----- Red's POV -------
Seriously? Kahalikan agad?
Hindi ko pa nga nakikilala 'yung babaita na 'yun kahalikan agad?
Argh! Nakakainis ka Travis!
Sa Sobrang inis ko sinipa ko 'yung trash can, kaya ayun nag-ingay ito at gumulong pababa ng hagdan.
Sa sobrang inis ko at gulat ko sa ginawa ko, bigla akong napatakbo at umalis na sa lugar.
"Who's in there?" Narinig kong sigaw ng babaeng kahalikan ni Travis.
Pumunta agad ako kila nanay at kinalma ko ang sarili ko. Gusto ko ng umuwe, nasaktan ako sa nakita ko.
Feeling ko inagawan ako ng pagkain na hindi naman talaga sa'kin pero feeling ko akin.
At feeling ko... gusto kong umiyak.
I hate you Travis... i really do!
Akala ko pa naman, best friends kami at no secrets between us. Kahit na crush ko siya at yun lang ang only secret. Eh siya may girlfriend ng walang pasabi. Nakakainis siya!
At hindi na kita crush Travis! Nadungisan na ng ibang babae 'yung kissable lips mo! Argh!
Pagdating ko kila nanay, nagsabi akong biglang sumama ang pakiramdam ko. Tinanong nila sa Travis pero hindi ako sumagot. I don't want to lie. Mabuti nalang at pumayag silang umuwe na. Bahala na kung sino ang manalo sa cheerdance. Basta ako talo ako. Sobrang talo.
Pag uwi namin diretso agad ako sa kwarto, tsaka post sa twitter ng " i hate you!"
Sana mabasa ni Travis. Pero busy 'yun sa girlfriend niya kuno.
"Psh! Magsama sila!, argh!" Sigaw ko sa loob ng kwarto.
Pero pagmas lalong iniisip ko, mas lalong bumibigat sa pakiramdam. At gusto ko nalang maiyak sa sakit.
Pero nooo!
I won't do that! It's just a simple crush!
Pero masakit pa rin...
*Kinabukasan*
"Good morning!" Bati ni Travis sa loob ng kwarto ko habang niyuyugyog ang kama ko.
Speaking of the devil! Nandito pala siya. Bakit?!!! I hate you! Pero nagpapakita ka pa rin?
"Get out of my room! I need to sleep!" Mataray kong sabi.
"Ang aga-aga nakasibangot ka? Let's go, laro namin ngayon" masiglang sabi nito. If i know its because of her new friend, or should i say "GF".
"Ayoko manood, leave me alone Travis" tumigil ito sa pagyugyog tsaka humarap sa mukha ko.
"You know what, parang iba ka ngayon. Did you cry last night?" Bigla tuloy akong napamulat ng mata. Nagkaeye to eye contact kami. Bigla akong nagtalukbong ng kumot.
"You did, namumugto yung mata mo, sinong nagpaiyak sa'yo?" May angas na tanong nito.
"Hindi ako umiyak, napuyat lang ako" dahilan ko
"Paano ka napuyat? E, ang aga mo ngang nagyaya umuwe sabi nila tita dahil sumama ang pakiramdam mo, kaya pala hindi na kita nakita sa school, tapos hindi ka pa nagpaalam na uuwi na kayo nila tita"
"Kaya nga ako napuyat, kasi masama ang pakiramdam ko" dahilan ko ulit. (Wow! Ang galing magdahilan Red!)
"Sigurado ka? Patingin nga!" Pangungulit nito.
"I'm okay now, baka malate ka pa sa laro mo niyan"
"I won't go until you promise me na susunod ka sa game ko" parang bata na sabi nito.
"Okay fine! Just go!" Sabi ko nalang
"Yes! Ang sungit mo naman, sige see you sa gym" narinig ko nalang sumara yung pinto.
Hingang malalim Red! Kaya mo yan!
Agad akong humarap sa salamin. Teka? Bakit namamaga yung mata ko? Hindi ko maalalang umiyak ako. Psh!
Nag-ayos na ako tsaka bumaba, feeling ko makikita ko yung babaitang kahalikan ni Travis kahapon. Hayy pag naaalala ko naiinis ako ng bonggang bongga!
"Susunod ka daw sa game ni Travis?" Tanong ni nanay pagkaupo ko sa mesa.
"Opo, pinilit po ako eh." Dahilan ko, Diyan naman magaling si Travis sa pamimilit. Kaya no choice ako palagi. Ayoko pa talaga siya makita, para makamove on naman ako nu.
"Okay ka na ba dear?" Tanong ni nanay.
"Yes po, okay na po ako."
"Sigurado ka? Akala ko kasi..."
Napatigil si nanay ng maupo si daddy sa mesa kinuha ang newspaper at nagcoffee.
"Bakit po? Anong pong meron? Tanong ko kay nanay.
"Ah, wala mabuti naman at ayos kana, kain na at ng makapagcheer ka na sa mga classmates mo" sabi ni nanay.
Ano kayang meron, alam niya kaya kung bakit namaga yung mata ko.
Pagpunta ko sa gym, nagsisimula na ang laban, lahat sila todo sa pag cheer.
Nakita ko si Travis, point guard siya eh, todo tili ang girls kapag siya ang nakakashoot.
Okay na sana ako sa malayo lang nakaupo basta mapanuod ko lang si Travis, kaya lang may biglang sumigaw.
"Go Travis!" Sigaw ng babaitang kahalikan niya! Freshmen din ito, pero parang bago lang siya sa school.
Tumingin si Travis sa kanya tsaka ngumiti. Tapos nakashoot ito. Todo tili yung babaita grabe! Sarap batuhin!
Tumingin si Travis sa paligid habang time out ng biglang matagpuan ng mata niya ang lugar kung nasaan ako.
Kumaway siya. Umirap lang ako.
"Suplada!" He mouthed
Nagsimula ulit yung game. Lamang na sila kaya alam ko na kung sino ang panalo. Tilian lahat ng girl after ng final shoot ni Travis na lalong nakapagpatambak ng score sa kalaban.
"Go travis!" Sabi ng croud
"Ang galing mo talaga! I like you na!" Sabi ng iba
Lumapit agad yung babaita kay Travis na may dalang tubig. Sabay yakap dito at kung anu-ano pa yung sinabi.
"Girlfriend ba yan ni Travis?" Girl 1 Tanong ng babae sa likod ko.
"Oo daw, sabi nila, sayang ang gwapo pa naman niya, taken na nga lang!" Girl 2
No! Hindi yan totoo, sabi ko sa isip. Kung totoo man yan,... Congrats! Pakasaya sila. Psh! Bitter ako eh.
Umalis na ako sa lugar ko, tutal panalo sila kaya. For sure may get together yan with the players.
Narinig kong tinawag ako ni Travis pero hindi na ako lumingon. Patay malisya kunwari.
Nagtext nalang ako sa kanya.
To: Travis
"Congrats!"
I'm hurting... for sure kasama niya yung babaita. Uuwi nalang ako.
BINABASA MO ANG
When i fall in love (COMPLETED)
RomanceSi Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not complete is that she cannot find the right person who she can give her heart away. Makikita niya naman...