Chapter 12

1.8K 44 0
                                    

Ang first kiss, dapat meant to be special, sa'kin it was really special...

Nagkulong agad ako sa kwarto pag-uwi ko. I cried a lot. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang huminto. Ngayon alam ko na kung bakit nakakabaliw ang pag-ibig sa sobrang sakit, hindi mo na alam ang mga dapat mong gawin.

Sa lahat ng sinabi ni Travis hindi ko pinagsisisihan iyon. I am happy that i gave to Travis. And i have no regret about it.

Bakit ba kasi ang big deal ng first kiss?haaaay!!!

Ang hirap pala pag ganito. Mabuti nalang at hindi pa sila nanay pumupunta dito sa kwarto. Nasa opisina pa kasi sila. Tumatawag lang sila so i can change the tone of my voice na mukhang ayos lang. Best actress na  ata ang award ko.

Napa-isip ako... mali pa rin ako, dapat pinakinggan ko muna si Travis.. pero kasi what he actually said... ayun na yun eh.. kahit ano pa ang ipaliwanag niya, mistake pa rin yun para sa kanya. Kapag naiisip ko masakit talaga. Kung sa kanya mistake yun.. para sa akin hindi... hindi ko pinagsisisihan yun.

Mali din siguro na... umasa ako.. umasa ako na may gusto din siya sa akin. Mali nga talaga siguro na bigyan ng kahulugan ang mga bagay bagay na pinapakita ng isang taong malapit sayo.

Action speaks louder than voice.. sabi nga nila... but now... kailangan nga talaga ng expression through words para masabi mong tama ang hinala mo. Just to be sure.

I want to move on and forget this hurtful moment.

Kung kaibigan lang talaga ako para sa kanya.. i better let go of this feeling. Alam ko sa sarili ko nakailang paalala na ako.

But this time... it's true...

I have to talk to my parents, i have to leave. Kung kailangan lumayo ako gagawin ko. This maybe my only choice kung palagi nalang nasa tabi ko si Travis i will always be reminded the pain i had... the fact that i love my bestfriend but he cannot love me back.

Pagpasok ko sa school i keep myself calm. Maaga si Travis.. mula sa sasakyan palapit sa school tanaw ko na siya sa harap ng gate. Mukhang hinihintay niya ako... i mean... si janice or kung sino man. Sinabi ko ng hindi na ako magbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Sabi ko sa isip ko.

Pero sa likod ko ulit pinadaan yung sasakyan kay kuya rey (driver ko) para makasigurado.

Nagbell na pero wala pa rin si Travis sa room. Maya-maya pag dating ni Sir Yu kasunod din niya si Travis. Nag-iwas agad ako ng tingin. Sa gilid ng mata ko napansin kong nakatingin si Travis sa gawi ko at halatang gulat siya. Dahil ba nandito na ako sa room? Stop it Red.

Ako ba talaga yung hinihintay niya? Tama na Red... suway ko sa isip ko. Mababaliw ako nito kakaisip.

Sakto namang dumating din si Hanna.

"Sir nandito po ako ah, saktong 7:30 sir!" Sigaw ni hanna habang naghahabol ng hininga.

"Okay... umupo na kayo" sabi ni sir yu.

"Yes! I am nooot late! Haha!" Masayang sabi ni hanna pagakaupo sa tabi ko.

"Improving!" Bati ko.

"Syempre! Anyway... hindi ka pumasok! Hmmm!"

"Mamaya ko na iku-kwento" mahina kong sabi.

"Dapat lang! Ang dami mo ng lihim sa akin ah!" Nagtatampo kunyaring sabi nito.

"Laters... iku-kwento ko lahat" tapos nakinig na kami.

Papunta na kami sa canteen ng habulin ako ni Travis.

"Hey Red! Wait lang!" Sigaw ni Travis.

Hindi ako umiwas o tumakbo palayo, i guess we really need to talk. And he needs to know that i'm leaving. Lumingon kami ni hanna.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon