"Hanna!" Napapatiling sigaw ko tsaka ito niyakap ng mahigpit.
"Oh my Gosh! Red!" Tili din nito at tinanggap ang mahigpit kong yakap.
"I miss you!"
"I miss you too!"
Ang dami naming sinabi sa isa't-isa sa sobrang galak, pero hindi kami nagkaintindihan dahil sa sobrang tuwa naming magkita muli.
Napatawa kaming parehas dahil doon.
"Bakit hindi nalang muna tayo umupo bago magkamustahan?" Nakakalokong suggest ni Travis.
"Hi Travis!" Bati ni Hanna dito.
"Hi hanna!" Balik nito.
"Psh! Huwag mong pansinin yan, epal lang yan!" Naiirita kong sabi kay hanna.
Makahulugan naman ang binigay na tingin nito sa akin.
"Psh! I'm just saying" tsaka nauna na itong umupo at nagtingin sa menu.
"I know that look hanna! I'm over it!" Tapos humalakhak ito.
"Haha! Hanggang ngayon nakakatuwa pa rin kayong tingnan" komento ni hanna.
Nagkatinginan kami ni Travis at sabay na umirap sa isa't-isa.
"Parang i smell war" natatawang sabi ng isang lalaki na sumingit sa usapan namin.
"Uy Pare! Kumusta!" Sabi ni Travis at masaya itong kinamayan.
"Ito okay naman, medyo busy sa nalalapit na kasal, ikaw kumusta?" masayang sabi niyo.
"I'm good, oo nga pala congrats in advance pare!"
"Salamat!"
Habang nag-uusap ang dalawa nakatanga lang ako dito. Who is he? Mukhang may lahi ito dahil sa kulay niya parang half american. Matangkad, matipuno at gwapo. Hanggang sa kumuha ito ng upuan at umupo sa tabi ni hanna. Napansin naman niya akong nakatanga sa kanya.
"Sorry,Chris nga pala, you must be Red, right?" Sabay lahad ng kamay niya sa akin.
"Nice to meet you Chris" tapos inabot iyon.
"Same here, by the way i'm hanna's fiancé"
Kanina pa si hanna tahimik at mukhang kinikilig dahil sa ngiti niyang ibinibigay sa katabi niya. Ngayon ko lang naisip na huli na ako sa balita at sobrang nahihiya ako kay hanna.
"Ahm, congrats!" Humarap ako kay hanna na medyo naiilang. Malamang hindi niya iyon napansin dahil sa nakuha na ni chris ang attensiyon niya.
"Thanks Red! Mabuti nalang nandito ka na, hindi ko nga alam kung paano kita hahanapin, mabuti nalang at nagkita kami ni Travis bago siya pumunta ng Korea kaya nagkaroon ako ng balita tungkol sa'yo" natutuwang kwento nito.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Pakiramdam ko kasi ang laki ng nagawa kong kasalanan dito. Pero babawi talaga ako.
"Siya nga pala Red, pwede ba kitang maging made of honor? Sige na please?"
"Teka, sigurado ka ba? I mean kasi naman ang tagal kong nawala tapos--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Okay lang, ikaw talaga ang unang naisip ko ng nag-aayos na ako ng kasal, nalungkot nga ako kasi hindi ko alam kung paano ipapaalam sa'yo noong una pero ngayong nandito ka na, pumayag ka na please?"
"Well sino ba naman ako para humindi pa" agad siyang yumakap sa akin pagtapos.
Hindi ako makapaniwala matapos ang lahat, hindi pa rin ako nakakalimutan ni Hanna, napakabuti talaga niya simula pa noon, sana maging masaya siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/31836290-288-k339285.jpg)
BINABASA MO ANG
When i fall in love (COMPLETED)
RomanceSi Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not complete is that she cannot find the right person who she can give her heart away. Makikita niya naman...