Chapter 23

1.5K 34 0
                                    

I cried again after 10 years. Dahil sa sorry niyang hindi ko pa rin maintindihan hanggang sa ngayon.

After 10 years ganito pa rin pala ako, walang pinagbago.

Maari nga kayang hindi pa rin nagbabago ang puso kahit napakatagal na panahon na ang lumipas?

Iyak lang ako ng iyak hanggan sa dumilim na. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumangon na ako at nagpahatid ng makakain.

I heard a knock baka yung room service na yun. Kaagad kong binuksan ang pintuan at nakita doon si Travis nakatayo at may hawak na Isang pirasong white rose.

Sinara ko agad yung pinto ng makita ko siya. Pero hinarang niya kaagad ang kanyang kamay doon dahilan para maipit ito. Nanlaki ang mata ko sa nangyari. Kaya binuksan ko agad yung pinto para matanggal sa pagkakaipit ang kamay niya. Medyo napalakas pa naman ang pagkakasara ko.

"F*ck!" Hiyaw nito sa sakit. Dinaluhan ko agad siya at nakita kong namula ito.

"Bakit mo kasi hinarang yung kamay mo!" Natataranta kong sabi.

"Wow lang Red! Ako pa ang may kasalan ikaw na nga yung nakaipit diyan" sabi nito habang iniinda pa rin yung sakit.

Pinapasok ko muna ito sa loob at pinaupo siya doon. Nataranta ako hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nagpabalik-balik ako sa loob ng kwarto.

"Nakakahilo ka naman red, pwede bang umupo ka nalang muna sa tabi ko, mawawala din naman ito" ginawa ko ang sinabi nito.

After a while nawala na din daw ang sakit. Wala namang damage sa kamay niya pero tumawag na rin ako ng cold compress para dito. Nagagalaw naman daw niya ng maayos kaya hindi na kami pumunta sa clinic.

"Here" sabay abot nito ng rosas. Kinuha ko naman iyon.

"Thank you!"

Tahimik lang kami ng may kumatok.

"Room Service"

Binuksan ko ang pinto at pinapasok ang dalawang crew.

"Room service po ma'am" sabi ng isa.

"Pakilapag nalang sa mesa, salamat!"

"Ito din po yung cold compress" sabi pa nito.

"Okay, salamat ulit"

"Welcome po"

Tapos umalis na ang mga ito. Binuksan ko ang mga pagkain at inayos ang mga ito. Iniabot ko din yung cold compress kay travis.

"Are you going to eat that all?" Tanong ni Travis habang nasa kamay ang cold compress.

"Yup!" Tipid kong sabi .

"Mukhang hindi mo naman mauubos yan"

I give him a "why do you care look".

"Tutulungan nalang kita" masayang sabi nito at dumalo siya sa mesa at umupo.

"Manigas ka!" Sabi ko. Tsaka tinapik ang kamay niyang aambang kakain.

Nagpaawa ang bibig nito. At ang cute niya lang. Kaya pinayagan ko na. Magiliw siyang kumain, hindi ko alam kung sino ang gutom, ako ba o siya? Pagkatapos naming kumain lumabas kami sa veranda para tignan ang stars.

Tahimik lang kaming nakatingala mula doon.

"I'm really sorry Red" basag ni Travis sa katahimikan.

Bumigat agad ang loob ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"Stop it Travis, i don't want to hear you saying sorry again after kissing me, it feels like it's always a mistake to kiss me" may bahid ng sakit ang mga salita ko. I keep myself calm pero hindi ko yata kakayanin.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon