Kay ganda ng umaga. Ang unang araw-eskwela ay laging masaya ngunit hindi ko alam kong ganun parin ba. Huling taon ko na ito ngayon bilang isang JHS student. Sana talaga maging masaya at exciting padin ito at sana magustohan ako ng mga kaklase ko.I am now officially a 4th year student.
"Ang aga mong dumating ah, excited lang?" My bestfriend, Paul asked me.
"Well, Gusto kong pumasok ng maaga, sana magkaroon ako ng madaming kaibigan." sagot ko pabalik
"Ofcourse, you'll gain new friends, ikaw pa. And even if you won't I, your bestfriend will always be here for you." Napangiti ako sa mga tinuran niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok ng aming paaralan. Ang aming mga kaibigan ay lumipat na sa ibang paaralan, ang iba naman ay nanatili ngunit nasa ibang section.
Napag desisyonan namin na manatili nalang sa Cafeteria pansamantala dahil hindi pa naman magsisimula.
Nagsimula na ang aming Orientation at naging maayos naman ang takbo nito, Maaga ngang natapos eh. We have the whole afternoon to spend. We could probably spend some time at the mall.
A week passed..... classes were already starting. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Life is easy, no pressure still. Maayos ang takbo ng lahat sa ngayon.
Weeks later mas dumami ang mga gawain. Okay lang andiyan naman si Paul para tulungan ako. He is my childhood friend. Tinutulungan niya ako sa halos lahat. Nandiyan siya lagi para sa akin.
Dumami man ang gawain ay okay lang dahil andiyan naman si Paul para tulongan ako lagi.
School is stressing me out. Exams are fast approaching.
Pumunta si Paul sa amin para tulongan din ako sa aking mga gawain, ganiyan naman kami palagi.
"Oh the love birds are here."
"Mom!! we're just friends. Stop!" Agad kong depensa. Defensive ka teh?!
"Hi po tita." Paul greeted my mom politely.
My mom winked on me. Alam niyang may lihim na pag tingin ako sa bestfriend ko. I had a crush on Paul since we were kids maybe because he was the only boy who was allowed to go near me. My dad was kinda strict before.
Mas lumago ang aking nararamdaman para kay Paul sa paglipas ng panahon pero kailanman ay di ko sinabi sa kanya.!Natatakot ako, What if he doesn't see me the way I see him? What if our friendship would end? What if he'd stay away from me? So many 'what ifs' that are stoping me from doing so.
I enjoyed the rest of the afternoon being with him.
"I have to go, see you tomorrow." Sabi ni Paul habang palapit sa main door upang maka alis .
"Bye, take care." Sagot ko naman.
Kay bilis ng oras kapag magkasama kaming dalawa. Puros tawanan at kasiyahan. He really does make me happy more than anyone can do.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nag skincare.
Ang sarap ng naging tulog ko kagabi. Handa na ako sa kung ano mang pagsubok ang darating ngayon.
Maaga akong pumasok ngayon, wala lang, trip ko lang. Wala pa si Paul kaya nag decide nalang akong tumambay muna sa library bago pa mag simula ang oras-eskwela.
Habang naglalakad ako papunta sa library ay may nakabunggo akong babae.
"I'm so sorry" Agad kong paghingi ng paumanhin.
"Next time, be more careful" Sabi nung ate girl na medyo mataray.
I didn't know her. She was unfamiliar to me. I don't think she studies here since she wasn't wearing our school uniform.
Di ako nag tagal sa silid aklatan at pumasok na agad ako sa aming silid aralan.
Nagulat ako nung pumasok ako ay andoon na si Paul at kausap niya yung babaeng naka banga ko kanina.
Pinalipas ko nalang at baka may itinanong lang. Madaming kaibigan si Paul pero ako lang ang babaeng malapit sa kaniya. Allergic ata sa ibang babae yan eh.
Tinawag ako ni Paul kaya dumiretso ako sa direksyon nila kaysa sa upuan ko na siyang dapat kong pupuntahan kanina.
"Love" Tawag niya sa akin. Love is my second name. Jazz Love Mei is my full name. My dad was Chinese.
''Ohh are you together?" Tanong ni ate girl na mataray sa akin.
Maganda siya, hindi mo maitatanggi yun. Porcelanang balat, medyo singkit at mas matangkad sa akin nang ilang pulgada. Itataya ko ang buhay kong may lahi ito. Mas mukhang Chinese pa nga siya kaysa sakin eh.
Sasagot na sana ako sa kaniya nang maunahan akong sumagot ni Paul.
"Uh, no we're not. she's my just bestfriend." Ay nananampal ng damdamin? Oo na, hindi kami dahil magkaibigan lang kami. Friends. Bestfriends.
Pinakilala naman ako ni Paul sa kanya. Anak daw pala siya ng kaibigan ng mommy ni Paul. Di nga ako nagkamali, transferee siya. Kababalik lamang nila dito sa Davao mula rin pala sila sa Singapore. Singaporean ata eh.
Agad kong nalaman ang dahilan kung ba't sila nag uusap at yun ay dahil magkakilala pala sila. Ni Hindi ko nga pala alam na may ibang girl bestfriend siya maliban sa akin. l didn't know what to feel but I just acted like I really didn't care. They were just friends anyway but Paul and I are just friends too.
Nag focus nalang ako sa klase at di na sila pinansin. Ano naman ngayon kung magkaibigan sila? Magkaibigan lang naman.
Sabay din kaming kumain ng kanyang 'girl bestfriend'. Binilisan ko nalang ang pagkain upang agad na makalayo sa kanila. Di ko feel sumabay sa hindi ko naman ka awra.
Sa tingin ko naman ay hindi rin ako gusto nung babae, si Paul lang naman yung pilit kaming pinagkakaibigan. Wala namang problema sa akin pero halata naman kasing hindi ako gusto nung isa.
Dismissal na at sobrang saya ko na. Hindi na ako makapaghintay na magkaroon ng 'alone time' kasama si Paul.
"Hey, sorry. I am going with Alyssa. Mom is expecting me to be there, we'd have dinner at their house."
Biglang kumupas ang ngiti ko pero siyempre bilang ang maintindihin ko, hinayaan ko nalang yun at pinalipas.
I went home not feeling fine. Locked my room, switched off my lights and played some music. I knew that moment that I would be overthinking but didn't bother to stop it from happening. I wanna feel the pain and let it out. Tomorrow, hopefully things would be fine.
Natulog akong may mabigat na damdamin.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.