"Well, it's nice to see you again, Ms. you're not my bet" Inirapan ko siya saka humarap kay Bella."You know each other?" Tanong ni Bella.
"Well, I saw her back in Davao and I introduced myself but what she answered made me amused." Natatawang kwento niya.
"Pwede bang paki buo ng kwento, duhh!"sabi ni Bella sa kapatid.
"Hahaha okay, okay. She said 'you're not my type' then she left me hahaha" ginaya niya pa ang pagkakasabi ko.
"Masyado ka naman atang masayahin?" Sabi ko sa kaniya na mas lalong nagpatawa sa kaniya. Nabuang na jud!
"Kuya, isusumbong talaga kita kay Ana, nilalandi mo si Jazz noh?"
"Luhh hahahah Jazz naman pala ang name mo eh"
"I'm Standford Herrmann" Pakilala niya.
Umismid muna ako sa kaniya bago ako nagpakilala.
"Jazz Love Mei" abot ko rin sa kamay niyang naka abang.
"Uhmm Love" sabi niya saka kindat.
Agad namang sumingit si Bella at pinagsabihan ito.
"Don't call her love. It's Jazz"
"Gusto ko eh" Natatawang pamimilit ni Ford. Ford nalang masyadong mahaba ang Standford eh.
"Hala! Susumbong talaga kita kay Ana. Lagot ka mamaya!"
Tumitingin lang ako sa kanilan dalawa dahil hindi naman ako makarelate kung sino si Ana.
"Susumbong rin kita kay mommy nag Starbucks ka nanaman"
"Susumbong rin kita na kaya mo ko nakita ay dahil nag Starbucks ka din" balik naman ni Bella sa dumila.
"Mukha kayong tanga dalawa" singgit ko sa kanila.
"Bakit ba kailangan mo ring mag limit ng calories mo kung hindi ka naman model?" Tanong ko kay Bella.
"Bilang anak kami ng isang Rosalienne Alvringe- Hermmann kailangan talaga naming maging maganda, makinis at representable palagi."
Oo, ang magkapatid na kasama ko ngayon ay anak ng sikat na Modelong si Rosalie Alvringe, iyan ang screen name niya, ngayon ko lang rin nalaman ma Rosalienne Alvringe - Hermmann ang buong pangalan niya.
"So kayo ang may ari ng Ramp Empire?" Tanong ko.
Kaya ako pumayag sa offer ni momita dahil nalaman kong magiging under ako sa Ramp Empire, ang isa sa pinaka sikat at high paid na modelling agency dito sa bansa.
"Well, kay mommy" sagot ni Bella na para bang wala lang sa kaniya na sila ang may ari.
Tumango tango naman ako. Kung makakasalamuha mo sila at di mo sila kilala di mo aakalaing ang yayaman pala nila.
"Nung namatay si daddy nahirapan si mommy i manage lahat kaya winithdraw niya ang ibang stocks sa company, si kuya ang naging kaagapay ni mommy sa mga business ngayon"paliwanag ni Bella.
"Una na ako ah, magkikita kami ni Ana, wag masyadong pagabi, text mo ko" paalala niya kay Bella saka hinalikan ang noo niya bago umalis.
"Ano kaya ang pakiramdam ng may kuya? Wala kasi akong kapatid eh"
"Para kang may bestfriend na lalaki. Nung namatay kasi ang daddy naman ay mas naging mahigpit si mom sa amin, kami lang ni kuya ang magkasama at magkakampi palagi."
Naalala ko nanaman si Paul. Siya ang kakampi at kasama ko palagi eh, kasangga sa lahat pero dahil sa pesteng feelings nato nawala lahat.
"Ang totoo niyan may jowa si kuya, si Ana. Okay na okay sila eh kaso di masabi ni kuya kay mommy. Ang alam ni mom ay mag bestfriends kami ni Ana pero hindi niya alam na may relasyon sila ni kuya. Inglesia kasi si Ana tas Christian naman kami. Wag kang mag alala ipakikilala kita kay Ana."
Wala ako masyadong alam tungkol sa mga relihiyon na iyan at kung ano ang bawal at pwede eh kaya di na ako nang usisa pa sa kanila.
Tinapos ko ang cheesecake ko at ang latte ko para makauwi na rin kami.
Malapit na kasi lunch time. Habang nag lalakad kami sa mga kainan ay sabay kaming napatingin sa 'Winning Wing'. Umiling ako sa kaniya pero nahatak niya na ako papasok.
Nang maghanap kami ng table ay nakita namin si Ford na may kasamang babae. Siya siguro si Ana.
Hinila ako ni Bella papalapit sa kanila para maki share ng table.
"Pashare kami wala ng table eh" bungad ni Bella saka umupo sa tabi ng kuya niya. Ako naman ay nahihiyang umupo rin sa tabi nang babae.
"Parehas talaga kayong magkapatid matitigas ang ulo" mahinhin na sabi nung babae.
"Minsan lang naman Ana ah hahaha hayaan mo na gusto namin ng normal na buhay noh yung hindi limitado ang mga galaw namin." si Bella
"Oo nga pala Ana, si Jazz, kaibigan ko"
"Hello, I'm Jazz" pakilala ko.
"Ako si Ana"
"Alam mo Ford, di ko alam ba't naging jowa mo toh, sa hinhin nito siguro ginayuma mo noh" nagtawanan kami.
Nakakagaan sa pakiramdam na may mga kaibigan ako rito sa Manila na tutulong saking mabuhay sa lugar na hindi ako pamilyar.
Kamusta na kaya si Paul? Sinong kaibigan kaya ang kasama niya? Ayystt wag ko na nga lang isipin.
Umuwi na rin kami pagkatapos at hinatid pa ako ni Bella sa condo ko kahit ang sabi ko ay wag na.
Nagtawanan kami sa sasakyanan dahil parehas kaming busog na busog sa dami ng kinain namin kanina.
Natawa nga ako dahil nagparamihan pa kami ng makakain dahil nga sayang raw 399 na ibinayad namin kung di namin susulitin, eh parang barya lang yun sa yaman nila.
Nang matapos kami ay mas marami raw ang nakain ni Ford, ewan ko nga at nagtalo pa ang magkapatid dahil doon kanina.
Nag lakad lakad muna ako sa loob ng condo ko dahil naguilty ako sa mga kinain ko ngayon.
Maya maya ay kumuha ako ng isang tea bag at gumawa ng tea na nilagyan ng lemon para mas mapabilis ang metabolism ko. Lagot talaga ako pag nalaman ni momita to!
Hindi na sana ako kakain ng dinner kaso baka gutomin pa ako ng alas dose at saka pa kakain, mas hindi pwede yun.
Napag desisyunan ko nalang na gumawa ng egg sandwhich saka detox water.
Naka usap ko na sina mommy kahapon at sinabing mag aaral ako kaya ngayon ay naglalakad na ako rito para magpa enroll.
Nakakakaba naman. Business Management din ang balak kong kukunin, kung alam niyo na kung bakit, shh nalang. Oo, di ko parin siya nakakalimutan.
Nang matapos ako dito sa school ay dumiresto na ako sa Ramp Empire dahil magkikita kami ni momita. Malapit na kasi ang ramp at isasalang niya ako doon dahil sabi niya mas maaga akong makilala, mas maganda.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Genç KurguEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.