Chapter 5

2.4K 53 0
                                    

---- Shaun's POV-----

*Flashback*

Tinatawag ako ng coach namin after ng laro.

"Shaun, sub (substitute) ka muna sa isang player. May emergency daw hindi makakaattend ng laro bukas sa basketball. Ano game ka?"

Alam kasi ni coach na gusto ko din magbasketball, mas pinili ko lang ang cheerdance dahil nandoon si Red at iniwasan ko ang basketball dahil kay Travis. Psh! Tapos ngayon...

Ito na siguro ang time para magpakitang gilas kay Red! Lalabanan ko si Travis... kahit na... magkakampi kami.

"Sige po coach, hindi naman po sabay ang game ng basketball at volleyball bukas eh"pag sang-ayon ko.

"Good! We'll see you sa game bukas! Thanks Shaun!" Sabay tapik ni coach sa balikat ko.

"Sige coach" nagsalute naman ako.

------ Red's POV-------

Janice pala ang pangalan ng babaitang 'yun. Bulong ko sa sarili ko ng makita kong dumating na rin si babaita i mean Janice at umupo malapit sa mga players.

Soo.... kilala siya ni Hanna, at least i dont have to ask Travis just to know that babaita's name.

Bago magsimula yung basketball game pumunta muna akong cr. Paglabas ko agad akong hinila ni Travis papunta sa science garden malapit sa gym.

"Travis wait lang, bakit mo ba ako hinihila? Susunod naman ako sa'yo kung saan" hila pa rin niya ako hanggang makapunta kami sa nippa hut doon at iniupo niya ako.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Tanong ko.

"Stay away from Shaun" direkta niyang sabi.

"What?! Yan lang ba yung sasabihin mo Tra? Wala ka man lang bang balak i-explain sa akin?" Medyo galit yung tono ko.

Special Note: ang bigkas sa pangalan ni Travis ay "Trey-vis". (Para totyal)

" Don't change the topic Red, you know what Shaun can do to you"

" so what? Isn't that good? Na ngayon hindi nalang sa ating dalawa umiikot ang lahat? Parang ikaw at si Janice? Hindi ko alam may GIRLFRIEND na pala ang BESTFRIEND ko? At hindi na ako ngayon ang priority niya." Binigyang diin ko talaga ang mga salitang bestfriend at girlfriend.

Natigilan siya sa sinabi ko. Nagsalita ito pero pinutol ko din agad.

" paano mo..."

"Nalaman? Actually tsismis nga lang 'yun eh, pero now, you already confirm it, hindi naman sana ako magagalit o dapat magalit, i shoukd be happy for you, pero i need your honesty, kaya nga bestfriend hindi ba? Dapat alam ko lahat Tra... kasi nga bestfriend di ba? Bestfriend... pero ako lang ata ang may turing na ganun... ako lang" paulit-ulit kong sabi.

"Sorry Red, sasabihin ko naman sana agad eh, kaya lang pinilit ako ni Janice na huwag ipaalam kahit kanino, mahalaga din kasi siya sa akin dahil kaibigan ko din siya at humingi siya ng tulong sa akin" nag-aalangang sabi nito.

Mas nangingibabaw na agad sakin yung pagtataka. Ano ba talaga ang nangyayari? Sabi ng utak ko.

" ano ba talaga yung dahilan? bakit hindi mo agad sinabi Travis?"

Huminga muna siya ng malalim tsaka nagsalita ulit.

"I met Janice last two weeks, i saw her on the the waiting shed sa harap ng gate ng school at umiiyak siya....nakalimutan ko kasing may kailangan pala akong hiramin na libro for our projects, bumalik ako ng school after kitang ihatid.. when i saw her puno ng galos ang mukha niya hindi ko na sana siya papansinin pero bigla siyang tumakbo kaya muntik ko na siyang mabangga" napabuntong hininga si Travis ng maalala niya.

"Then pinuntahan ko agad siya, akala ko nakasagasa na talaga ako, pero when i ask her kung okay lang siya at kung anong masakit sa kanya, she grabs my shirt at sabi niya, take me anywhere please, hide me... sabi nito at umiiyak, napansin ko din na marami siyang pasa sa braso niya"

"Dinala ko siya sa hospital just to be sure na hindi ko siya nasagasaan talaga, then i ask the doctor bakit ganoon si Janice .. ang sabi nila mukhang may trauma daw ito at under ng abuse, hindi pa sila sigurado dahil ayaw magsalita ni Janice, then i talked to her at nagkwento na siya, binubugbog daw siya ng bf niya at akala ay nanlalalaki siya. She suggest na kung pwede daw for the mean time tulungan ko daw siyang ma-realize ng bf niya ang halaga niya at kaya niyang ipagpalit ito kahit kanino dahil sinasaktan siya nito."

Nagulat ako sa kwento niya hindi ko alam na may dark side pala si Janice. Pero....

"Bakit hindi nalang niya hiniwalayan ng tuluyan?"

"Well, I suggest that already, but she told me, mahal niya eh" Sabay ngisi ni Travis.

"Now that i know, mas naiintindihan ko na" sabi ko, kaya pala ganun nalang kung makakakapit kay Travis, takot siya na baka kapag naging mag-isa siya hindi niya kayanin.

"You should have told me ng mas maaga pa! Nakakainis ka talaga! Edi sana hindi na ako nag-OA pa! Psh!" Pinaghahampas ko si Travis.

"Kainis ka!" Sabi ko.

"Wait tama na! Ouch!" Tapos hinarap niya ako. "Promise me you wont tell anyone about this okay?" Seryoso talag si Travis dito. Paano kung mainlove talaga si Janice at si Travis sa isat-isa? Hindi mangyayari yan... trust Travis...

"Okay! Promise! Basta sa susunod sabihin mo agad sa akin Travis, makikinig naman ako eh"

Tumango ito tsaka niyakap ako.

Gosh!!!! What is the meaning of the HUG???

"Thanks Red! You are really my bestfriend ever!"

Ouch! Bestfriend pala...

Mayamaya may narinig kaming hiyawan sa loob ng gym.

"Yung game!" Sabay naming sabi.

Nagmadali kaming pumasok sa gym.

Pumunta na ulit ako kay Hanna.

"Aba... aba... aba!!!!" Makahulugang sabi nito.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Eh kasi po... yung score nating freshmen tambak na agad first half palang, di ba dapat medyo sad? Pero ikaw!... Todo ang ngiti! Happy lang na tambak na tayo?"

"Hindi ah, sad nga ako eh.." tsaka nagsad face ako. Pero hindi dapat.

"Icheer natin para makabawi. Go freshmen!" Sigaw ko.

"Happy lang Red? Di halata" Asar ni Hanna.

Di ko nalang pinansin at nagcheer nalang ako.

Naliwanagan na ako kaya masaya na ulit ako. I should trust Travis.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon