Chapter 5

94 16 19
                                    


"Wag mo akong titigan ng titigan kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka sakin."

Agad akong napatingin sa harapan ng marinig ko ang mga salitan iyon mula sa kanya.

Ano bang sinasabi ng lalaking toh? grrr nakakahiya!

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakapikit pa din ang kaniyang mga mata.

"I told you to stop staring at me"

"I am not, you're stupid" asik ko

Pano nya ba nakikita eh naka pikit naman ang mata niya? Nakakayamot

"HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Tss wala namang nakakatawa"

Bigla siyang tumayo at inabot sakin ang kanyang kamay

"Asan nanaman tayo?" tanong ko

"Let's try some water sports para naman mas masulit natin ang araw." sagot nya

Bigla akong na excite sa sinabi niyang iyon kaya binilisan ko ang pag tayo.

"Gutom na gutom na ako" Pagrereklamo ko habang nag lalakad pabalik sa hut namin.

Napaka saya ng mga activities na ginawa namin kaya naman di namin namalayan ang oras at nalipasan na pala kami ng gutom.

Agad naming kinuha ang aming towel at naglakad pa punta sa mga food stalls sa resort na iyon. Hindi pa kami nagbibihis dahil may plano pa kaming mag tampisaw bago umuwi.

"Ba't ang dami naman nito?" tanong ko ng makita ang mga pagkain sa harap namin. Daig pa namin ang nag mumukbang sa dami ng pagkain sa aming harapan.

Hindi naman madami ang serving pang isa hanggang dalawang tao lamang ito ngunit napaka raming iba't ibang putahe na nakahanda.

"Gutom ka kamo diba? hahaha gutom din ako eh, nakakapagod yung mga activities kanina" Sabi nya

"Oo nga, napagod ako dun pero worth it naman kaya masaya" dagdag ko

Masaya naming inubos ang pagkain at dahil gutom nga kaming pareho eh naubos naman talaga namin.

"Magpapa picture pa sana ako sayo doon banda sa coconut trees eh" sabi ko pa

Bigla siyang tumayo at nagyaya.

"Tara" anyaya niya

"Tsss eh pano ba yan ang laki laki ng tiyan ko tingnan" reklamo ko tapos ngumuso habang hinihimas ang tiyan ko.

"Malaki talaga" pang aasar niya pa at agad ko naman siyang pinandilatan ng mata.

Tatawa tawa pa siya habang patuloy akong inaasar.

"Hmm maligo na tayo di na ata ako makakapag tampisaw eh busog na busog ako"  sabi ko saka kinuha ang aking mga gamit para makapag shower na

Tulad ko ay inayos nya na din ang mga gamit namin at kinuha ang gagamitin niya upang makapag shower na.

Nag bihis lang ako ng white floral beach dress. Nag lagay ako ng konting liptint para hindi naman ako masyadong mapuslaw tingnan.

Inayos ko ang aking mga basang damit at mga gamit saka muling tiningnan ang aking kabuohan bago lumabas.

Tulad ng inaasahan ay nauna ng makabalik si Paul don at inaayos niya na ang aming mga gamit na animoy handang handa ng umuwi.

"Uuwi naba tayo?" Tanong ko habang tiningnan ang aming mga gamit.

"Hindi pa naman, inayos ko lang para mamaya ay nakahanda na" sagot nya at tumango tango lang ako.

Tiningnan ko siyang mag lakad papalit sa dalampasigan at napulot ng mga bato bato roon.

Sinundan ko naman siya at namulot rin para may remembrance.

"May dala akong marker, sulatan natin ng mga pangalan natin at iiwan doon, tingnan mo madami ring nag iwan ng bato nila"

Tiningnan ko naman ang tinuro niya at nakita ko nga ang isang malaking mala altar na may mga maliit na kahon kung saan pwede ka mag iwan ng maliliit na gamit tulad ng shells at bato na pinulot namin.

Sabay kaming nag lakad papunta doon at iniwan ang bato namin.

Paul x jazz <3 -yan ang isinulat nya sa bato.

"Mag wish ka ng para satin dali, isulat mo sa likod ang wish mo." sabi niya habang nakangiti.

Pumikit naman ako at saka humiling saka ko sinulat sa bato.

Sana pag balik natin dito tayo na.

Ngumiti naman ako sa kanya ng matapos.

Sabay kaming bumalik at umupo sa may buhanginan sa ilalim ng mga punong niyog.

"Thank you, thank you for coming here with me"  Naramdaman ko ang sinseridad niya ng sinabi niya yon.

"I should be the one to thank you, thank you for bringing me here I really enjoyed" Sinserong pasasalamat ko.

Natahimik kaming dalawa at sabay ninanamnam ang ganda ng tanawin at preskong hangin.

"Jazz....." panimula niya

Tiningnan ko naman siya at nakikita kong may gusto siyang sabihin ngunit tila hindi niya alam paano kaya kumunot ang noo ko.

"I......, I .........., I think-"

Nagtataka ko naman siyang tiningnan

"What??" Tanong ko

"I think----"

"Fuck!!"  Sigaw niya ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Agad kaming tumakbo pabalik ng hut upang maka silong.

"Uh, what was that you're trying to say?" I asked

Bumuntong hininga naman siya

"I think it's about to rain, that was what I was supposed to say."

Sabi niya at tumango tumango na parang tanga

Hindi na ako nag salita hanggang sa tumila ang ulan at naka uwi kami.

"I'd go ahead now" sabi nya at agad na sumakay sa sasakyan di man lang ako nilingon muli.

Baka napagod lang.

Pumasok na ako at dumiretso sa kwarto dahil napagod din ako, naintindihan naman nila mommy at mag kwento nalang daw ako mamaya.

<3

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon