Chapter 25

1.6K 34 0
                                    

Its our last day at bukas back to korea na ako. Kami ni Travis nandito sa kwarto at....

"Ouch! Ah! Masakit Travis! Wait-" sabi ko kay Travis pero huli na dahil napalo niya na ulit ako.

"Ehe! Sorry!" Sabi nito tsaka matamis na ngumiti sa akin.

"Ang daya-daya mo kasi eh!" Sigaw ko sa kanya tsaka hinipo hipo ang braso kong medyo mapula na dahil sa pagkakapalo niya.

We are playing cards. At kung sino ang matalo siya ang papaluin sa braso gamit ang dalawang daliri. Maputi pa naman ako kaya halata agad dito sa braso ko na namumula na ito. Ang laki pa naman ng mga daliri niya.

"Ganyan talaga kapag talo, sasabihin madaya, nandaya o kaya mandurugas, kung minsan kahit ano nalang ang maisip na ibintang, kasi nga talo" habang inaayos ulit ang mga baraha.

Ngumuso ako, bakit nga ba ganun kapag talo?

"Another game ms. Talo?" Tanong nito.

Tumayo na ako at tumalikod sa kanya.

"Ayoko na! Maglalakad-lakad nalang ako at mag-eenjoy ng view sa labas"
Tsaka nagmartsa palabas ng pinto.

"Teka miss talo!" Pang-asar nito. Lumingon ako saglit dito.

"Alam kong talo na ako, huwag mo ng ipamukha pa okay?" naaasar kong baling dito.

"Ikaw naman! Di na mabiro!" Hinawakan niya ang ilong ko pagkalapit sa akin, at mariin itong pinisil. Tinapik ko lang iyon at lumabas na. Hinabol nalang niya ako.

Napunta kami sa may lounge at nag-order ng maiinom. Kita mula roon ang view ng dagat.

"Wow! I can't believe mas maganda pala ito sa umaga" manghang sabi ko.

Umupo naman si Travis sa tabi ko pagkatapos niyang mag-cr.

"Ikaw kasi tanghali na kung magising" sabi ni Travis. Binigyan ko naman siya ng nakakatakot na tingin.

"Chill lang babe!" Sabay yakap niya sa akin tapos hinalikan niya ako sa pisngi. Pinalo ko nalang siya ng umayos na siya ng upo.

"Bakit? Kung pwede nga lang bigyan kita ng placard para always mong dala ng malaman nilang taken ka na" naiinis na sabi nito. "Nawala lang ako saglit, may mga mata na kaagad na nakasubaybay sa'yo" dagdag pa nito.

"Why? Ang protective mo naman" and then he give me a sign to look at the other table.

May mga lalaki doon na nagtatawanan at pasulyap-sulyap pa sa amin ni Travis. Pagkatapos may nagtaas ng baso sa para saakin.

Nagpipigil lang si Travis ng galit. Alam kong any minute susugurin niya na ang mga ito. I need to calm him down.

Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay hinalikan ko iyon at umiling ako.

"If you insist, then i won't." Sabi nito. Dapat lang, ayokong magkagalos ang mukha ng pinakamamahal ko. Kung sino man ang gumawa noon. Kakalmutin ko. Ako yata ang protective hindi siya.

"I don't want anyone looking at you" nag-iwas si Travis ng tingin, halatang nagseselos. "Gusto ko nga itago na lang kita at ng hindi ka na makita ng iba, i don't want to share the beauty of you with those stupid bastards!" Inis na dagdag nito.

Napatawa naman ako sa sinabi niya, kinikilig talaga ako sa tuwing naiinis siya at ganoon palagi ang mga dahilan niya.

"They can only see my beauty sa panlabas, but you, you are the only person who can see me in and out. The only person who can understand me, and that is your advantage to them, kahit anong titig pa ang gawin nila sa akin, i don't care! As long as you are with me, that's the only thing i care the most" tsaka ko siya hinalikan sa labi.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon