Chapter 4

105 16 31
                                    


"Come here, let's fix our things first" anyaya ni Paul sa akin sa aming hut.

Agad naming inayos ang aming mga gamit saka nag lakad lakad sa dalampasigan.

"Do you like it here?" tanong ni Paul.

Agad naman akong tumango tango bilang tugon.

"I thought so" sagot nya saka ngumiti at inakbayan ako.

Wala akong ibang nararamdaman kundi tuwa at kilig sa kanyang sorpresa.

Maaring maliit na bagay lang ito para sa iba ngunit napakasaya ng puso ko dahil dito.

Ito ang kauna unahang panahon na lumasbas kami ng Davao ng kami lang dalawa ang msgkasama.

ohhh shoot!! Hindi ako nakapag paalam tungkol rito dahil ang akala ko ay gagala lang kami sa mga pasyalan.

"Ah Paul, kasi ano, hindi alam nina mommy na aalis tayong Davao. Ang sabi ko sa kanila ay gagala lang tayo, di ko kasi alam na pupunta tayo rito eh."

Tumitig siya sakin kaya kinabahan ako, saka siya ngumiti na mas nagpalala ng kaba ko.

"You don't have to worry, ofcourse I won't take you here without your parents approval."

"They know?" Agad kong tanong dahil hindi ako makapaniwala, kaya pala ganun ang ngiti sakin ni mommy sakin kahapon ng magpaalam ako.

"Yes, in fact, she handed me a bag with your bikini and stuff"

Agad akong pinulahan ng mukha sa hiya, hindi niya na dapat nakita pa ang mga iyon.

Ngumiti siya sakin ng pagka lawak lawak saka nag salita

"Change your clothes, we're enjoying the day. Uuwi rin tayo mamayang hapon"

Bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang iyon pero iniabot niya na sa akin ang tote bag na may lamang gamit ko.

Agad akong nag bihis ng pulang one piece na andito. Hindi ito ganun ka showy, mukha nga itong pambata eh.

Pinatongan ko rin ito ng white sheer dress na kasama sa bag.

Lumabas ako ng ganun ang itsura, tiningnan niya lang ako at pinagpatuloy ang pag aayos ng ibang gamit namin.

Hinubad ko pansamantala ang cover up ko at sinulyapan niya naman ako. Nahiya ako dahil ito ang unang pagkakataon na makikita niya akong naka ganito ng kaming dalawa lang. Madalas kasi kasama namin ang aming pamilya.

Nag simula na akong mag lagay ng sunblock lotion sa aking katawan, at nang umabot na ako sa bandang likuran at hirap na hirap akong abutin ito.

Scoop back kasi ang style ng one piece bikini na ito kaya lantad ang aking likuran.

Tinitingnan niya lang ako habang hirap na hirap ako.

Ngumuso muna ako bago nag salita.

"Can you put some sunblock on me" Sabi ko habang tinuturo pa ng bahagya ang aking likuran.

Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ang tinuro ko.

"You want me to touch your back?" tanong niya na parang di makapaniwala.

"Uhmm, yeah" nahihiyang tugon ko.

"You know I can't do that"

"why not?" kunot noong tanong ko

Umiling iling naman siya na akala moy di makapaniwala, kaya mas lalo akong nag taka.

"I can't touch you love, not yet." sagot nya na nagpa ngiwi sakin.

Kala mo naman talaga di ako nahahawakan hmp. Baka kasi kami lang?

Pero natouch ako sa loob loob ko dahil kahit ganun nakikita kong nirerespeto nya ako.

Hirap na hirap kong pinagpatuloy ang pag lalagay ng sunblock saka naunang mag lakad sa may buhanginan ng dagat.

Pikit mata kong dinadamdam ang init na nag mumula sa araw at dumadampi sa aking katawan.

Naramdaman ko na may tumabi sa akin ngunit di ko iminulat ang aking mga mata, masyado pa akong natutuwa sa aking ginagawa.

Napaka ganda sa pakiramdam na maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa iyong mukha habang naririnig ang alon na humahampas sa dalampasigan.

Maya maya pay ibinuka ko na ang aking mga mata at lumingon sa katabi.

Natuwa akong makita na katulad ko kanina ay nakapikit din siya at ninanamnam ang init ng araw.

Napangiti ako habang tumitingin sa kanya. Ang napaka gwapo at kinis niyang mukha.

Napaka ganda nyang tanawin sa harap ko.

Ibinalik ko sa harap ng dagat ang aking tingin, saka pumikit at ninamnam ang preskong hangin.

Hindi ko alam kung bakit may kakaibang enerhiya na humihigop sa aking mga mata upang siya ay lingunin at tingnan ulit.

Hinayaan ko ang aking sariling mabusog sa ganda ng tanawin at sa sarap ng pakiramdam lalo na't siya ang aking kasama rito.

Agad kong ibinalik ang aking tingin sa kanyang mukha at malamlam siyang tiningnan.

Napapangiti ako lalo na't nakita ko ang kanyang adams apple na bahagyang gumalaw.

Ang sarap sarap niyang kuritin at panggigilan.

"Wag mo akong titigan ng titigan kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka sa akin."

Agad akong napatingin sa harapan ng marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya.

<3

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon