Nakauwi na ako sa bahay pero hindi parin mawala sa utak ko ang mga sinabi ni Paul kanina.Flashback:
Nasa harap na kami ng bahay namin ngayon. Nahihiya ako na ewan. Kami naba? Nahihiya akong mag tanong baka sabihin niyang atat na atat ako, kahit yun naman ang totoo hahaha
"You do know that I'm courting you now, right?"
"Ah liligawan mo pa ako?"
"Bakit ayaw mo ba? Hahaha"
Shemss nakakahiya yun ah.
"Go inside now, I'll be back here tomorrow"
"Luh bakit?"
"Kakausapin ko sina tita at tito"
End of flashback
Hindi ako makatulog kinikilig ako na ewan. Naeexcite ako bukas dahil alam kong okay lang naman kina mommy pero kinakabahan padin ako kasi baka sabihin ni daddy na ang bata pa namin. Strict pa naman yun sa gantong bagay.
Mag aalas onse na ako nagising dahil nga napuyat ako kagabi. Palabas na ang araw nung makatulog ako.
Halaaaa!! Naalala ko ang sinabi ni Paul kagabi na darating siya ngayon.
Agad akong pumasok sa banyo at naghilamos pati nag toothbrush.
Nag skincare ako saka sinuklay ang aking buhok. Naglagay din ako ng tinted lipbalm para mamula mula ang aking labi.
Inayos ko ang kama ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Inayos ko pa ng bahagya ang aking buhok saka lumabas ng kwarto ng dahan dahan.
Nakita ko si Paul sa sala na kausap sina mommy.
"Good morning mom, dad" bati ko sa kanila saka humalik sa pisngi.
"Uhh good morning Paul" bati ko din
"Good morning iha, it's already past ten. Napuyat kaba?" Tanong ni mommy
"Di po kasi agad ako naka tulog kagabi" sagot ko
"Prepare your breakfast and bring it here, we'll talk" seryosong sabi ni daddy
Tiningnan ko si Paul at ngumiti ito sa akin.
Halaaa kinakabahan ako. Lagot na!
Nag toast lang ako ng tinapay at nilagyan ng butter saka nag prito ng itlog. Gumawa rin ako ng iced latte ko.
Nang matapos ako ay agad akong bumalik sa sala saka kumuha ng throw pillow at ginawang upuan.
Habang nagsisimula akong kumain ay nagsalita na ulit si dad.
"Paul came early today but you were still sleeping, he didn't want to wake you up."
"He talked to me and your mom while having breakfasts. He's gonna court you, is that right Jazz?"
"Yes dad" bulong ko
Nahihiya akong pag usapan ito sa harap nila pero alam kong mas alam nila ang makakabuti para sa akin.
"We, your mom and I are not here to control you anak. We are just here to guide you but the decision will always be yours"
"We are not stopping you. You already know your limits, don't you?"
"Yes dad"
"I trust the both you. If ever sasagutin mo na siya dapat kami ng mommy mo ang unang makakaalam ah"
"Yes dad" sagot ko saka niyakap silang dalawa ni mom, si Paul naman ay naka ngiti sa akin kaya nginitian ko din siya.
"I already had a few words with Paul earlier. I'm proud that he was brave enough to show up here and talk to us."
Nag usap pa kami saglit ngunit kinailangan na nina mom umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Paul dito.
"Thank you Paul"
"No, thank you love. Thank you for being a sunshine in the middle of the storm"
"Ang cheesy mo ah" asar ko sa kanya.
"Lubos lubosin mo na. Ngayon lang toh hahaha"
Nag asaran pa kami nang nag asaran.
Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina at pinapauwi na raw siya dahil may family dinner sila, hindi kasi sila madalas magka sabay mag dinner dahil busy ang kanyang mga magulang.
Hinatid ko si Paul sa may gate.
"Uhh Paul, alam naba nila tita?" Tanong ko
"Hindi pa, but I'll them later" sabi niya
"Sige, ingat ka pauwi"
"I will" sabi niya saka hinalikan ang noo ko.
Pumasok na ako sa loob saka pumanhik sa kwarto ko.
Inayos ko ang aking kama saka nag half bath at nag skincare. Para bang pagod na pagod ako ngayon kaya nag sindi ako ng scented candles para ma relax.
Habang nag lolotion ako ng aking mga binti ay biglang nag ring ang cellphone ko, di ko na sana papansinin ngunit patuloy ang pag ring nito.
Tumayo ako saka kinuha ang cellphone ko sa side table at nakitang si Paul iyon kaya agad kong sinagot.
Paul the lover boy <3
Calling........
accept / decline
Oo, binago ko na ang naka save niyang pangalan sa contacts ko.
"Oh?" sagot ko sa kaniya.
"I love you" sabi niya saka binaba agad ang tawag.
Loko yun ah! hahahaha
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Fiksi RemajaEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.