"Safe skies, baby" sigaw ni daddy.Nilingon ko siya saka kumaway. Nakita ko pang humihikbi si mommy sa dibdib ni daddy.
Tuluyan na akong pumasok sa airport.
Nakaka lungkot na iiwan ko sila mommy pero gusto ko munang lumayo.
Nakakakaba dahil hindi naman ako pamilyar sa lugar na ito pero alam kong kakayanin ko dahil simula ngayon wala na akong bestfriend na laging aasahan.
Pagod na pagod akong dumating sa condo kagabi kaya natulog nalang agad ako.
Maaga akong gumising ngayon para mamili nang mga kailangan ko para rito sa condo.
Hindi ito akin, nirentahan lang namin para may tirahan ako dito.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit dito ko pa sa Manila naisip na pumunta, hindi ko nga alam kung ano ang magiging buhay ko rito.
Nag lakad lang ako papunta sa Supermarket na malapit sa condo upang mamili ng mga groceries.
Una kong binili ang mga pagkain saka ang mga toiletries at ang iba pang kakailanganin ko sa condo.
Buti nalang talaga at marunong ako sa mga basic life skills tulad nang pagluluto at paglilinis.
"Hey!" Bati sa akin nang isang pamilyar na tao.
Nagulat ako nang makita ko siya, tadhana nga naman. Hindi ko inaasahan na makikita siya rito.
"What are you doing here?" Tanong niya.
"Uhh buying some groceries" I stated the obvious.
"Ohh! Wait, does that mean that you are gonna stay here in Manila?"
"Well, that's my plan."
"Great! How about my offer? Come on! It's a very great deal" Napa ngiti ako sa sinabi niya.
This could be the start.
"I'm very interested with your offer" sagot ko.
"Great! Send me an email so I can discuss some things further. Oops walang bawian. See you around" sabi niya saka kumaway kaway sa akin.
Umuwi na ako nang condo at nagpa hinga saglit dahil magluluto ako ng ulam mamaya.
Ang weird nang nagluluto ka ng para lang sa sarili mo. Alam kong may matitira rito kaya yun nalang ang uulamin ko mamaya, iinitin ko nalang dahil may microwave naman.
Fully furnished na ang studio type na condo na ito kaya wala akong naging problema sa mga gamit.
Bago rin ako pumunta rito ay nag deactivate ako nang accounts ko at binali ang sim card ko.
Binilhan na ako nina mommy at daddy nang bagong sim bago ako bumiyahe.
Gusto kong gumawa ng bagong social media's pero alam kong hindi magandang ideya yun dahil kapag nagkataon ay sure akong i istalk ko lang sila nang paulit uli. Pumunta ako rito para maging masaya sila at sana maging masaya rin ako.
Binuksan ko ang laptop ko at nag type ng email para sa offer niya.
Masaya ako sa pakonting konting hakbang na ginagawa ko para sa sarili ko.
This time, sarili ko na muna!
Nang matapos kami ay nag desisyon siyang magkikita kami bukas upang mas mapag usapan namin ng maayos ang mga bagay bagay.
Binigay ko na rin ang bago kong number para mas mabilis ang communication namin.
Nasa mall na ako ngayon at naglalakad papuntang Starbucks dahil doon raw kami magkikita.
"Hey" bati niya at bumeso.
Ngumiti naman ako saka umupo.
"Ang mahal nang taxi dito sa Manila ah, Naloka ako!" Agad kong reklamo pagka upo.
"Magkano ba nagastos mo? Parehas lang naman sa Davao ah" sagot niya
"Sa Davao naka metro ang mga taxi dito fixed price, 500 raw mula condo hanggang dito"
"Ano?! Pumayag ka?" Tumango naman ako dahil yung ang totoo.
Sa labas ng condo namin ay may mga nagaabang na taxi, tinanong ako kung saan saka sinabing 500 fixed price raw dahil traffic.
"Ang dami mo pang kailangang matutunan dito sa Manila. Ba't ba nagpaloko ka? Wag ka sa kanila sumakay lakarin mo yung harap ng condo at doon ka sumakay dahil naka metro din ang mga taxi dito."
Ang sayang nung 500 ko ah!
Binuksan niya ang laptop niya saka nag simulang mag seryoso sa pag eexplain sa akin nung offer niya.
Wala akong naging problema dahil maganda ang offer niya.
Madami din siyang mga sinabi lalo at 17 palang ako.
"Okay naman na yung mga yun, tutulungan kita sa mga kailangan mong requirements tapos pag 18 kana saka kita ipapasok sa susunod na section"
Ang dami niya pang sinabi at mga ipinaalala. Sa tingin ko naman tama ang desisyong ito. Masaya ako sa magiging hakbang kong ito, sana hindi ko pagsisihan.
"And oh, one last thing before I leave, call me 'Momita' "
"Okay momita"
"Ay pak very good ka anak" Natawa naman ako sa kaniya.
Siya iyong lumapit sa akin habang kumakain ako ng ice cream sa mall.
Ipagpapatuloy ko na ang lakbay nang buhay. Magiging model ako at si Momita ang manager ko.
Nang gabing iyon ay tinawagan ko sina Mommy at sinabi ang mga plano ko. Pumayag naman sila at sinabing susupportahan ako.
Tinanong ako ni daddy tungkol sa pag aaral ko dahil magiging college na ako.
Sinabi ko sa kanilang hindi ko pa alam sa ngayon at hindi ko pa alam kung ipagpapatuloy ko ang pag aaral ko.
Gusto kong patunayan na kaya kong grumaduate ng kolehiyo at maging isang modelo, ngunit bakit ko papatunayan? Kanino ko papatunayan? Hindi ako nabuhay sa mundo para sa kanila kaya gagawin ko ang makakapagpasaya sa akin.
Wala namang problema ang mga magulang ko kaya bakit sa kanila pa ako magkakaproblema?
Mas gusto nina mommy na magka college degree ako pero sinabi rin nilang walang pressure at kahit ano ang gusto ko ay supportado nila ako.
Naisip kong ipagsabay ang pag aaral ko at ang pag momodel ko ngunit baka mahirapan ako.
Pinag iisipan ko pa ang mga ito.
Gusto kong mag kolehiyo para may fall back plan ako kung sakaling bigla akong mawala sa industriya nang pag momodelo ngunit sa ngayon mapayapa ang aking utak na sinasabing mag focus ako sa modelling.
Hindi ko kailangan nang college degree para umangat sa buhay. Hindi ito isang paligsahan kung saan kailangan mong manalo. Isa itong paglalakbay na ang bawat matututunan mo ay mag sisilbing gabay mo para mas lalong maging mahusay.
Kapag nag hiking ka mahirap sa simula, hindi ba? Pero kapag natuto ka at nalaman mo ang mga pasikot sikot ay mas lalong magiging madali para sayo. Ganiyan ang pananaw ko sa buhay.
Madadapa man ako nang paulit ulit ay babangon ako dahil kapag sumuko ako hindi ko malalasap ang sarap nang tagumpay.
Sa ngayon mas mahal ko ang sarili ko, kaya sa bawat desisyon ko, ang sarili ko na ang unang iisipin ko.
Binaba ko na ang cellphone ko saka pumasok sa cr para maligo.
Panibagong araw nanaman bukas, panibangong paglalakbay, panibagong aral, panibangong tagumpay.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.