Chapter 7.2

1.9K 39 1
                                    

Karugtong ito ng chapter 7...
Napaghiwalay ko lang. XD

Nagtext na ako sa driver namin na sunduin na ako sa school. Tapos biglang sumulpot sa harap ko si Shaun.

"Hi red? Nasaan na si Hanna?" Sabi nito.

"Ahm nauna na, napaaga kasi yung out ng daddy niya from work kaya ayun" paliwanag ko "congrats nga pala!" Bati ko kay Shaun

"Salamat! Pero hindi naman ako yung nagpanalo ng game eh, yung bestfriend mo" sabi nito.

"Kahit na, kung hindi ka naglaro kanina, edi mas natalo ang year natin"

"Salamat red!" Nakangiti ito, tapos parang namumula siya dahil ba sa laro niya kanina?

"Ahm red, bukas na pala yung championship ng volleyball game, pwede ka bang manuod?" Pag-aya nito.

Napaisip ako bigla, wala naman akong gagawin.

"Okay sige, wala naman akong gagawin eh" pagpayag ko.

"Thanks red!" Mas namula pa siya ngayon "bukas na din pala yung announcement ng winners sa cheerdance at iba pa... pwede ba kita ihatid after?" Tanong ulit niya.

Teka.... wait... hindi pa pala nasabi kung sino ang nanalo sa cheerdance?

"Teka, wala pang nanalo sa cheerdance? Akala ko talo tayo" tanong ko.

"Hindi pa nila sinasabi, nagbago sila ng flow ng event.... sa last day nalang daw sasabihin kung sino ang mananalo which is bukas na tsaka yung over all champ." Paliwanag ni Shaun.

"Really?! Haaayyy! Akala ko talo tayo eh, may pag-asa pa pala" sabi ko na tuwang tuwa. Ang hirap kasi magpuyat at magpractice eh..

"So.... okay lang ba na ihatid kita after?" Nahihiyang sabi nito. Namumula talaga siya.

"Okay sige..."

Tumalikod ito saglit sa akin tapos naghand gestures siya... hindi ko nakita....

Humarap ulit siya tapos hahawakan ko na sana yung mukha niya pero nilayo niya ...

"Teka, namumula ka" sabi ko.

"Ah.... eh... wala 'to! Sige Red una na ko! Bye! Thanks!" Tapos naglakad na siya palayo. Anong nangyare dun? Dati chill lang siya ngayon iba na... Naalala ko yung malapit naming tinginan ni Shaun. Shet! Erase to the max! It can't be!

"I told you, lumayo ka sa kanya" sabi ni Travis sa likod ko.

"Travis! Ginulat mo naman ako! Congrats nga pala!" Sabi ko.

"Galing ko no!" Sabi ng hambog na si Travis.

"Tse ka! Pinakaba mo pa ako! Kaya mo naman pala ipanalo yung game! Kainis ka! Kainis ka!" Tapos pinagpapalo ko siya ng bag ko.

"Ouch! Ouch! Ouch! Tama na Red! Physical abuse yan! Masakit!" Tapos umiilag ito.

Itinigil ko na, dahil pagod nga pala ito sa game.

"Psh! Pasaway ka talaga! At kanina ayaw mo pa ipasa yung bola kay Shaun!"

"Sino ba kasi nagsabi sayo na hindi ko kaya? Wala ka kasing tiwala eh, tapos kay Shaun yayain ka lang payag ka agad, samantalang ako ... kailangan sapilitan pa kapag yayayain ka"

"Sus! Nagseselos si bestfriend! Hahaha! Di bagay!" Asar ko.

"Last game ko bukas, pumunta ka huh! Dapat nandoon ka! Kung hindi isusumbong kita kay tito na nagpapahatid ka kay Shaun na walang paalam!" Banta nito, bawal kasi yun si Travis lang ang allowed na maghatid sundo sa kin.

"Okay! Okay! Psh! Ano pa nga ba? You leave me no choice eh!" Inis na sabi ko.

"Pero seriously... Lumayo ka na kay Shaun habang maaga pa" seryoso na nitong sabi.

"Okay naman si Shaun.... i think he is a good guy, sa ngayon siya muna ang guard ko while you are with Janice, tulungan mo siya, i know kailangan ka talaga niya" nagpapakatanga na talaga ako, kasi mas inilalayo ko sa kin si Travis.

Pero iba yung sitwasyon at alam kong kailangan kong intindihin yun. Hindi lang talaga sa amin umiikot ang lahat.May shaun at janice na sa buhay ng magbestfriend na si Red at Travis accept it! Sabi ng utak ko.

"Kahit na... lalaki ako kaya alam ko yung kayang gawin ni Shaun sa yo"

"Paranoid ka naman Travis, edi parang sinabi mo na magkaparehas kayo ni Shaun? At dapat hindi kayo pagkatiwalaan" dahil sa sinabi ko Napaatras si Travis at halatang gulat.

"Sorry, i didn't mean to...." paumanhin ko.

Bumuntong hininga si Travis.

"Well i guess tama ka nga, i'll trust your instinct Red, but i can't promise to trust Shaun" Tinitigan akong mabuti ni Travis "I hope after this weird thing that is happening now, maging okay ang lahat"

"Sana nga Travis...." then i suddenly hug him. Niyakap din niya akong mahigpit.

Looks like it will be our last hug for this season.

"Goodluck Travis!" Sabi ko..... and don't fall for Janice. Sinabi ko sa isip ko.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon