"Jazz..."Natigilan ako nang marinig ko ang pag tawag na yun mula sa likuran ko.
Dahan dahan akong lumingon sa kaniya, sa taong rason kung bakit nandito ako ngayon.
"Paul"
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin.
"You're here..."
Ngumiti siya saka niyakap ako.
What the hell is this?!
Hindi ko alam paano magrereact sa biglaang pagyakap niya.
"Sorry, I just uhh missed you."
Ano raw?!
Tiningnan ko siya nang puno ng pagtataka.
"Congrats? Yeah, congrats. You made it. You've achieved your dreams. I'm proud."
Ano? Bakit? Teka nga, nababaliw naba siya? Uminit ang gilid nang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha na pilit kong pinipigilan.
Yan yung gustong gusto kong marinig mula sayo noon eh, yung sabihin mong proud ka sa akin.
Matagal tagal ko ring hindi narinig ang mga salitang iyon mula sa kaniya.
Pumatak ang luha ko sa mga naisip dahil bumalik ang mga alaala naming dalawa noon.
"Mauna na ako." Sabi ko sabay bira ng alis.
Natigilan ako nang may kamay na pumigil sa braso ko. Napaka pamilyar sa akin nito dahil ito ang nangyari bago ko siya tinalikuran noon, pero this time, matapang akong humarap sa kaniya.
"Yes?"
"Have breakfast with me." Diretso niyang sabi.
"I already ate, thank you."
Pinal akong ngumiti saka tumalikod at umalis, habang hinahakbang ko ang aking mga paa ay umaasa akong pipigilan niya ako, pipigilan niyang makalayo, ngunit nabigo ako.
Pumasok ako sa Cabin ko at humiga sa kama. Balak kong mag overnight kaya kumuha ako ng kwarto.
Nakakapagod. Nakakapagod mag isip. Matagal naman na akong pagod at patuloy na napapagod kaya dapat sanay na ako.
Pumasok ako sa banyo upang ayusin ang itsura ko saka bumaba para maghanap ng snacks dahil sa totoo lang, gutom na ako.
Nang pumasok ako sa isang nipa house ay nagulat ako na andoon si Paul kumakain.
Leche naman oh! Nananadya ba?
Gusto kong kumain ng tapsilog pero dahil sinabi kong tapos na akong kumain ay nag mais con yelo nalang ako para di mapahiya.
To: Belle
I saw Paul here. What should I do?
Sent ✅
From: Belle
Omg! Destiny? Wag marupok! May jowa na yan o baka nga asawa kaya wag ka nang umasa.
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.