--------Red's POV-----
"All is well" habang nilalagay ko ang kanang kamay ko sa kaliwang bahagi ng dibdib ko at sinasabi ko sa sarili ang katagang all is well, ginagaya ko yung sinasabi ng bidang lalaki sa 3 idiots. Napanuod ko kasi kagabi, hagalpak talaga ako ng tawa sa mga ginagawa nila, pampakalma daw ng puso dahil sa sobrang kaba. Anyways..... ayan nga ang ginagawa ko pagpasok ko sa school.
Alam ko weird pero mukhang effective naman. Dahil humihinahon ang puso ko.
Natapos ang weekend ko kakaisip sa kung paanong approach ang gagawin ko kay Travis. Hindi na rin kami nagkita after ng nangyari. Goodluck talaga sa'kin.
Pagpasok ko sa room as usual daldalan pa rin ang lahat. Ang dami nilang kwento. Ang ingay lang.... si Hanna wala pa... late kasi yun palagi.
Maya-maya dumating na yung english teacher namin. Pero wala pa rin si Travis. Ano kayang nangyari? Eh hindi naman pala absent yun at always maaga kaya yun.
"Goodmorning class...Okay... tama na ang bulungan, i just want to congratulate you guys sa pagkapanalo ninyo this year, you all deserved a big hand" tapos pumalakpak si Sir Yu at kami din gumaya na sa kanya.
"Thank you sir" sabi naman namin. Well, hindi ko pa pala nasabi na nahakot namin ang mga awards kaya kami ang overall champion this year.
"At dahil diyan... balik aral ulit tayo para sa exam niyo next next week."
"Ayyyy.... pass muna sir" sabi ng ibang classmate ko.
"Anung ayyy? Star section kayo kaya dapat pagbutihin ninyo. Kailangan niyo mag-aral mabuti for your future" sabi ni sir "okay, turn your books on page 64" hindi na kami nakaangal kay sir, tapos naging busy na ang lahat.
Habang nakatalikod si sir, dumating si Hanna at umupo agad sa tabi ko.
Nang humarap si Sir Yu tumingin agad ito kay Hanna nakita kong kabado si Hanna.
"As usual your late again ms. Hanna Montimayor?" Tanong ni sir, paano niya nalaman kaya? Galing ni sir, alam niya kung sinong late sa unang tingin palang.
"Opo sir eh tinanghali ng bangon, sorry po" nahihiyang sabi ni hanna.
Nagtawanan naman yung iba. Sumibangot naman si sir.
"Okay fine, i'll let this pass today at sa mga mahuhuli pa premyo na yan dahil nanalo naman kayo, pero bukas... no more excuses Ms. Montemayor. Is that clear?" Nakakatakot na sabi ng teacher namin.
"Okay na okay sir!" Nag-okay sign pa si Hanna. Adik talaga. Hahaha
Nagturo na ulit si sir. Tumitingin ako sa silya ni Travis, pero wala siya. Hindi na nga niya ako sinundo tapos di pala siya papasok. Sumilip ako sa labas pero walang Travis.
"Alam mo?" Bulong ni Hanna
"Ang alin?" Mahina kong tugon.
"Yung mga sulyap na ganyan iba na yan"
Tumingin ako kay hanna.
"Anong sinasabi mo?" Tapos tumingin na ako kay sir na nagtuturo.
" Sa tingin ko... Pag-ibig na yan!" Humagikgik siya ng mahina at parang kinikilig ng sinabi niya ito.
" baliw!" Tapos napangiti ako.
" ako ba o ikaw?" Natawa naman siya.
Hindi ko nalang pinansin si hanna.
Natapos na ang klase namin pero hindi pa rin pumapasok si Travis. Okay lang kaya yun?.
Ano kayang nangyari dun? Paghindi naman makakapasok tatawag or magiiwan siya ng message. Parang gf talaga ako nu, sobra pa sa sobra ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
When i fall in love (COMPLETED)
RomanceSi Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not complete is that she cannot find the right person who she can give her heart away. Makikita niya naman...