Chapter 21

1.7K 42 0
                                    

"I'll wait until you return" yan ang huling sinabi ni Matthew sa akin bago ako pumuntang pinas.

Napapangiti ako nito sa tuwing naalala ko, pati na rin ang pagkabalisa niya para ipaalam na gusto niya akong ligawan. Old fashioned pero still nakakatuwa pa rin dahil someone is really serious about me.

"Will you stop smilling? " Bakas ang pagkainis sa mukha nito. Hindi ko alam pero simula pa kanina pagkasundo niya sa akin ay naiinis na siya. Kung sa bagay bigla bigla nalang kasi akong ngumingiti ng walang dahilan.

Naghihintay nalang kami ng flight namin sa airport. Ako ngiti ng ngiti habang siya nakasibangot all the way here.

"Why?Masama bang tumawa?"

"Nope, but every 10 minutes tatawa ka, its not okay" kanina pa pala niya ako inoobserbahan.

"Okay! Psh!" Hindi nalang niya ako sakyan, anu ba yan.

Nang tinawag na ang flight namin tumayo na siya at may kinuha ang ilan naming gamit. Then he is about to hand me something, nilahad ko ang palad ko. Natakasara ang palad niya at nakabukas naman ang sa akin magkabaliktaran ito.

Napatalon ako dahil iba ang ginawa niya sa ineexpect ko. When he was about to give me what's inside his hand he suddenly sealed our hands together and then we walk hand in hand. Hindi ko mabawi ang kamay ko dahil sa gulat, nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya at pinagpawisan ako na hindi ko maintindihan.

He was just walking straight while me? Tulala lang at nagpapatianod sa mga nangyayari.

Kung ano man ang mga iniisip ko kanina, nawala iyon ng parang bula dahil lamang sa isang hawak sa kamay ni Travis.

We went to a private resort club in subic. Medyo mahaba yung byahe so nakatulog lang ako. Sila hanna daw ay naroon na sa Resort at kasama ang fiancee nito. I don't know pero naeexcite na akong makita ito.

When i wake up nasa hotel room na ako. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. I check myself okay naman at walang nabago.

Tumayo ako at hinanap si Travis.

"Travis?" Lumabas ako dahil hindi ko siya makita sa loob ng kwarto.

I called him. Unattended naman. I feel alone. At bago lang sa akin ang lugar, walang katao-tao sa paligid. Its some kind of a private suite or something. Ilang ganoon na ang nadadaanan ko pero wala pa rin akong makitang Travis. Asan na ba siya? Baka maligaw pa ako nito. Sana ginising niya nalang muna ako kung aalis siya.

May namataan akong isang golf car na paparating.

"Hi ma'am good afternoon" bati nito.

"Hi, may nakita ka bang lalaki na ganito katangkad, gwapo, maputi, clean cut at medyo fit yung katawan?" Tanong ko sa staff doon.

"Ah-eh...Siya po ba yun ma'am?" Sabay turo niya sa lalaking nakapamulsa at may kasamang babae. Naahawak pa ito sa braso niya at masaya silang nag-uusap patungo sa gawi ko.

Tumango ako sa staff. "Okay,Thanks".

"Welcome po ma'am" tsaka pinaandar na muli ang golf car.

Napatigil sila ng mapansin nila ang presensya ko. Ngumiti ang babae sa akin. Hindi ko ito pinansin at bumaling kay Travis. Naiinis ako yan ang pakiramdam ko.

"Why did you left me?" Mataray kong tanong kay Travis.

"Sobrang himbing kasi ng tulog mo kaya hinayaan na muna kita. I leave a note sa beside table hindi mo ba napansin?"

Wala akong napansin, dahil pagmulat ko ng mata si Travis na agad ang hinanap ko. Medyo napahiya ako sa sinabi nito. Hindi ko rin narealized na maating gawin iyon ni Travis.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon