Chapter 6

2.1K 41 0
                                    

----- Travis POV ----

*flashback*

Nakakainis nakalimutan kong malapit na pala ang deadline ng mga projects ko, i need referrences.

Nagmadali akong pumunta sa library, kasi alam kong pasarado na ito.

Nakuha ko naman lahat-lahat ng kailangan ko kaya sumakay na agad ako sa sasakyan ko. Actually this is my car Chevrolet Camaro, you know bumble bee sa Transformers movie? Right, ito yun. Amazing di ba? My dad gave me this, para sa nag-iisang anak niya.

Ginagamit ko lang ito paminsan-minsan wala pa nga akong liscense eh. Makulit lang ako.

Palabas na ako ng school ng may biglang tumawid sa daan ko. Agad akong nagbreak.

"Sh*t!" Sabi ko bigla. Napastop agad ako. Bumaba ako ng sasakyan at pinuntahan yung nabangga ko.

"Are you okay miss?" Nag-aalalang tanong ko.

Humarap yung babae sa akin. Ngayon ko lang napansin na puno ng pasa ang mukha niya.

"Take me anywhere please, hide me..." pagmamakaawa nito, umiiyak ito. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinakay ko nalang muna siya sa sasakyan.

Inalalayan ko siya makapasok. Tapos sumakay na din ako.

"I'll take you to the hospital" mariing sabi ko, kinakabahan ako, baka mamaya ako ang nakagawa noon sa kanya baka napalakas ang bangga ko sa kanya.

Tinitignan ko siya paminsan, naalala kong siya pala yung babae sa harap ng school bago ako pumasok sa loob ng campus.

Binilisan ko ang takbo, natatakot ako. Wala pa naman akong lisensya. Nakakainis! Kung kailan may marami akong aasikasuhin na projects doon pa nangyari 'to, dapat talaga mag-ingat akong mabuti. Lagot ako kay daddy kapag nalaman niya 'to sh*t. Sabi ko sa isip. I hope she's okay.

Pagdating namin sa hospital agad siyang pinuntahan ng mga nurse at ginamot.

Sandali siyang na-admit sa hospital. Kinausap ko naman agad yung doctor.

"Is she okay doc? May fractures ba siya?" Taranta kong tanong.

"Don't worry she's okay, wala namang fractures na nakita sa kanya" nakahinga akong maluwag sa sinabi nito.

"Salamat naman po kung ganoon" sabi ko.

"Pero.. are you sure na nabangga mo talaga siya? Kasi base sa findings namin yung mga tanamo niyang sugat ay medyo matagal na yung iba, parang hindi lang kanina nangyari, we asked her pero ayaw niyang magsalita, may alam ka ba tungkol dito?" sabi ng doctor.

"Po? Hindi ko po alam. I mean ngayon ko pa lang po kasi siya nakita, i mean ka-schoolmate ko po siya pero hindi ko po kasi siya kilala" sabi ko.

"Hmmm.. okay, sa tingin ko she is physically abuse, i suggest keep her away from stress at maganda kung may kasama siya palagi, for the mean time lang naman" tumango naman ako sa doctor.

"Sige, mauna na ako iho" sabi ng doctor at umalis na.

"Naayos ko na yung hospital bills at pwede na tayong umalis mamaya, sorry talaga miss" sabi ko.

"Janice..." bulong niya.

"Huh?"

"Janice.. janice yung name ko" sabi nito.

"Ah, okay janice. Sabi pala ng doctor okay ka na, pero yung mga injuries mo parang hindi daw kanina lang nangyari? May nananakit ba sa'yo?" Tanong ko.

Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Okay lang, hindi mo kailangang sabihin sa akin, sabi din pala ng doctor lumayo ka muna sa stress at dapat daw palagi kang may kasama."

Tumahimik muna saglit tsaka siya nagsalita ulit.

"Can you help me? I think i' need your help"

????? Yan lang nakaregister sa utak ko.

Tapos nagsalita siya ulit.

"My parents are not here, nasa ibang bansa sila at inaasikaso ang family business namin, dahil lack of attention dahil sa wala sila palagi, i tried everything para mapansin nila ako, pero wala pa rin. Hanggang sa makilala ko si Sander... my boyfriend..." tapos umiyak siya... hindi lang iyak hagulgol pala, binigyan ko siya ng tissue, tsaka nagpatuloy siya.

"Noong una, okay ang lahat, i dont have to seek for my parents attention kasi nandiyan na si Sander, pero this past few weeks nagbago siya, sabi niya wala daw akong time sa kanya, wala akong care sa kanya at ngayon naman may iba na daw ako, naparanoid siya simula ng lumipat ako ng school sa school natin ngayon"

"Its my parents who decided na lumipat ako dahil mas maganda daw sa Brylle High, since naasikaso na nila ang lahat wala na akong nagawa" lumungkot ang mukha niya.

"Then one day, naglasing siya, napagbuhatan niya ako ng kamay noong una... lumaban ako at dahil sa sobrang kalasingan sinaktan niya pa ako lalo" mas lalao pa siyang napaiyak.

"Bakit hindi mo nalang siya hiwalayan?" Tanong ko.

" i can't! Dahil mahal ko siya... siya ang lahat sa akin" humagulgol ulit ito.

"Wala siyang kwenta... psh! Layuan mo nalang siya" suggest ko, nakakainis naman yung lalaki na yun.

"My parents didn't know about this, kapag nalaman nila mas paglayuin nila kami... that's why i need your help... help me! Be my boyfriend!" Tumigil na itong umiyak tsaka sumeryoso ang mukah.

"What?! You are kidding right?" Gulat na sabi ko.

" Fake boyfriend lang naman, please? I really need you para marealize ni Sander ang halaga ko sa kanya. I know this is a pathetic idea, pero i need protection right? Sabi nga ng doctor, and you are my only chance"

"I can't, kung ako sayo maiging layuan mo na siya" mariin kong sabi

"Kung hindi mo ako tutulungan, i'll sue you! Ire-report kita sa pulis!" Banta ni janice.

"What? Tinulungan nga kita tapos ito pa ang igaganti mo? I even paid your hospital bills na hindi naman dapat ako." Naiinis na sabi ko.

"We'll i have no choice..." tatayo na ito "i think you should know that i am really good at lying? And at your age alam kong wala ka pang lisensya" tapos ngumisi siya.

Psh! Kahit ano gagawin talaga ng babaing ito. May sapak na ata ito, naalog ang utak ng nabugbog ng Bf niya kaya nagkaganyan. Haaayyy!

"Okay fine!" Pagsang-ayon ko. "Pero until when?"

"Hanggang sa magkaayos kami ni Sander" sabi nito. "Deal?"

"Psh! Impossible! Baka magalit yung mga nagpapantasya sa akin dahil sa sinabi mo, haay naakkuu......"

"As if naman meron talaga, psh! Ano na? Okay lang naman sa akin magtaxi papunta sa pulis" sabi nito.

"Okay! Okay! Deal na!"

"Good! Ano nga pala pangalan mo?"

" Travis"

"Janice..."naglahad siya ng kamay, hindi ko inabot.

Siya na yung nag-abot na kamay ko. Nagulat ako. May saltik nga ito. Sabi ng isip ko.

"Nice to meet you too!" Sabi niya.

Lagot ako kay Red!

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon