Prologue

420 23 104
                                    


"Ja, hindi ko talaga alam na nandito siya." Alam ko namang wala talagang alam si Bella, pero kasi ba't sa dinami daming bar na pwedeng puntahan dito pa siya, sila napadpad.

"Kailangan ko ng umalis dito." Parang bigla akong nahirapang huminga. Hindi ko parin pala kayang makita silang nagsasama. Nag unahan sa pag agos ang mga luha ko habang ako'y tumatakbo.

"Arghh!" Kung minamalas nga naman. Baki't sa lahat ng pwede kong makabunggo siya pa talaga?

"Are you okay?" Bahagya akong natigilan pero ipinagpatuloy ko ang pagtakbo habang patuloy na tumutulo ang luha ko, ba't ganun siya? Ba't parang walang nangyari? Nung tiningnan ko ang mga mata niya nakita ko ang pag aalala, hindi parin siya nagbabago, Siya parin ang Paul na kilala ko.

Sinabi ko na noon pa na ayaw ko na silang makita ulit, Bakit tila pinaglalaruan ata ako ng tadhana?

Arayyy! Ang sakit ng ulo ko lecheng hang over nato. Hindi kasi ako nakuntento sa ininom namin kagabi kaya nilaklak ko yung Cuervo na andito sa condo ko. Agad akong uminom ng maraming tubig ng mapalitan naman yung mga sinuka ko.

Andami kong text at missed calls. Agad kong binuksan ang group chat namin at nag chat ng 'bagong gising here, okay lang ako' agad naman silang nag si reply.

HOEmies

Ana: You sure? saw them last night.

Elle: Nag eemote yan , hayaaan niyo na.

Bella: bes anim na taon na ang nakalipas move on move on din.

Elle: Bakit kaw ba naka move on na? HAHAHAHAHAHAHA

Bella: shut up, atleast hindi pinagpa- opss

Elle: Ganyan ba talaga pag nang iwan?

Elle: Sorry keypad ko pasmado.

Ana: Ja, don't mind them. Call me if u need me, I'm just a call away.

Andami nilang sinabi pero di ko na nireplyan naiinis ako kapag naalala ko na magkasama sila kagabi. Antagal na din pala nila. Kasal na nga siguro sila. Hay nako! hindi ko na dapat sila iniisip pa.

Wala na sana akong balak isa isahin ang messages ko pero may isang text ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko naman pinapansin ang random numbers pero ewan ba't nakuha nito ang atensyon ko.

From: 0932*******

Sorry.

12:08am

Tiningnan ko ulit ang numero at hindi talaga ito pamilyar sakin. Hindi naman siguro......... Impossible! Nababaliw na ata ako eh! Nag palit na ako ng numero noon at kasabay nun ay ang pag alis ko ng Davao, ang tunay kong tahanan.

Iniwan ko ang pamilya ko, mga kaibigan at higit sa lahat ang rason ng pag alis ko.....si Paul, iniwan ko siya kasama ang lahat ng sakit na dala dala ko at dinala ang pangakong kakalimutan siya at magiging masaya ako. Nag tagumpay ba ako sa layunin kong ito? HINDI.

Dahil hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakalimutan, gustohin ko man pero palagi parin siyang sumasagi sa aking isipan. Naging masaya naman ako sa tulong ng aking mga kaibigan, ngunit hindi ko maiaalis na may sakit padin akong dinadamdam.

Akala ko tuluyan ko na siyang malilimutan, pero ba't kung kailan handang handa na akong siya'y pakawalan saka pa siya muling magpaparamdam.

Hindi paba sapat na umalis ako sa sariling pamayanan, sa bahay kung saan ako'y nanirahan mula pag silang? Baki't kinailangan niya pang pumunta dito, na naging daan para kami'y muling mag tagpo.

Laging tanong ng mga kaibigan ko ay kung bakit raw ba nahihirapan ako, paanong hindi? kung ang taong halos kasabay ko na lumaki ay kailangan ko palang iwanan sa huli.

Ang tanga ko raw dahil ako naman pala ang nang iwan pero ako yung sobra sobrang nasaktan. Iniwan ko siya hindi para ako ay maging malaya, iniwan ko siya para siya ay maging masaya.

Oo, sinabi niyang mahal niya ako, ang rason kung ba't mas nahirapan ako. Ilang beses na akong umasa sa kanya. Ilang beses na ako nagpakatanga iniisip na may chance nga talaga kaming dalawa.

Sa panahong iyon kinalimutan ko muna ang aking sarili. Mas gusto kong siya naman ang intindihin at isipin kaya kahit gaano kasakit pinili kong lumayo.

Para sa kanya.Para sa kanila

Sana totoo ngang naging masaya sila. Masaya sa piling ng isa't isa.

Okay na eh, para sakin limot ko na siya. Sumaya naman ako kahit wala siya. Ba't kailangan pang makita ko sila, siya.

Pinilit ko na lamang ang sarili kong maligo nang makapag almusal na ako, gusto kong libangin ang sarili ko para makalimutan ang mga nangyari kagabi.

Agad akong naligo at nag ayos ng maka alis na dahil wala pa akong kain.

Bago umalis tiningnan ko ang aking sarili, naka denim mom jeans, black plain shirt at sneakers, sinuot ko na din ang aking sunglasses at kinuha ang aking bag.

Napangiti ako sa aking repleksyon, napaka simple. Ito ang totoong ako, simple, tahimik at masayahin. Malayo sa fashionista at fierce kong itsura sa mga ramp at shoot. Ito ang kung sino ako noon, ngunit ngayon nalang ako ulit naging ganto dahil iba na ang buhay ko simula ng nasaktan ako.

Pagbaba ko ng basement agad akong sumakay sa aking sasakyan at umalis.

Una kong pinuntahan ang hilera ng mga kainan dahil talagang nagugutom na ako.

Kumain ako sa isang vegetarian resto dahil may shoot pa ako next week before ang one month break ko.

Habang kumakain kumislap ang ilaw ng cellphone ko na nagpapahayag na may bago akong notification.

From: Bella

Hey!! stocks already arrived, check it out. 😘

1:08pm

OMG!!!!! I'VE BEEN WAITING FOR THIS FOR MONTHS!!!

See you soon my Hermes Kelly Rose Gold Bag.

Sinabi ko sa sarili ko noon na bibili ako ng mga gusto ko gamit ang sarili kong pera, at tinupad ko nga yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinabi ko sa sarili ko noon na bibili ako ng mga gusto ko gamit ang sarili kong pera, at tinupad ko nga yun.

Nang makapasok ako sa shop ni Bella ay para bang bigla kong gustong umalis.

Baka bibilhan niya ang asawa niya ng mamahaling regalo. Sabagay, parehas naman silang mayaman.

Ang ganda niya hanggang ngayon. Kaya nga siya ang pinili at hindi ako. Atleast diba, hindi nasayang ang sakripisyo ko dahil magkasama parin sila hanggang ngayon, masaya at nagmamahalan. SANA ALL!!

"Hey didn't expect you to be here this early, excited for your bag huh?" Bella just had to destroy my moment.

"Was already here before you texted. Where is it? You know im dying to have it." Sagot kong kunwareng walang paki sa dalawang tao na nasa may giliran ko lang.

THE ONLY GUY I TRULY LOVED AND STILL LOVE IS HERE WITH HIS GIRL, WHO WOULDN'T BE BOTHERED?!

<3

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon