Chapter 14

1.7K 37 0
                                    

--- Red's POV------

Hindi ko alam kung saang lupalop kami pupunta ni Shaun.. sa mall kaya... sa restaurant?...

Maya-maya i saw the sign....

STAR CITY!!!!

"Wow!" Natuwa agad ako. I never been here. Bawal daw sabi nila nanay baka maligaw daw ako wala kasi akong sense of direction.

"Mabuti naman dito mo naisip, i thought yayayain mo ako sa iba eh... like mall or resto?" Dagdag ko.

"I'm glad gusto mo din dito" sabi niya habang nagpa-park.

" hell yeah! Hindi pa nga ako nakakapunta dito. Hindi ka maniniwalang pinangarap kong makapunta dito noon pa" natutuwa kong sabi.

"Talaga? Well tulad mo... ako din hindi pa, hindi kasi ako makahanap ng taong gustong pumunta dito, gusto kasi nila mall... arcade... etc., panigurado hindi ko ito makakalimutan" napahawak siya sa likod ng ulo niya. nahihiya ito sa sinabi niya.

"Ako din!" Ngumiti ako ng malaki sa kanya. Tuwang tuwa lang ako sa wakas! Hahaha

Nang makapasok na kami, pumila na kami sa mga rides. Star flyer! Roller Coaster, mga horror house, magic carpet. At kung anu ano pa.

Kung saan saan pa kami nag rides. Dumaan din kami kay Peter Pan.

Ngayon pahinga muna kami.. nakakapagod din pala, nakakaubos ng lakas.

"Wait lang, bibili lang ako ng food, what do you want?" Tanong nito.

"Hmmmm.... sandwich okay na sa'kin" tumango naman ito.

"Okay, saglit lang ako." Tapos umalis na siya.

Habang mag-isa ako marami akong nakikitang lovers sa paligid. Holding hands pa sila.

Yung iba naman, magkayakap ang sweet sweet lang. Habang ako... masaya naman, pero may kulang.

Tama nga kayang umalis ako? Pagbroken hearted kung anu-ano talaga ang naiisip. Para din naman sa akin ito.

Kailangan kong hanapin ang sarili ko at buuin ulit ang Red ng mag-isa. Para when i learn to love myself again maibibigay ko ng buo ang puso ko sa kung sino man ang lalaking ibibigay ni Lord without even hidding the real Red Salazar.

Kung mangyari man yun hinding hindi na ulit ako matatakot ipagkalat sa buong universe kung sino ang taong minamahal ko.

Bumalik na si Shaun... at...ang dami niyang dala.

"This is all for you!" Masayang niyang inilagay sa gitna ng upuan namin yung mga pagkain.

Hotdog sandwich, burger, spaghetti...

Soda, shake at kung anu-ano pa..

"Ang dami naman nito? Hindi ko kayang ubusin lahat, paano yan?"

" pasensya na, hindi ko kasi alam kung ano ang mga paborito mo" then i think about Travis.. kung siya ang kasama ko.. Hindi niya na ako tatanungin. But now... si Shaun ang kasama ko.

Nahiya ako sa sinabi ko. Awkward lang.

"Naku! Naku! Uubusin ko 'to medyo gutom naman ako eh" para hindi masayang yung effort ni Shaun.

"Pasensya ka na talaga"

"Okay lang... ang pagkain hindi tinatanggihan, baka mawala ang grasya" sagot ko.

Kainan na!!!

After namin kumain ni Shaun natawa ako sa nangyari.

"Oh, bakit ka tumatawa?" Tanong nito.

When i fall in love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon