Chapter 35

78 6 56
                                    


Agad akong kumaway ng makita ang mga bruha.

Taray ah! Kala mo rarampa ng fashion show ang mga toh! Naka long dress pa si Bella. Si Elle ay naka oversized shirt at shorts tas naka yellow high knee boots.

Si Ana ay naka dress din at halata pa ang konting umbok sa tiyan gawa ng panganganak, karga niya si baby Forb at si Ford naman ay may dalang baby bag.

Tumakbo sina Bella at Elle palapit sa akin saka nilahad ang kamay nila na nag aabang ng yakap, tinawanan lang sila ni Ana.

Naka shades ako at cap at black na face mask para di mahalata ang aking mukha.

Nilahad ko rin ang kamay kong umaaktong sasalubongin sila pero bigla akong kumanan at sinalubong si Ana.

"Baby Forb!" Tawag ko kahit natutulog naman.

"Ah ganun?" Tinawanan lang namin ang pagmamaktol ni Bella.

Unang beses kong makita ngayon si baby Forb dahil hindi ako nakaluwas ng Manila nung nanganak si Ana.

Pawang sa mga litrato at videos ko lang siya nasisilayan, di nga ako nagkamali sa nakikita ko sa mga pictures, hugis ng mukha lang ata yung kay Ana dahil kamukhang kamukha ni baby Forb si Ford.

"Namiss ko kayo!" Niyakap ko si Ford dahil magkatabi lang sila ni Ana saka ko niyakap si Elle.

Biglang lumayo si Bella nung siya na ang yayakapin ko.

"Yung baby nga una mong nilapitan eh tas pang huli pa akong niyakap."

"Syempre, pretty girls first."pang aasar ni Elle saka bumelat.

Hindi na din kami nag tagal roon sa airport at dinala ko na sila sa sasakyan.

Sasakyan ni daddy ang dinala ko para mag kasya kami, si kuya Mando ang nag maneho.

"Hello po." Bati ni Bella sa mga magulang ko.

"Wow! Bait baitan?" Tukso ko kaya nag si tawanan sila pati na sina mommy.

Dinala ko muna sila sa taas para mailapag nila ang mga gamit nila.

Tatlo lang ang kwarto namin dito sa itaas at dalawang mas maliit na kwarto sa ibaba. Ang kwartong nasa ibaba ay para kay kuya Mando at kay manang.

Yung master's bedroom ay kina mommy, yung isang kwarto naman ay sa akin at yung isa ay guest room.

Sa kwarto ko matutulog si Elle at Bella habang sa guest room sina Ana para may privacy.

Matapos ilapag ang mga gamit ay bumaba na rin kami para mag meryenda.

"Uhh" biglang napa atras si Paul ng makita ang dami ng tao sa dining.

Di ko din namalayan na pumasok ng front door si Paul dahil sa ingay ng mga kasama ko.

Biglaan kasi ang pag dating nila, di sila nag sabi, nag chat lang sila nung lumapag ang eroplano kaya agad akong pumunta ng airport.

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon