------ Shaun's POV ------
I've never been this happy. Gosh! Im so excited.
Alam kong hindi tama ang timing pero this is my only chance. Its now or never.
I like Red... dati pa... kaya nga todo todo na ang ginagawa ko para makalapit lang sa kanya. Even Travis, alam kong best friend niya ito at alam ko rin na may gusto siya kay Red. Pero sa palagay ko hindi nila ito nakikita sa isat isa not until now. Nasasaktan na si Red and i want her to be happy at kayang kaya kong gawin yun.
Isa lang naman hiling ko, sana this time. Mapansin na talaga ako ni Red.
"Mine!" Sigaw ko sa ka-team ko sa volleyball.
Nagbwelo muna ako sabay talon tsaka ko hinampas ng malakas yung bola papunta sa kalaban. Nakita kong Open space sa kanan nila kaya doon ko tinira ang bola. Walang nakasalo kaya. Panalo kami.
Nagsigawan lahat ng nanonood.
"Wooooh! Go Freshmen!"
*prrrttttt* pito ng scorer.
"Freshmen won!" Masayang sabi nito.
Masaya ako kaya nasa kundisyon ako ngayon.
"Galing pare ah!" Asar ni Drey
"Nasa kundisyon lang" sagot ko.
"Aminin mo na pre, nakita ka namin hinatid mo si Red" dagdag ni Drey
"Naks! Umiinspirasyon!" Asar naman ni Marco.
"Psh! Wag nga kayo, i'm serious with Red" seryosong sabi ko.
"Wow!" Nagkatinginan yung dalawa sabay banat ng "Umiinspirasyon nga!" Umiiling nalang ako tsaka umupo na.
"Hahahaha! Goodluck men! Mahirap kakumputensya ang bestfriend! Hahaha" asar pa nito.
I-smirked.... let see....
------Red's POV-------
It should be a better day for me today, pero bago pa ako makapasok sa school, nasa harap ng gate ng campus si Shaun at si Travis mukhang may hinihintay.
Hindi ko alam kung sino ang hinihintay. Ako ba???? Di siguro...
Hindi na ako nagpasundo kay Travis dahil ayoko nga siyang makita. Pero syempre hindi ko sinabi yun. Nagdahilan nalang ako.
Kung hindi lang mandated na magparticipate sa school hindi talaga ako papasok eh.
"Kuya rey diretso nyo lang po" taranta kong sabi.
"Po? Pero ma'am bilin po ng parents niyo sa school kayo dalhin" alangan na sagot nito.
"Basta kuya, sa.... sa likod nalang po ng school tayo dumaan. Doon nalang po ako bababa malapit sa gate, okay na po ba yun?"
"Sige po ma'am kayo po bahala"
Sa likod kami dumaan at wala gaanong tao doon. Hindi pwede pumasok dito ang sasakyan sa harap lang.
Todo iwas na ako... pero hindi ko na sure kung si Travis ba ang iniiwasan ko o si Shaun?
Pero may utang pa akong gala kay Shaun. Hindi ako pwede magbreak ng promise.
"Argh! Ang hirap naman pala ng nasa ganitong sitwasyon! uuuuhhh! Hingang malalim Red kaya mo yan!"
Pumunta muna ako sa room para mag-attendance. Wala doon si Shaun at Travis. Mabuti nalang.
Sumama na ako sa classmates ko, nakita ko si Hanna papunta pa lang sa room. Kaibigan ko. Nagkasakit kasi siya kaya ngayon lang siya nakapag attend.
"Red!" Sigaw niya.
"Hanna!" Nagyakapan kami.
"Okay ka na ba? Sayang ang dami mong na-miss" sabi ko.
"Mukha nga eh! Pag pasok ko sa school si Travis kasama si Janice, sobra kung makalingkis! Sila na ba? Eh hindi man yun niligawan ni Travis" deretsong sabi nito.
"No comment ako diyan, tara na nga, manood na tayo ng game para makauwe na ako"
"Ohhhhh! Parang isang linggo lang akong nawala, marami ng nabago! What.. is... the... meaning... of your bitternes!???" Nangiintriga na ngayon si hanna.
Change the topic Red!
"Mag-attendance ka na sa room, hintayin kita dito, bilis mo na"
"Ay! Oo nga pala... sige chill ka lang mabilis lang me..." alis agad ito.
Mukhang hindi ako ligtas sa kwento mamaya. Haaaayyyyy....
Habang nanunuod kami ng mga games nagkwento na ako kay Hanna pati na rin yung part ng kay Shaun.
"Naku girl, ang bilis naman, parang kakasimula pa lang ng story ah... ang dami na agad twist and turns.."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko"
Nagpatugtog naman si Hanna ng music.
"Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap ko o siya bang kumakatok sa puso ko...ohhhh
Anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko... dahil litong... litong... lito ohhh.
Sinong pipiliin ko....
Mahal ko o Mahal ako?"
She mouthed the last phrase.
*toot* pinatay ko na yung kanta sa phone niya! Pang-asar na Hanna!
Inirapan ko siya.
"Dapat pala hindi ko na sinabi sayo eh, tsaka... hello???? Hindi ko siya mahal, crush lang kaya. Magka-iba yun!" maktol ko.
"Relax! Inaasar lang kita, hello???? Ang bata pa natin para sa mga ganyan, chill ka lang, tsaka kung hindi yan pagmamahal ano pala yan, aber? Hello???" Panggagaya niya sakin.
Tama kaya siya?hay nakooo. Ewan.
"Speaking of the devil!" They are here!"
Sabay turo niya sa dalawa na magkasabay. Nakauniform din si Shaun na pangbasketball pagdating nila sa gym. What's happening???
"Shaun! Travis!" Sigaw ni Hanna.
Sabay napatingin sa gawi namin ang dalawa.
Sabay din itong ngumiti sa akin. Ngumiti nalang ako sa pagitan nila. Tapos nagkatinginan ang mga ito. Tagisan ng mata. Parang may naglalabanan na kuryente sa pagitan ng mga mata nila.
Dalawa Agad agad? Away agad agad?
Haba ng hair!
BINABASA MO ANG
When i fall in love (COMPLETED)
RomantikSi Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not complete is that she cannot find the right person who she can give her heart away. Makikita niya naman...