Chapter 24

65 8 32
                                    


"Kapagod naman" reklamo ko.

"Ganiyan talaga sa simula pero masasanay ka rin, go push lang!"

Napanguso ako kay Coach nasa Rampire gym kami ngayon.

Isang linggo na mula nang opisyal akong pumirma ng kontrata sa Ramp Empire. Pumunta sina mommy dito nung nakaraan para samahan akong pumirma dahil kailangan ng parents consent bilang minor pa ako.

Nagsisimula na rin ako sa pag gygym. Nag eexercise naman ako sa bahay noon ngunit iba ito ngayon. Mas mahirap ang mga forms dahil naka focus kami sa toning, mas naging mahigpit na din si momita sa akin sa pagkain.

Maganda naman na ang katawan ko dahil nag eexercise naman ako sa bahay ngunit sabi ni momita ay mas mabuting mas maging toned pa ito.

Pumasok na ako  sa locker room para kumuha ng pamalit pagkatapos kong mag cool down.

Habang hawak ko ang cellphone ko ay may nakabangga ako.

"Ohh I'm sorry" agad kong pag hingi ng umanhin.

"Nahh, It's fine. Are you new here? I haven't seen you before"

"Uhh, yes, just signed a week ago. Model?" I asked.

"Hahahaha do I look like one?"

Tumawa lang ako dahil hindi ko alam paano siya sasagutin. Tsk nagtatanong nga ako diba?

"No, I'm not a model, my mom is" sagot niya sa tanong ko kanina. Tumango tango naman ako bilang tugon.

"See you around" magiliw na sabi niya habang kumakaway kaway paalis.

Tinapos ko na ang pagbibihis ko para maka balik sa condo. Wala pa naman akong gigs sa ngayon sa susunod na buwan pa ang line up ko pero sunod sunod ang naka sched.

Nang makauwi ako sa bahay ay gumawa muna ako nang avocado toast. Oo, avocado toast, noon kasi ay avocado salad ang ginagawa namin pero may limitasyon na ako sa sweet consumption ko ngayon kaya sa halip na avocado salad ay avocado toast nalang.

Nang matapos akong kumain ay nag shower na ako.

Nasa harap ako nang laptop ko ngayon habang tintingnan ang mga magagandang eskwelahan dito sa Manila. Tinitingnan ko din ang application forms nila at requirements.

Ayaw ko man siya laging isipin ay di siya nawawala sa aking isipan.

Alam ko na kahit ayaw kong aminin ay siya ang rason kung bakit ko gusto mag kolehiyo. Gusto kong ipakita na hindi lang ako basta magiging modelo dahil may direksiyon ang buhay ko.

Sinara ko na ang laptop ko para makapagpahinga na. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang magiging desisyon ko.

May higit sa dalawang buwan pa naman ako para makapag isip at mag desisyon.

Nakakalungkot pero kailangan kong gawin. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko.

Maybe now isn't the time for us. If we are meant for each other, we'd be together and we'd have our happily ever after.

Nag tretreadmill ako ngayon nang mapalingon sa katabi kong tumatakbo rin at panay ang ngisi sa akin.

Hininaan ko ang treadmill ko to walk para lingonin siya.

"Bakit?"  Tanong ko.

"What?" Balik tanong niya saka ngumisi.

"Kanina kapa kasi naka ngiti diyan."

"Just enjoying the sweat"

"Tsk eh kakasimula mo nga lang eh" puwang ko dahil halos hindi pa naman talaga siya pinapawisan.

"Hahahah you're too serious, loosen up"  tawa niya.

"I'm not, -?"

"Bellastine Herrmann, just call me Bella."

"Jazz Love Mei" pagpapakilala ko rin.

"Okayyy, love"

Uhh, agad akong natigilan nang marinig yun. 'Love' naiiyak nanaman ako.

Napansin niya ata ang reaksyon ko kaya agad siyang ngumiti ng malaki saka binawi.

"Okay Jazz, let's go to the mall after" magiliw na aya niya. Sasagot na sana ako kaso naunahan ako.

"Uhuh, mukhang pa cool down na kayong dalawa kahit di paman nakakapag simula ah, mamaya na yang mall niyo pag natapos niyo mga forms niyo"

Lagot kay coach! Sabay kaming napa agikik habang pinagpapatuloy ang pag treadmill para matapos na.

Ahh finally! Nakapag mall narin ako ulit!

Kaso hindi ko alam ang pasikot sikot dito dahil ngayon lang ako nakapunta rito kaya panay lang ang sunod ko kay Bella.

"Ohh I forgot, is it your first time here?"

"Yeah" sagot ko naman.

Bigla niyang inangkla ang braso niya sa akin.

Nagpatianod lang ako sa paglalakad niya. Laking gulat ko nang pumasok kami sa isang luxury botique.

Ang gaganda ng mga bag pero alam kong ang mamahal rin ng mga iyon. May pera ako pambili nun pero ang perang iyon ay galing sa mga magulang ko kaya hindi parin akin yun. Balang araw ay makakabili rin ako ng mga gamit at mga luho gamit ang sariling pera na pinagtrabahoan at pinaghirapan ko.

"Want anything here? How about this?"   Tanong niya sabay pakita ng isang maliit na sling bag.

Panay lang ang iling ko sa mga offer niya sa iba't ibang botique. May mga ipinakita pa siyang mga sandal at sinabing magandang investment raw iyon lalo at model na ako.

Nang mapagod siya kaka offer sa akin nang kung ano ano ay kusa na rin siyang sumuko at dinala ako sa Starbucks.

"Hey! Bawal ako nang sweets" reklamo ko dahil nilimitahan na nga ang sweet consumption ko. Naka calculate rin ang mga calorie intake ko.

"Alam ko kaya nga ako nag order para di ka maka tanggi."  Kumindat pa siya sa akin.

May naalala ako sa kindat na iyon pero binalewala ko nalang para di ako mawala sa mood.

"Lagot ako kay momita nito eh" reklamo ko.

"Ngayon lang naman, okay lang yan, shhh kalang."  Nilagay niya pa ang finger niya sa bibig niya at nag 'shh'.

Tiningnan ko ang iced vanila latte at isang slice nang blueberry cheesecake sa harap ko.

Nakakatakam! Ngumiti ako sa kaniya saka nilapit sa bibig ko ang latte at ininoman ito. Ang sarapppp!

Tumawa naman si Bella sa akin kaya napanguso ako.

"Don't deprive yourself" sabi ni Bella saka ngumiti.

"Halaaaa sumbong kita kay mommy nandito ka nanaman sa SB" may nag salita sa likod ko kaya napalingon ako.

Nagkagulatan kami ng lalaking nasa may likuran ko.

"Hmm" ngumiti ngiti pa siya saka umupo at tumabi sa akin.

"Hep! hep!" pigil ko ngunit tila wala siyang narinig.

Nang humarap ako sa kasama ko kanina ay may napagtanto ako.

"Boyfriend mo?" Tanong ko kay Bella saka nilingon ang lalaki na nasa tabi ko na ngayon.

"Hahahaha"

"HAHAHAHAHAHA"

Sabay silang natawa.

"Meet my brother, his name is Standford"

<3

Unlucky, I'm inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon