Kinabukasan maaga akong nagising dahil naging tuloy tuloy na yung tulog ko kagabi."Oh anak, iha kain na hindi ka na namin ginising kagabi dahil napakalalim ng iyong tulog mukhang pagod na pagod ka"
"Good morning dad, mom. Napagod nga po ata ako sa mga water sports kahapon"
"Mag kwento kana dali, kamusta naging lakad niyo" tanong ni mommy na kumikibot kibot pa ang mga kilay.
Sinimulan ko ang pag kwento habang kumakain. Hindi ko na masyadong idinetalye lahat ng nangyari.
Napasarap kami sa pag kwentuhan at di na namalayan ang oras.
2minutes late na ako ng dumating ako sa room namin, laking pasalamat ko nalang na kasunod ko lang dumating ang teacher.
Di na kami nagka usap ni Paul kaya nginitian ko nalang siya. Nasa last row ako at nasa third row naman siya. Hindi kami magkatabi dahil alphabetically arranged ang seats namin.
Nagsimula na ang pang umagang klase namin at wala akong ibang ginawa kundi makinig at mag sulat.
"Tara, kain" aya ni Paul
Agad kong kinuha ang wallet ko at sumabay na palabas.
"Did tita look for me yesterday? sorry di na ako sumabay papasok pagod lang talaga ako"
"Di na kami nakapag usap kahapon eh pagod na pagod na din ako kaya agad akong nakatulog, nag kwentohan lang kami kanina kaya nga muntik akong malate" sagot ko
Panay pa ang kwentohan at tawanan namin habang sinusulit ang break.
Agad na lumipas ang mga araw at ngayon ay nasa Samal Island kami at ninanamnam ang sarap ng preskong hangin at ganda ng dagat.
Mula nung bata pa ako ay mahilig na talaga ako sa dagat kung kaya lagi kong hinihilingin kina mommy at daddy na kahit isang beses sa isang buwan ay makaharap at makapag tampisaw ako sa dagat.
Feel na feel ko ang sarap ng hangin habang ang paa ko ay bahagyang naabot ng alon.
Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya hinarap ko ito. Naka ngiti akong inabutan ng mango shake ni mommy at humarap sa dagat kaya ginaya ko siya at muli kong hinarap ang dagat.
"Tingnan mo ang dagat anak, kahit gaano ka agresibo ang alon ay mapayapa padin itong tingnan." sinabi niya yun habang nasa malayo ang tingin na animoy hinahanap ang katapusan ng karagatan.
"Ang bilis mong lumaki, noon panay pa iyak mo kapag gutom ka ngayon mukhang iba na ang rason ng pag iyak mo."
"Don't forget about mommy ah, you could always share anything to me. I'm always willing to listen." Niyakap niya ako pagkatapos bitawan ang mga salitang yun.
"Mom, you're confusing me."
"Ohh am I? Sorry I didn't mean it that way."
Ngumiti ako at niyakap din si mommy hindi ko alam kung ano ang ipinupunto niya pero bigla kong naisip si Paul.
Okay naman kami at wala naman kaming problema, wala rin akong ibang maisip na dahilan kaya binalewala ko nalang at sumunod sa kanya pabalik sa resto.
Kumain kami at umakyat na sa room para makagpahinga saglit. Bumaba rin kami maya maya at tumambay sa sandbar.
Hindi naman mahigpit sina mommy sakin , palagi nga nila akong sinusuportahan sa lahat. Kahit may mga business na hinahandle si daddy ay hindi siya nawawalan ng oras para sa amin.
Madalas na busy si daddy pero lagi rin naman siyang bumabawi sa amin ni mom.
Kinabukasan ay umuwi na rin agad kami dahil hindi naman kami pwedeng magtagal dahil may pasok din ako.
Dumating ang Lunes at maaga aga akong pumasok. Napag usapan din namin ni Paul na manonood kami ng sine mamaya at sabay kakain. Pumayag naman ang mga magulang ko at ganun din kay Paul.
Mababait ang mga magulang ni Paul ngunit hindi ang kaniyang lolo. Ang kaniyang lolo ang laging nasusunod sa pamilya nila, ngunit hindi naman umuuwi ng Pilipinas yun. Nasa Singapore siya nakatira at madalas na bumabiyahe sa iba't ibang bansa dahil sa lawak ng negosyo. Sa tanang buhay ng lolo niya ay isang beses lang raw ito namalagi sa Pilipinas.
Ang ina ni Paul ang Chen na siyang apilyedo ng lolo ni Paul at ni Paul. Ramos ang ama niya ngunit sa kagustohan ng lolo ni Paul ay Chen ang kaniyang naging apilyedo at Ramos ang middle name.
Walang makapalag sa lolo niya dahil sa kapangyarihang hawak nito. Ang lolo niya ang talagang nag sikap sa mga negosyo at nagpalago ng mga ito.
Si Paul ang inaasahan ng lolo niyang magtataguyod ng negosyo kung kaya nag aaral siya ng mabuti upang hindi madisappoint ang lolo niya.
"Anong gusto mo panoorin?" tanong ni Paul
Tapos na kami kumain at namimili na ng mapanonood.
Ayaw sana ni Paul ng lovestory pero dahil masyado akong matakotin ay di niya naipilit ang horror movie na gusto niya.
Nang makabili ng ticket at popcorn ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko papasok ng sinehan.
"It's always different when I am with you." basa niya sa title sa screen saka ngumiti sa akin.
<3
BINABASA MO ANG
Unlucky, I'm inlove with my bestfriend
Teen FictionEmpowered Series #1 Am I really unlucky that I fell inlove with my bestfriend? In situations where friendship is very important, I risked ours. I, Jazz Love Mei is sometimes a best friend but always a lover to Paul Chen.