Epilogue

95 7 83
                                    


Paul's POV:

Nandito kami ngayon sa balcony ng kwarto namin at saka ko sinulyapan ang aking mag ina. Ang payapa nilang tingnan, nasa rocking chair si Jazz habang kandong nya ang 6 months old na anak namin.

Sa punto ng buhay ko ngayon, pawang pasasalamat nalang ang kaya kong idasal dahil sa sobra sobrang biyaya. Hindi ako perpekto, madami akong naging maling desisyon pero laking pasasalamat ko na sa kabila ng lahat ng yun ay pinili parin ako ni Jazz at ngayon ay may munting anghel na kami.

Habang tinitingnan ko ang mag ina ko ay hindi ko maiwasang maalala lahat ng nangyari nung mga nakaraan.

"Paul, your aunt Carmie and Alyssa will be staying in the Philippines for good." sabi ng ina ko.

"Bakit daw po?" tanong ko dahil okay and stable naman sila dito sa Singapore.

"Why? aren't you happy about that?" biglang sumingit si zu fu sa usapan namin.

"I am happy." maikling sagot ko.

Masaya naman talaga ako, syempre, si Alyssa yun. Siya lang naman kaibigan kong babae dito sa SG maliban sa mga pinsan ko.

Unang araw ngayon na pumasok sa klase si Alyssa, ipinakilala ko na siya kay Jazz at napansin kong may nabubuong tensyon sa kanila, hindi ko nalang pinansin dahil baka kailangan lang nilang mag warm up muna sa isa't isa.

Nang matapos ang klase ay agad kong tiningnan ang cellphone ko dahil nakita kong may message ako mula kay mami, sinabi niyang sabay kami kakain kasama ang pamilya ni Alyssa. Alam kong magtatampo si Jazz dahil may usapan kami pero di ko kayang tanggihan si mami.

Maaga palang ay naghanda na ako dahil pupunta ako kina Jazz para bumawi sa naudlot naming usapan kahapon.

"Pag may nanligaw sayo, pakilala mo agad sakin ah." Bago ko pa man mapigilan ay kusa na iyong lumabas saking bibig.

"Ha? Hindi ba ikaw yung manliligaw ko?" Oo, ako nga sana kung hindi lang ako duwag.

Noong nakaraan ay nagpaalam ako ng maayos sa magulang ni Jazz na isasama siya sa Mati, akala ko nga ay hindi papayag si tito kaya nag ready ako ng back up plan. Pumayag naman sila kaya inaya ko si Jazz, hindi nga lang niya alam na sa Mati kami pupunta.

Do you hear me, I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Boy, I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

Sinabayan ko ang kanta dahil alam na alam ko to. Palagi kong pinapatugtog at kinakanta toh sa tuwing gusto ko nang umamin sa kaniya.

Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Napansin kong natigilan siya kaya sinulyapan ko siya saka pinagpatuloy ang pag kanta.

Nag lakad si Jazz papunta sa may dagat kaya sinundan ko siya. Nararamdaman ko ang bigat ng titig niya kahit nakapikit ako kaya nag salita ako.

"Wag mo akong titigan ng titigan kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka sa akin."

Matapos namin mag sulat sa bato ay umupo kami sa may buhanginan.

Dapat na siguro niyang malaman. Baka ito na ang tamang pagkakataon para ipaalam sa kaniya. Natatakot ako, pero matagal ko ng dala dala toh.

"Jazz" panimula ko.

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon