Para akong nanghina nang makita ko silang dalawa. Agad akong inalalayan ni Bella papunta sa lounge namin.Kilala nila Bella sina Paul at Alyssa dahil nung nalasing kami noon ay nag kwento ako sa kanilang tatlo at pinakakita ang litrato nila na nakatago sa gallery ko.
THAT WAS SIX FUCKING YEARS AGO!!
"Ja, hindi ko talaga alam na andito siya" Alam ko namang wala talagang alam si Bella, pero kasi ba't sa dinami daming bar na pwedeng puntahan dito pa siya, sila napadpad.
"Kailangan ko ng umalis dito" Parang bigla akong nahirapang huminga. Hindi ko parin pala kayang makita silang nagsasama. Nag unahan sa pag agos ang mga luha ko habang ako'y tumatakbo.
"Arghh!" Kung minamalas nga naman. Ba't sa lahat ng pwede kong makabunggo siya pa talaga.
"Are you okay?" Bahagya akong natigilan pero ipinagpatuloy ko ang pagtakbo habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Bakit ganun siya? Ba't parang walang nangyari? Nung tiningnan ko ang mga mata niya nakita ko ang pag aalala, hindi parin siya nagbabago, Siya parin ang Paul na kilala ko.
Sinabi ko na noon pa na ayaw ko na silang makita ulit, Bakit tila pinaglalaruan ata ako ng tadhana?
Arayyy! Ang sakit ng ulo ko lecheng hang over nato. Hindi kasi ako nakuntento sa ininom namin kagabi kaya nilaklak ko yung Cuervo na andito sa condo ko. Agad akong uminom ng maraming tubig ng mapalitan naman yung mga sinuka ko.
Andami kong text at missed calls. Agad kong binuksan ang gc namin at nag chat ng 'bagong gising here, okay lang ako' agad naman silang nag si reply.
Ana: You sure? saw them last night.
Elle: Nag eemote yan , hayaaan niyo na.
Bella: bes anim na taon na ang nakalipas move on move on din.
Elle: Bakit kaw ba naka move on na? HAHAHAHAHAHAHA
Bella: shut up, atleast hindi pinagpa- opss
Elle: Ganyan ba talaga pag nang iwan?
Elle: Sorry keypad ko pasmado.
Ana: Ja, don't mind them. Call me if u need me, I'm just a call away.
Andami nilang sinabi pero di ko na nireplyan naiinis ako kapag naalala ko na magkasama sila kagabi. Antagal na din pala nila. Kasal na nga siguro sila. Hay nako! hindi ko na dapat sila iniisip pa.
Wala na sana akong balak isa isahin ang messages ko pero may isang text ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko naman pinapansin anh random numbers pero ewan ba't nakuha nito ang atensyon ko.
From: 0932*******
Sorry.
12:8am
Tiningnan ko ulit ang numero at hindi talaga ito pamilyar sakin. Hindi naman siguro......... imposible. Nababaliw na ata ako eh! Nag palit na ako ng numero at kasabay nun ay ang pag alis ko ng Davao, ang tunay kong tahanan.
Iniwan ko ang pamilya ko, mga kaibigan at higit sa lahat ang rason ng pag alis ko.....si Paul, iniwan ko siya kasama ang lahat ng sakit na dala dala ko at dinala ang pangakong kakalimutan siya at magiging masaya ako. Nag tagumpay ba ako sa layunin kong ito? HINDI
Dahil hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakalimutan, gustohin ko man pero palagi parin siyang sumasagi sa aking isipan. Naging masaya naman ako sa tulong ng aking mga kaibigan, ngunit hindi ko maiaalis na may sakit padin akong dinadamdam.
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Novela JuvenilEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.