Chapter 13

76 10 74
                                    


Pagkaupo ko ay agad akong kinausap ni Paul.

"They already announced that it was their fault because they was not able to change the names in the list"

"Ahh sige hehe" sagot ko

"Alyssa and Enzo and you and I would walk later after everyone in our section do so"  dagdag niya

"Ahh sige"

Napatikhim si Paul sa sagot ko.

Di naman ako galit sa kanya pero di ko alam kung anong marararamdaman.

"I hope you understand that I really did not want that to happen" ngumiti lang ako sa kanya.

"I'm sorry, let us not ruin the night" sabi ni Paul saka kinuha sa ilalim ang kamay ko at pinsil, ngumiti lang ulit ako sa kanya.

Tumayo na ako nung kami na ang maglalakad. Nahihiya ako sa totoo lang pero tama naman ang sinabi ni Paul kaya pinilit kong iwaksi lahat ng negatibo kong naiisip at ngumiti.

Ngayon lang toh kaya dapat mag enjoy ako. Di ko hahayaang masira ang gabi ko dahil lang sa nangyari kanina.

Ngumiti ako sa camera at nag pose ng nag pose habang todo palakpak rin naman ang mga estudyante.

"Okay keep smiling, 3 2 1 and very good"

"That's it Jazz enjoy the night"  bulong ni Paul

"Yeah, it's our first time at tayo pa ang magkapareha kaya dapat lang talaga na i enjoy at mahal tung gown ko noh" sabi ko na nagpatawa sa kanya

"Bagay na bagay nga naman sayo"

"Yun nga lang may kapareho" sagot ko saka umismid

"Okay lang yan isipin mo nalang twinning kayo"

Eh? Ayaw ko naman ka twinning yung babaeng yun tsk

Nagsimula na ang sayawan ng bawat section. May sampung section at ika pito pa kami, sasayaw ang section namin pagkatapos kumain.

Palakpak lang kami ng palakpak habang nanonood sa iba na sumasayaw at nagpeperform.

Nang matapos ang ika apat na section ay dinner time na.

Sinerve na ng mga standby waiter ang aming starter. Mushroom soup ito na nakalagay sa bread bowl, bale ang tinapay ang nag silbeng bowl ng soup.

Hmm ang sarappp lalo pag tumipak ka ng tinapay sa bowl tas isasawsaw mo sa soup.

Ang main dish namin ay steak with mashed potato and aftigiani gravy, may side dish din na mga gulay gulay.

"Paul sayo na yang mga gulay na yan"

"Hahahaha kainin mo yan, masarap naman yan" sagot niya

Ngumuso lang ako saka kinuha at nilagay sa plato niya ang mga iyon, tumawa lang ang amaw.

May fruit shake din kami at tubig. Pinili ko yung Mango shake, katulad kay Paul.

Brownie Ala Mode naman ang dessert namin.

Pakiramdam ko masisira ko yung gown ko sa higpit, sobra sobra ang kabusogan ko.

Nagpatuloy ang mga performance ng bawat section pati na rin ang mga intermission numbers. May iba't ibang ganap pa na nangyari, ang dami lang talaga.

Patapos na ang event at mas lumalim na din ang gabi. 9:08 na sa cellphone ko.

"Fine men and women, the judges had been watching you upclose. Stunning ladies and handsome men are everywhere, they are definitely having a hard time"

"But this year's Mr. Eye catcher is-"

*drum rolls*

"Mr. Eye catcher is no other than Paul Chen"

Woahh di na ako magtataka pero di ko inakala yun ah.

Hindi ko naman hinilingin na mananalo ako rito pero nang malaman kong si Paul ang panalo parang gusto ko nalang ding manalo.

"And ofcourse Mr. Eye catcher needs her Ms. Head turner" maligayang sabi ng emcee

"Our Ms. Head turner is a very stunning lady who made every man turn just to look at her, she is no other than-"

Jazz huhu jazz please, sana ako huhuhu Jazz Love Mei

"She is no other than Ms. Alyssa Ong"

Nalungkot ako na hindi ako pero okay lang ang ganda nga naman ni Alyssa kahit naiinis ako sa kanya mag sisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi siya deserving.

Inalalayan siya ni Paul paakyat ng stage para masabitan ng sash.

Nang makarating sila sa gitna ng dance floor ay biglang nag dim ang lights para maka sayaw sila.

Kaya ko gusto manalo para ako ang first dance ni Paul ngayon kaso nga lang di ako ang nanalo.

Kapag natapos na ang kanta ay magsisimula na ang free dance kung saan kahit sino ay pwedeng sumayaw sa gitna.

First 3 songs ay slow para sa ibang may balak mag sayaw ng madami saka ang ang susunod ay 2 party songs para mas ma enjoy ng lahat.

Pagkatapos sumayaw nina Paul at Alyssa ay mas nag dim pa ang ilaw hudyat ng free dance.

Nakita ko si Paul na naglakad papunta sa gawi ko. Bigla siyang lumuhod saka nag salita.

"May I have your first dance tonight?"

Ngumiti ako saka tumayo, tumayo na rin siya at naglakad kami papunta sa gitna upang makasayaw.

Nasa pangatlong kanta na at sumasayaw padin kami para sulit na sulit daw at memorable dahil siya lang ang kasayaw ko.

Hey have you ever tried
Really reaching out for the other side?
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes

Dreams are for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to,
I want to make it with you...

"Jazz, you may have not made every man here tonight turn to look at you but you never failed to make me do so"

Naiiyak ako pero nakikinig lang ako habang tumutogtog ang musika, patuloy paring nagsasayaw ang iba.

"I may have catch every woman's eyes here tonight but I only want to catch yours"

"It takes more than the courage to do this but I know how worthy you are"

"You deserve more than this, you deserve more than me"

"But no matter how I try, I cannot change what I feel towards you"

"Your bestfriend loves you more than he should, I love you so much Jazz"

Tuluyan na talagang tumulo ang mga luha ko. Niyakap niya ako at sa pag yakap namin ay natapos na din ang kanta.

"I love you too Paul, more than you know, more than how I should"

<3

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon