Chapter 3

2.7K 54 4
                                    

----- Travis POV -----

Hinahanap ko si Red hindi niya siguro narinig na tinawag ko siya kanina after ng game. Ano na kayang nangyari dun?

Baka magalit sila Tita Fammy (mommy ni red) kapag hindi ko siya naihatid pauwe. Bilin kasi sila, alagaan ko si Red.

Gusto ko rin naman kasi magaan ang loob ko kay Red, we've known each other since our childhood. Tsaka magbest friend nga din ang mga mommys namin.

Gusto ko din palagi kong kasama si Red saan man ako magpunta. Hindi ako sanay kapag wala siya sa tabi ko. Ewan ko ba kung bakit.

Nakita ko si Red sa labas na ng Campus, naghihintay ng taxi. Balak niya pala talagang iwan ako. Tsk!

Malapit na ako ng tumawag si Shaun galing sa gilid.

"Hi Red! Pauwi ka na?" Nakangiting tanong ni Shaun.

Alam kong gustong ligawan ni Shaun si Red. Matagal na. Pero i told him to back off. Pero mas nagiging close 'yung dalawa since palagi silang magkasama ni Shaun sa practice nila for cheerdance. Kaya wala akong magawa. I can't control Red and i don't want to control her.

Gusto ko din sanang sumali pero sabi ni Red magfocus nalang daw ako sa basketball. Well, magandang advice coming from my bestfriend. Kaya sinunod ko siya.

Alam kong nakikita naman ni Red na gusto siya ni Shaun. Pero parang minsan hindi din. Kaya natatawa ako kapag nababalewala niya si Shaun at inuuna niya ako. Well, bestfriend eh.

Pero mukhang hindi ngayon, dahil pasakay na si Red sa sasakyan ni Shaun.

Pipigilan ko siya. Ako dapat ang maghatid kay Red. She is my responsibility. Nobody told me that, pero iyon ang gusto ko.

"Red! Wait up!" Tawag ko.

Napatingin sila sa akin, nakita ko si Shaun na ngumiti. Psh! Sarap sapakin.

Si Red naman parang nag-aalangan yung tingin at gulat. Medyo parang mamasa din ang mata niya.

What the? Pinaiyak ba siya ni Shaun?

"Travis love! Wait!" Sigaw ng nasa likod ko. Si Janice.

She is not my girlfriend. Well, parang medyo ganun. Pero she needs my help kaya i have to be her BF for a while at hindi iyon alam ni Red. Hindi kaya galit siya dahil doon? Kaya umiiwas siya sa akin?

Hindi ko naman masabi sa kanya dahil alam kong hindi siya papayag sa idea na yun. Kaya mas minabuti kong hindi niya nalang malaman ang totoo.

Naabutan ako ni Janice at agad kumapit sa braso ko. Nakita ko naman na nagulat si Red sa nakita niya, at bakas na galit siya sa akin. Wala akong magawa.

Mabilis siyang tumalikod at sumakay agad siya sa kotse ni Shaun, si Shaun naman todo todo ang ngisi. Tsaka umalis na ang sasakyan nito.

I have to talk to Red.


-----Red's POV-------

Naramdaman kong malapit ng tumulo ang luha ko. Pero no....

Pipigilin ko pa rin.

Hindi ako pwede umiyak dahil, friend ko lang si Travis.

Right! Friend ko siya. At dahil nagsecret siya sa'kin kaya gusto kong umiyak. Yun lang 'yun.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Shaun.

"Yeah! Im okay, bakit naman hindi ako magiging okay?" Sagot ko. Trying my best para maging okay ang boses ko.

"I know your hurt Red, you can tell me what you really feel if you want to"

"Okay lang talaga ako"

"Okay, i just want you to know that i'm just here kung gusto mong may makinig sa'yo"

Alam kong gusto lang pagaanin ni Shaun ang loob ko. Pero wait lang may voleyball game pa ito mamaya alam ko.

"Teka lang, di ba game mo mamayang hapon?" Pang-iiba ko.

"Yup! Why?"

"Eh, bakit pauwi ka na? Eh maglalaro ka pa mamaya?" Takang tanong ko.

"Isn't it obvious?"

"Obvious ang alin?"

"Na gusto kitang ihatid, kaya nga i took the opportunity ng makita kitang pauwi na mag-isa, sayang ang pagkakataon, palagi mo kasing kasama si Travis kahit saan ka magpunta."

"Ah... well magkaibigan na kasi kami since childhood, kaya sanay na akong siya palagi kasama ko."

"Ah, okay"

Nasa tapat na kami ng gate namin ng magsalita ulit ito.

"Red.... i know this is not the right time to ask this but...pwede na ba kitang mayaya lumabas?"

Lumaki mata ko alam ko. Pero....

"Okay... papayag na ako...bayad ko nalang sa paghatid mo sa akin today, fair enough?"

"Haha! Parang no choice ka lang ah... but, i'll take the opportunity, thanks Red!" Ngumiti si Shaun... full smile...

One second....

Two seconds....

Three seconds....

*boom!* slow motion pala iyon...

I never see him this near, and he is so damn cute!

I am really blushing...

Tumalikod na ako... i hate this feeling...

"Okay! Goodbye!" Nagwave nalang ako patalikod. Gosh! Sana hindi niya napansin.

"Gosh! It can't be!" Bulong ko sa sarili ko pagsara ko ng gate.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon