"Ladies and Gentlemen, we have just landed at Francisco Bangoy International Airport, Cebu Pacific Air welcomes you to Davao. On behalf of your flight crew headed by Captain Fadrique with First Officer Lopez and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific, your airline of choice. Kalalapag lamang po natin sa paliparang pandaigdig ng Francisco Bangoy International Airport, maligayang pagdating sa Davao. Sa ngalan po ng bumubuo ng lipad na ito na pinangungunahan ni Kapitan Fadrique sa tulong ng unang opisyal Lopez kami po ay nagpapasalamat sa patuloy na pagsakay at pagtangkilik sa Cebu Pacific. Maligayang pagdating."(CTTO)
Nang pwede nang tumayo ay kinuha ko ang maleta ko sa itaas ng cabin, ito lang at ang handbag ko ang dala ko dahil hindi ko naman kailangan ng madaming damit dito.
Napapikit ako at ninamnam ang simoy ng hangin dito sa Davao. Nakakamiss ang lugar nato!
Natawa ako nang inalala ang sinabi ko kina mommy kagabi.
"Mom, mag handa naman po kayo bukas ng tanghalian, may kakilala akong pupunta diyan. May ipinakuha akong mga gamit."
"Ay naku anong oras ba pupunta iyon? Ba't ngayon ka lang nag sabi? Oo at maghahanda ako."
Alam kong hindi sila magdududa dahil hindi naman ito ang naunang beses na sinabi ko iyon, dahil nang pumunta ng Davao si Ford at Ana noon ay may iniutos ako.
Oo, nagkabalikan na ang dalawang yun nung nakaraang taon. Sana all!
Tiningnan ko ang relo ko at nakitang mag aalas dose na, na delay kasi ng kaonti ang flight ko kanina.
Hindi ganun kalayo ang airport sa subdivision namin dahil sa Diversion kami nakatira.
From: Mom :)
Anong oras ba dadating ang bisita mo? Malapit na akong matapos sa paghahanda.
11:49pm
Magrereply na sana ako nang nag message ulit siya.
From: Mom :)
Baka kasi lumamig ang mga niluto ko hehe
11:49pm
Napangiti ako sa mommy ko. Cute mo naman po.
Pumunta na ako sa taxi lane at sumakay saka nag reply kay mommy.
To: Mom :)
Papunta na po.
Sent ✅
Papunta na ma, papunta na ako, pauwi na ang anak mo.
From: Mom :)
K.
11:53pm
Apaka talaga ng babaeng ito hahahaa
Bumaba ako isang bahay ang layo bago ang bahay namin saka nilakad papunta sa front gate saka nag doorbell.
Natawa naman ako nang si Manang ang lumabas at tila nakakita ng multo kaya agad akong sumenyas.
Naunang pumasok si Manang sa Lounge Area namin.
"Ma'am, Sir Andito na po bisita niyo."
Nakita ko namang lumabas ng kitchen si mommy at bumaba naman galing itaas si daddy.
"Your daughter is homeeee!" Natatawang sigaw ko dahil nag unahan silang lumapit at yumakap sa akin.
"Naiiyak pa ang dalawang toh oh. Kayo naman, parang di naman kayo pumupunta doon ah. Lagi naman tayong nagsasama."
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.