Chapter 27

1.6K 36 0
                                    

-------Travis POV----------

Flashback

Hanggang ngayon hindi pa rin tapos yung mga papeles na inaasikaso ko para sa pagtatayo namin ng business dito sa korea. Habang ipinapakita sa akin ng magiging supplier namin ang sample product nila hindi mawala sa isip ko si Red. Nakaka-miss pala talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao. I want to kiss her and hug her so tight.

Tumigil sandali yung kausap ko at tumahimik. Hindi ako mapakali at hindi ako makatiis kaya nag-excuse muna ako. I dialled her number at sinagot naman niya ito.

"Hello babe?" Bungad ko. Agad sumalubong ang kaba sa dibdib ko ng marinig ko ang mahinang boses nito.

"Travis..." sagot ni Red sa kabilang linya sabay may malakas na bumagsak.

"Red?"

"Hello babe?"

"Red?!" Dirediretso kong tawag ngunit walang sumasagot.

Hindi ko pa rin pinapatay ang phone. Kinabahan ako, maya-maya may narinig akong sigaw at mabilis na yabag ng paa.

"RED!! IREONAYO!!" (Red!! Wake-up!!) Paulit-ulit na sabi ng boses lalaki na ito. Kahit maraming tanong ang nasa isip ko ngayon, isinantabi ko muna dahil sa sobrang pag-aalala ko dito.

"Red!" Sigaw ko mula sa kabilang linya, sana ay marinig ako ng taong naroon.

"Red!" Muling sigaw ko.

"Hello?" Sagot ng sa kabilang linya.

Napapikit ako ng mariin dahil sa narinig ako ng kung sino man na nilalang na ito.

"What happened to Red? Is she okay" Mabilis at may pag-aalalang tanong ko.

"I don't know, she just passed out, i'll take her to the hospital near her place" sabi nito.

"Okay! please take good care of her, i'm on my way"

Hindi ko na hinintay ang sagot sa kabilang linya at pumunta na kaagad ako sa hospital.

Pagdating ko doon, naroon yung Matthew sa emergency room. Siya pala ang kasama ni Red. May kirot akong naramdaman ng malamang sila ang magkasama kanina.

Binalewala ko muna ang isiping iyon at tumungo agad dito.

"Where's Red?" Tanong ko.

"The doctor's still checking her, we just have to wait for a moment"

"Okay" sagot ko.

"Thank you for your help" dagdag ko.

"It's alright" saglit na katahimikan ang dumaan tsaka muli itong nagsalita.

"She really needs someone who can take good care of her, someone who can always be by her side in times she needs it. The funny thing is, I never cared too much for a girl, until i met her, red is different, she makes me happy because of her presence, she makes me believe that nothing is impossible as long as you wait for the right time, she is like an ant, finding the place where she can fit in and waiting for that very moment where she can save a lot of food before it rains and giving what she had for the benefits of the others. I just wish i can be that man she needs." Natawa si Matthew sa huling sinabi.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon