Kasalukuyan kaming nasa mall ni Paul ngayon at kumakain.Marso na ngayon at huling mga linggo na namin sa eskwela. Konting konti nalang graduates na kaming dalawa at mag co-college na.
Nakakapagod ang dami ng gawain namin dahil malapit na ang clearance period.
Habang kumakain ay panay asaran at tawanan namin ni Paul.
Kami na ba? Hmm, hindi pa
May mga araw na para bang gusto ko nalang siyang sagutin dahil noon paman ay alam ko nang mahal ko siya pero nag aantay nalang ako ng tamang araw.
Pagkatapos namin kumain ay ginawa namin ang madalas na ginagawa ng mga nag de-date, ang manood ng sine.
RomCom lang ang pinanood namin para chill at alam naman ni Paul na kahit noon paman ay matakotin talaga ako.
Bumili siya ng popcorn saka ng fruit juice.
Hindi na bago sa amin ito dahil nagagawa naman namin ito noon.
"Hahahaha lokong lalaki yun ah" natatawang komento ko sa pinapanood.
Natatawa ako na naiiyak sa mga eksena.
"Mag mukha man akong katawa tawa, okay lang basta mapasaya kita" sabi nung bidang lalaki.
"Aww" reaksyon ng mga manonood.
Pagkatapos namin nag sine ay nag arcade na kami.
Sa totoo lang hindi ako tulad nung ibang babae na sporty at mahilig maglaro dito.
Nagpa barya ako ng tig pipiso ng isang libo saka naupo sa coin 'chine, yung huhulog ka ng piso tas may tutulak at pag nahulog mo yung mga piso magiging ticket.
"Love naman, laro na tayo doon" turo ni Paul sa iba pang laro.
Ngumuso lang ako habang naghuhulog ng piso kaya sinulyapan nya ang mga piso piso ko na kay dami pa.
"Ayaw mo pala ah, sige magpapa barya din ako ng tig pipiso tapos padamihan tayo ticket, pag ako nanalo maglalaro tayo sa iba"
"Luh uy isang libo lang yung sakin ah baka mandaya ka"
"Nyenye" sagot nya saka iniwan ako para magpa sukli
Dumating siya dala dala ang mga tig pipiso nya saka nag simulang maglaro.
"Hahahaha" tawa ko sa kanya.
Ang seryoso niyang maglaro kala mo naman isang milyon ang premyo pag nanalo.
Inabotan na kami ng isang oras sa machine na iyon dahil parehas kaming ayaw magpatalo nag dagdag kami ng 500 pesos na ipinabarya.
Bawat dumadaan ay napapa tingin sa amin dahil sa dami ng ticket namin na nagkalat sa ibaba ng machine.
Huling hulog ko na ng piso saka inayos ang mga tickets ko para di mahirapan pagkapasok ko mamaya sa counting machine.
May natitira pang barya si Paul na sa tingin ko ay umabot pa sa dalawang daan.
Nang matapos din siya ay dinala na namin sa counter ang mga tickets namin. May card kami ni Paul kung saan pwede lang namin gamitin pag magkasama kaming dalawa.
Una kong sinalang sa counting machine ang mga naipon kong tickets. Panay ngiti ko kay Paul habang binibilang ito.
11,087 ang bilang ng tickets ko.
kinindatan ko si Paul nung siya na ang magpapabilang, natatawa ako sa busangot niyang mukha.
11,098 naman ang sa kanya kaya kay laki ng ngiti niya habang ako ay napapairap.
"Paano ba yan, mas madami akin?" mayabang na sabi niya.
"Oo na, asan naba tayo maglalaro?" tanong ko habang naglalakad sa iba pang mga laro doon sa arcade.
Inakbayan niya ako saka giniya.
"Asan naba tayo, kala ko ba maglalaro tayo ba't nasa labas na tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil dinala niya ako sa labasan ng arcade.
"Lam ko pagod kana kaya tara kain" bungisngis niya.
"Sa isawan!" sabay naming sigaw saka napayuko dahil pinagtinginan kami.
Sa isawan sa labas ng mall sa may carpark kami kumakain, paborito namin dito. Bente pesos lang busog kana, masarap pa at nakatulong kapa kay manong.
Matagal na namin itong kinakainan kapag nagagawi kami dito sa mall.
Minsan ng napagalitan si Paul ng kaniyang ina nung sabihin niya noon na doon kami kumain. Madumi raw kasi at baka magka hepa kami.
Kumpleto naman ng ppe ang nagbebenta at mukhang malinis naman din talaga.
Iba ang nagluluto at iba ang humahawak ng pera.
Sarap na sarap kami sa pagkain namin at busog na din 80 pesos lang ang nabayadan namin para saming dalawa kasama na ang palamig kaya sulit na sulit.
Masaya kaming dumiretso sa sasakyan sa carpark para umuwi.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Novela JuvenilEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.