Chapter 34

85 6 113
                                    


"I think grey and mustard will go together very well."

"How about white and yellow?" Tanong ko.

"Your house is built of white and mustard already. Grey or black should go well with it."

"Nah, black is too dark. My house is supposed to feel very homey and not intense." Sabi ko.

"Yeah, it's up to you." Sagot ni Paul.

Ibinaba ko ang aking tingin sa mga sample layouts na nasa kamay ko. Tama nga ata siya.

"I'd go with grey and mustard." Pinal kong sagot.

Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa bahay, kasama namin ang lead artist nila pag dating sa styles ng furnitures.

Hindi pa lahat ng furniture ang maipapagawa ko dahil kailangan parin ang actual measure ng bahay.

Lahat nang kaya ng ipagawa ay gusto ko ng simulan lalo't 2-3months pa raw bago matapos ang mga ito:

Sabi ni Paul ay pwede niyang pa tutokan ang mga oorderin ko para mas mabilis at magawa sa loob lang ng isang buwan.

Hindi pa kami nagbabalikan, sa katunayan ay medyo ilag padin ako sa kaniya. At ano raw? Hindi 'PA' nagkakabalikan? Well, that should be 'hindi NA magkakabalikan'.

Hindi porket hindi sila ni Alyssa ay bibigay na ako. Oo, siya parin, pero hinding hindi ko makakalimutan kung paano niya mas pahalagahan si Alyssa, si Alyssa na naging fiance niya.

Speaking of, nakita kong papasok si Alyssa. Litaw na litaw ang kaputian niya sa suot niyang pulang bestida.

Umangat ang gilid ng labi nya ng makita ako saka tinawanan si Paul. Anong nakakatawa?

Bumeso siya kay Paul kaya bahagya akong napaiwas.

May kinuha siya sa Dior tote bag niya na folder at iaabot na sana ng bigla siyang tumalikod at inayos ang mga papel.

Pagkaharap niya ay ngumiti siya saka inabot ang folder kay Paul.

"Ito na yung actual layout na kailangan mo."

Tinaasan siya ni Paul ng kilay saka nagsalita.

"It's Ms. Mei's requested layout." Sagot niya kaya inabot ni Alyssa ang folder sa akin ng nakangisi.

Kinuha ko naman at nagpasalamat saka binuksan. Iniscan ko ang layout at pag abot sa ika apat na pahina ay pregnancy ultrasound ang bumulaga sa akin.

"Oh! That was intended for Paul, sorry." Agad niyang kinuha at binigay kay Paul ang larawan.

"Wow!"

Wow mo mukha mo! Sinara ko ang folder at nilapag sa lamesa saka nag salita.

"Congrats!" Kunwareng bati ko saka lumabas ng opisina na yun.

"Jazz!"

Agad akong sumakay ng elevator pero mabilis niya namang naharang ang kamay niya kaya kaming dalawa ang nakasakay.

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon