Hindi pa man nagsisimula ang palabas ay kinikilig na ako. Paano ba namang hindi eh hawak hawak pa din ni Paul ang kamay ko.Nagsimula na ang palabas at magka hawak kamay padin kami. Naiilang na ako dahil hindi ako nakapag hand cream at baka magaspang ang mga kamay kong ito.
Dumaan muna ako sa cr upang mag ayos ng aking sarili. Ngiting ngiti ako habang naiinis na inalala ang mga naganap kanina.
Flashback:
"You seem cold" ani ni Paul
Nilalamig ako yung ang totoo, kanina pa ako giniginaw ngunit pilit kong winawaksi lalo pa't hawak ni Paul ang mga kamay ko.
"I'm fine"
No you're not - bulong ng isip ko
Agad akong napamaang ng akbayan ako ni Paul. Kunot noo ko siyang tiningnan. Tinaasan niya ako ng kilay saka nag salita.
"I know you're cold, stop pretending like you're not"
"I'm not pretending" Inis kong sabi na napalakas yata.
"Shhhhhh" Sita ng mga tao sa likuran ko
Napahiya ako dahil doon habang si Paul ay obvious na obvious namang nagpipigil ng tawa kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin na mas lalong nagpalaki ng ngiti niya.
"Undangi ko, ibilin taka ron" Inis kong bulong sa kanya.
*Translation: "Tigilan mo ko, Iiwan kita ngayon"
Iling iling nya akong hinila papunta sa kanya habang akbay padin ako.
"Kaklaro rang gakurog ka" sabi niya
*Translation: "Halata namang giniginaw ka"
"No, I'm fine" agad kong sabi ng nakita ko siyang tanggalin ang hoodie nya ngunit huli na yon dahil inayos nya iyon at pinasuot sa akin.
"Okay lang ako, baka ikaw nanaman lamigin" sabi ko dahil puting t shirt nalang ang suot niya.
Ngumiti lang siya sa akin at sumenyas na suotin ito. Hindi na ako nag inarte dahil talagang giniginaw na ako.
Matapos kong suotin ang hoodie ay inakbayan nya ako at mas nilapit sa akin. Tinanggal nya ang armrests sa pagitan namin upang mas lalo akong masiksik sa kanya.
"To keep me warm" sagot niya bago pa ako makapagreklamo.
Hinayaan ko na siya dahil talagang malamig sa cinehan. Pabor din sa akin na makasama siya ng ganto kalapit.
Ngiting ngiti kong itinuon ang atensyon ko sa palabas hanggang matapos.
~ End of flashback ~
Pagkalabas ko ng comfort room ay nakita ko na si Paul sa tapat na nag aantay sa akin.
Kumain kami saglit at agad niya na akong inuwi sa amin. Sa sobrang pagod ko ay agad na akong nakatulog ng hindi nag half bath. Hilamos lang sapat na.
Bigla akong nagising dahil sa sobrang lamig at talagang ginaw na ginaw ako na animo'y naka sando habang snow. Talagang gumagalaw ang katawan ko sa nginig. Agad kong hinanap ang remote ng aircon at pinatay ito.
"Anak, anak" nagising ako sa boses ni mommy.
"It's almost noon anak, you're burning hot" mahihimigan mo ang pag aalala dito.
Sapo sapo ni mommy ang ulo at animo'y di alam ang gagawin.
"Hon! Hon!" Sigaw ni mommy at agad namang dumating si daddy.
"What?? What's happening? Why are you shouting" tanong ni daddy pagka pasok.
"Your daughter is burning hot" sagot ni mommy
"WHAT?! Let's bring her to the hospital"
"Isa ka pang OA, mas OA kapa sakin eh" angil ni mom
Natawa ako ng bahagya sa kanila.
Inutusan ni mom na kumuha ng gamit si daddy at pinagluto naman ako ni manang.
Hindi ako kumakain ng arozcaldo kaya Oatmeal ang inihanda niya.Kaya pala grabe ako kung lamigin kahapon at medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil magkaka sakit pala ako ngayon.
Hindi ko namalayang nakatulog ako at nagising lang dahil sa patuloy na pag haplos ng kung sino man sa buhok ko.
Naiinis ako kaya tumalikod ako at pilit na natulog ulit. Nakatulog nga naman ako saglit ngunit nagising rin agad sa marahang haplos tulad kanina kaya inis kong nilingon ito.
Mukha ni Paul ang una kong nakita ngunit wala akong panahon isipin to dahil masama padin ang pakiramdam ko.
"Wakie, wakie" masiglang sabi niya.
"You have to take your meds"
Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at gamot.
Ininom ko to at ipinikit saglit ang aking mga mata.
Dumaan si mom kanina at nag check ng aking temperatura. Bumaba na raw ito kumpara kanina ngunit mataas parin.
Binalatan ako ni Paul ng orange at hinugasan ng grapes dahil makakatulong raw ito.
Pina inom niya rin ako ng tubig at mga fruit juice.At dahil wala akong gana kumain ng hapunan ay yung mga prutas at juice lang ang laman ng aking tiyan.
Binantayan ako ni Paul hanggang sa makatulog ako nung gabing yon. Wala pang alas siyete ay nakatulog na ako.
"Please don't get sick again, you make me worry" bulong ni Paul habang hawak ang kanang kamay ko.
May iba pa siyang sinabi ngunit di ko na narinig dahil tuluyan ng nahulog ang talukap ng mga mata ko.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.