Kinabukasan wala kaming imikan ni Travis. Hindi naman nagtatanong sila Hanna patungkol sa amin, baka hindi lang nila nahahalata.
"Na-try niyo na ba magzipline guys? Meron noon dito, i'm sure magugustuhan niyo yun" sabi ni Chris.
"Magpapahinga nalang muna ako dito, medyo masama yung pakiramdam ko eh" sabi ko.
"Okay ka lang ba Red? You look pale" sabi nito tsaka kinapa yung noo ko.
"Okay lang ako, ipapahinga ko nalang muna ito" tinanggal niya ang kamay niya sa noo ko tapos tumayo na ako.
"Okay Red, samahan mo na muna siya Travis" suhestiyon ni hanna, napalingon ako kay Hanna ng sinabi niya yun. Hindi nga niya nahahalata o kaya naman ay nahalata niya kaya niya ginagawa ito.
"Okay, no problem" sabay tayo din nito. Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko kanina.
"Ayos lang ako, i can handle myself, excuse me" sabi ko tsaka naglakad na palayo.
Nakita ko naman na sumunod ito sa akin. Binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko. Pero nahabol niya na ako at tumabi sa akin habang naglalakad.
"No matter how far you are, i will still chase you" bulong nito sa akin.
Kinilabutan ako sa mga salita niya, pinagpapawisan ako at kumakalabog ang puso ko.
Lumingin ako sa kanya at napatitig ng matagal, i want to say something pero hindi ko na lang tinuloy. I want to punish him sa sakit na binigay niya sa puso ko pero naisip ko kung sasaktan ko ba siya, sasaya ba ako?
Nag-iwas ako ng tingin tsaka nagsalita.
"Stop following me, kaya ko ang sarili ko" padarag na bulyaw ko sa kanya at tsaka nagmartsa na ulit palayo.
Naiwan lang na tulala si Travis at kita ko sa mukha niya ang lungkot. I am not good at hiding my feelings. Napansin ko din na gusto niya akong habulin pero hinayaan niya na lang ako.
What you see is what you get. Ang dali kong mabasa based on my expressions kaya kung sinabi ko iyon kay Travis its what i feel right now. Its hard to accept things, kailangan ng panahon para matanggap mo ito.
I am lost.... as in nawawala talaga ako. Ang laki kasi ng lugar hindi ko alam kung nasaan na ako. Magtatanong sana ako sa mamang nakaupo na namimingwit sa may bandang bridge. Pwede pala mag-fishing dito. Siya lang din ang tao dito. Possible na gusto niya ngang mapag-isa.
"Excuse me, Manong" magalang na sambit ko. Pero hindi ito lumingon. Nakayuko lang ito. Hindi ko maaninag ang mukha niya at naka-cap ito at nakashades. Kinalbit ko ito tsaka naman ito nagulat at nabitiwan ang fishing rod niya pero nasalo niya ulit. Tulog pala ito kaya hindi ako narinig. Napatawa ako ngunit binawi ko din dahil baka pagalitan ako.
"Aisht! Sino ka ba?!" Galit na angil nito sa akin. Nakatalikod pa ito at hawak yung rod.
"Sorry po manong, naistorbo ko kayo sa pagtulog, magtatanong lang po ako."
"Dapat lang na magsorry ka! At sinong manong ang sinasabi mo diyan?" Baling nito paharap sa akin, at tsaka siya nagtanggal ng shades.
"Red?!" Manghang bulalas nito, napalitan ng pagkagulat ang mukha niya ng makita ako.
"I-ikaw? S-shaun?" Nauutal kong sabi. Hindi ko kaagad siya namukhaan.
Napatawa kami parehas. "Kumusta ka?" Dagdag niya.
"Long time no see ah!" Sabi ko naman.
Sabay kaming natawa dahil mukha kaming excited parehas na makita yung isat-isa.
"How are you Red? You look good!"
"Ok lang naman, thanks Sa compliment, you too! You look good! sorry kanina kung natawag kitang manong, bibihira lang kasi akong nakakakita ng namimingwit na katulad mo, akala ko mga matatanda lang ang may gana mag-fishing"
BINABASA MO ANG
When i fall in love (COMPLETED)
RomansaSi Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not complete is that she cannot find the right person who she can give her heart away. Makikita niya naman...