang gusto ko pero nakakatakot naman ata ang industriyang iyon wala akong alam sa mga ganun eh.
Inubos ko na ang ice cream ko saka nag desisyong umuwi at sa bahay na mag dinner.
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at tinitingnan ang aking regalo kay Paul.
Isa itong bangle, nag pa engrave din ako nang sulat.
I'm lucky I fell inlove with my bestfriend
P & J
Together we will conquer this harsh worldYan ang naka sulat sa paikot ng bangle. Nag order din ako ng cake na may naka sulat na 'It's a yes from me'
Natutuwa naman ako sa mga naisip ko at alam ko namang ma aappreciate ni Paul ito.
Ganadong ganado akong mag practice ngayon dahil alam kong mamaya lang ay darating na dito sa Davao si Paul, bukas pa kami magkikita pero na eexcite na ako.
Habang nagpapack up kami ay nag tiningnan ko ang ig story ni Paul.
Video iyon ng view mula sa bintana ng eroplano saka niya nilipat sa kaniya ang cam at inikot papunta sa gawi ng katabi niyang humihilik.
'Someone is exhausted' ang nakalagay sa ig story niya saka may gif sa baba na lalaking tumatawa.
Naka land na siguro sila ni Alyssa dahil naka post na siya.
Inayos ko na ang gamit ko para maka uwi.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Paul sa recieving area namin.
Agad kong niyakap siya saka niya inabot ang boquet na dala niya.
Napa lingon ako sa likuran niya nang makita ko si Alyssa na lumabas mula sa common restroom namin.
Kumunot ang noo ko nung lumapit siya sa akin at nakipag beso.
"Ba't naman andito yan?" Bulong ko kay Paul
"Gusto ka raw niya makita eh pati ang bahay niyo"
"Tsk di paba siya sawa sa pagmumukha mo at sumama pa siya dito"
Nasa kusina kami ngayon at kumakain ng sandwich ni Paul, si Alyssa naman ay di daw kumakain ng white bread kaya pinaghanda siya ni mommy nang salad, masyadong pa special amp.
Hindi ko alam paano aakto sa harap niya dahil andito ang isang toh.
Di manlang ata marunong mahiya panay pa ang pang aasar kay Paul at ang landi pakinggan ng tawa niya ah.
Napapansin ko ding nakakahalata na si mom dahil sa itsura niya pero hinayaan ko nalang.
"Jazz, pa picture naman ako dito oh"
Ay lintek at ginawa pa akong taga picture ah
"Paul come here, join me, picture tayo"
"Isa pa jazz"
"Ganto naman"
"Last na"
Sige pa at konting konti nalang ibabato ko na sayo tong cellphone mo.
"Sorry kung sinama ko pa siya" paumanhin ni Paul
Tumango lang ako saka sinabing mag iingat silang dalawa, dahil ihahatid pa ni Paul si Alyssa.
"Hihihihihi" agikik ni Alyssa habang palapit sila ni Paul.
Dumiretso naman sa akin si Paul at humalik sa noo.
Last practice na namin ngayon dahil bukas na ang aming graduation.
Tinanong ko si Paul kung ba't sabay nanaman silang pumasok ni Alyssa at sinabi niyang nasa repair shop daw ang sasakyan ni Alyssa kaya naki sabay.
Nakakahalata na talaga ako ah. Mayaman sina Alyssa at may ibang mga sasakyang pwedeng magamit, may driver din kaya ba't sasabay pa?
Bumalik ako sa aking linya at sinimulan ulit namin ang practice.
Natagalan pa kami sa una dahil sa ka artehan ni Alyssa ba't kasi aabsent absent sa practice para makasama kay Paul tapos ngayon aarte arte dito kala mo talaga kung sinong napaka espesyal. Huyyy pagmata!
Napapa irap ako sa inis dahil masakit na ang paa ko kakatayo sa linya.
Nagpa water break na muna ang teacher namin para si Alyssa at Paul na muna ang turuan.
Habang nag prapractice silang dalawa biglang tumunog ang speaker.
Do you hear me,
I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hardNapa ngiti ako sa kanta saka sinabayan.
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home againNgumiti din si Paul sa akin saka binalik ang tingin sa guro habang nakangiti kaya tinukso silang dalawa ni Alyssa, akala siguro kinilig si Paul sa kanta dahil kay Alyssa.
"Yieee kaw Paul ah, akala namin kay Jazz ka yun pala kay Alyssa" panunukso nila
"Yieeeee" gatong pa ng ilan.
Tseh! Eh sa kanta kaya namin yung dalawa ni Paul, halerrr ako ang nililigawan dito oh!
"Hey stop it! It's so nakakahiya" pabebeng suway ni Alyssa.
Sus neknek mo ghorl gustong gusto mo naman.
Mas lalo pa silang nag asaran doon habang ako naman ay panay ang pangiti ngiti habang patagong umiirap.
Edi kayo na magsama mukha namang masaya si Paul ganda ng pagkaka ngiti niya eh.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.