"Love, gising na." ....."Love, iha, gising kana ba?"
"Love, gising na may bisita ka sa baba."
Nagising ako mula sa mga ingay na yun.
"Opo manang, sino ba yung bisita?" Pasigaw kong tanong mula sa loob.
"Basta't bumaba kana rito at hinihintay ka ng bisita mo." sabi ni manang bago tuluyang umalis sa aking pintuan.
Nag dasal ako saglit at tuluyan ng bumangon. Inuna kong inayos ang aking kama at pumunta sa harap ng salamin at nag tali ng buhok saka ko nilisan ang aking silid.
Omaygash!! bigla akong napabalik sa kwarto ng makita si Paul sa baba.
Dali dali akong pumunta sa banyo at nag ayos. Siniguro ko na din na mabangong mabango ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Paul pagkababa ko ng hagdan.
"Bumabawi?" Nakangiting tugon ni Paul sakin.
Agad akong nagtaka sa tinuran niya pero nagets ko naman agad kaya napangisi ako pero pilit kong tinakpan ng seryoso kong mukha.
"Bawi saan?" kunwareng tanong ko.
"I know that you got sad 'cause I wasn't able to join you last night." Sabi niya at niyakap ako.
"Sorry na"
Niyakap ko siya pabalik at dahil lang doon agad nawala lahat ng pag aalangan at pag tatampo ko.
Sabay kaming kumain at pumunta sa paaralan.
Nang makarating kami sa paaralan ay bumalik sakin na dito na nga nag aaral ang kaibigan ni Paul.Nang makarating kami ni Paul sa classroom napansin ko agad na wala dito ang 'bestfriend niya'.
Nagtataka kong tiningnan si Paul gamit ang nagtatanong kong mata.
"Baka late lang" Sagot ni Paul. Agad naman akong tumango at dumiretso sa aking upuan.
Nag simula na ang aming klase at walang Alyssa na dumadating. Hinayaan ko nalang din sapagka't pabor naman ito sa akin.
Nag lunch break na at lahat wala padin ang anino nya.
Solong solo ko naman si Paul kung kaya tuwang tuwa ako. HAHHAHHAHAHHAHAHA
Selfish na kung selfish pero ito ang totoo. Bukas din naman ay balik na ulit sa realidad ang lahat kaya lulubusin ko na ito. Ewan ba ba't nagseselos ako pero iba kasi ang awra nung Alyssa na yun, para bang kayang kaya niyang agawin si Paul.
Natapos ang aming oras-eskwela ng di siya dumadating. Hindi ko alam ang rason at di rin naman ako interesado kung kaya hinayaan ko nalang ito.
Nasa sasakyan kami nina Paul ngayon, di na ako nagpa sundo dahil si Paul daw ang maghahatid sa akin pauwi.
Agad akong nag bihis at binalikan si Paul. ( sana all binabalikan)
Napag desisyonan namin na subukang mag bake ng cookies bilang parehas kaming mahilig sa matamis at syempre sa pagkain.
"1 1/2 daw dagdagan mo pa, ba't ba kasi yang 1/2 cup ang ginamit mo?" Inis kong sabi kay Paul.
"Syempre para challenging, HAHAHAHHAHA" sagot nya
Hindi na ako nag salita at pinagpatuloy ko ang pag dagdag ng chocolate chips para mas matamis. Parang kami. CHAR!!!
"Paul paalala lang, di pa po naluluto yan. kain na kain na ah."
"It's delicious kasi eh"
"Syempre gawa natin dalawa, masarap talaga. uhhmmm" Paungol kong sagot.
"Gago!"
Tawa lang kami ng tawa habang patuloy ko siyang tinutukso.
Todo asaran at tawanan kami habang inaantay na maluto ang cookies na ginawa namin.
"Pag may nanligaw sayo, pakilala mo agad sakin ah" Biglang sambit ni Paul na nagpatigil sakin at nagpatawa.
"Ha? Hindi ba ikaw yong manliligaw ko?" Alam kong bestfriends kami pero di naman siguro masamang lumadi ng pa onti onti.
Eksakto namang tumunog ang timer na nagpapahiwatig na luto na nga kaya agad akong pumunta at tiningnan.
"Aray!!" Sa sobrang ka excitedan ko eh napaso ako, Ang init naman pala kasi.
"Ohh love, ingat naman" Sabi niya at dinala ako sa lababo ubang mahugasan ng malamig na tubig ang aking mga daliri.
Napa tingin ako sa mukha niya dahil sa lapit namin nang bigla siyang lumingon sakin kung kaya nag tama ang mga labi namin. Pakening shet!! First kiss ko!
Hindi agad ako naka galaw sa sobrang gulat habang siya naman ay mabilis pa sa orasan ang pag layo.
"So sorry, I did not know that you were facing towards me" Pag hingi niya agad ng tawad sakin.
"Ahh sorry din, di ko naman alam na lilingon ka." agad kong depensa sa sarili.
Kahit may gusto ako kay Paul, nakakahiya naman yung nangyari.
Saka nga pala kung nag tataka kayo ba't madalas nag iingles si Paul yun ay dahil yun ang kanyang nakasanayang salita.
Purong Pilipino ang ama ni Paul habang may lahing Singaporean naman ang ina niya kaya isinilang siya sa Singapore, doon din siya nanirahan bago sila umuwi dito at doon niya nakilala si Alyssa mula pa noon.
Ingles ang pangunahing salita niya. Marunong namang mag Tagalog si Paul at pati na Bisaya ngunit mas nakasanayan niya iyon.
"Love, Paul luto naba iyan?" Pag tanong ni Manang
"Opo, tikman niyo po" Pag aya ko kay Manang
"Hmm ang sarap ah, pwede na kayong mag asawa. hahahha" Sabi ni manang bago lumabas ng kusina.
Agad naman kaming nagkatinginan ni Paul at sabay na natawa.
Tumambay muna kami sa sala at nanood ng tv bago nag hapunan. Dito na naghapunan si Paul kasabay namin ni mommy at daddy.
"Enough na ba yung pagsuyo ko, love?" Paglalambing ni Paul.
Ngumiti ako at niyakap siya.
"Thank you, super happy ako today" sambit ko habang yakap siya.
Ngumiti siya sakin at kumaway bago tuluyang sumakay sa sasakyan nila.
Umakyat ako sa taas at nag half bath. Nag skincare din ako at nag toothbrush. Nang matapos ko ang aking mga ritwal ay humiga na ako sa kama at nag isip isip.
Hindi ko alam kung bestfriend lang ba talaga ang turing niya saakin dahil parang may gusto naman siya sakin base sa mga kinikilos niya, pero siya na din nag sabi saakin noon na wag mag assume at wag mag expect agad agad kaa bahala na basta ngayon masaya ako at yun ang mahalaga.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Novela JuvenilEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.