------Red's POV-----
Hiyawan lahat ng tao sa gym kada shoot ng bawat team. Intense na ang laban, patapos na ang third quarter pero lamang pa rin ang kalaban ng 12 points. 52- 64 na ang score.
Bukod pa doon, intense din si Travis at Shaun sa court, hindi ko alam kung magkagroup ba sila o hindi kasi sinosolo nila mag isa yung bola. Kapag open yung isa ayaw ipasa ng isa, mas gusto pa nung isa ishoot ng sarilinan kaysa makapuntos yung kakampi niya. Tsk... tsk... tsk...
Matatalo pa ata kami ah! Sabi ko sa sarili. Sayang ang pinagpaguran ng mga players.
Nagtime out muna si Coach Fred ng freshmen at napansin kong tinawag niya yung dalawa.
Sana magkaayos na nga itong dalawa, para nakabawi na kami ng score.
Nakayuko yung dalawa, napansin siguro ni coach na kanina pa ganun yung dalawa kaya niya kinausap. Tumango naman si Travis at Shaun pagkatapos ng sinabi ni coach Fred tapos nagfist bump sila. Mayamaya kinausap ni coach yung buong team.
"Go! Freshmen!" Sigaw nilang lahat.
Mukhang okay na yung dalawa, sana isantabi muna nila yung away nila. Tapos balik game ulit.
Maya-maya nagpapasahan na yung dalawa. Ang galing nila!
"Go Travis! Ang galing mo! Wooh!" Sigaw nung janice ng makashoot si Travis
"Psh!"
"Selos ka girl?" Asar ni hanna.
" 'di nu" sabi ko.
"Hahaha! If i know inis na inis ka kay janice deep inside!"
"Tama na nga! Concentrate sa pagcheer!" Sabi ko.
" Gooo.... Shaun!....?" Tama ba yung sinabi kong name? Shet! Mali! Dapat Travis! Tumingin ako sa paligid nakatingin sa'kin lahat ng kaibigan ni Shaun pati mga ka-volleyball niya. Tapos ang laki ng mga ngiti nila.
Anong meron? Kahit nagkamali ako ng sinabing pangalan, mali bang icheer si Shaun?
Tapos sabay sabay silang nagcheer. At ganito ang cheer nila.
"Go Shaun! Go Shaun! Galing yan kay Red!" Paulit-ulit nilabg sabi.
Napatingin ako kay Shaun hawak niya ang bola, nakangiti siya sa'kin at kumindat pa siya bago niya ishoot yung bola. At ayun! 3 points! Sabay tunog ng buzzer end of 3rd quarter.
Napatingin ako kay Hanna, kinikilig siya. Ako naman nakanganga. Ang galing ni Shaun!
"Nice Red! Shaun pala huh!? Hahaha!" Sabi ni Hanna.
Hinanap ng paningin ko si Travis, umupo siya at nagpahinga muna. Alam kong alam niya kung nasaan ako, pero hindi siya tumitingin.
May hindi pa rin pala ako nalilinaw kay Travis, about kay Shaun hindi ko naman kasi pwedeng basta nalang iwasan yung tao at gusto ko ring sabihin na nakita ko sila ni janice na may kissing scene. Anyare dun? Helping Janice part din ba ang kiss?
Pero natatakot akong itanong, baka kasi kapag nalaman ko yung totoo hindi ko kayanin.
Todo asikaso si Janice kay Travis. Alam ko naman ang dahilan pero masakit pa rin makitang magkalapit sila. Natatakot ako.... natatakot akong maagaw ni Janice sa akin ang bestfriend ko... pero mas natatakot ako na habang mas tumatagal sila ni janice na magkasama, baka mas tuluyan silang mahulog sa isa't-isa at tuluyan na akong mawalan ng pag-asa.
Start na ulit ng game. Last quarter na. Ngayon same na ang score 75-75. Mahigpit na ang laban. Pagod na ang bawat players.....
Last two minutes nalang pero hindi pa rin lumalamang ang score namin.
Walang makapuntos dahil alisto ang lahat.
Maya-maya Si Travis ang may hawak ng bola. Si shaun naman open lang, last 10 seconds nalang pero si Travis ayaw ipasa ang bola kay Shaun..
Malapit na ang time. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumayo ako at bigla akong napasigaw.
"Ipasa mo na kay Shaun! Tra! Wala ng oras!" Sigaw ko. Nakuha ko ang atensyon ng lahat.
Tumingin sa akin si Travis, tapos humakbang siya patalikod, tsaka siya nagshoot sa malayo. Sa akin siya nakatingin habang nagshoot.
"Imposible!" Bulong ko.
Slow motion ang lahat, hanggang sa marinig ko ang buzz at naghiyawan ang lahat! 3 point shot!
"Freshmen won!" Sigaw ng referee.
"Woooh!!! Go freshmen!!!" Sigaw ng crowd.
96- 99 ang final score. Hindi ako makapaniwala! Nanalo pa kami! At hindi ako makapaniwala, nagawa yun ni Travis?! Ang galing!
Nakatingin pa rin si Travis sa akin, tapos nagsmirk siya. Pinakaba pa ako ng ungas! Kaya naman pala niya ipanalo yung laban! Humanda ka Travis!
Lagi mo nalang akong pinapaasa!.... I mean pinapakaba!.... What i mean is... Argh! Hindi ko na maintindihan!
------------------------------------------------------
Sa mga susunod na Chapter kay Red na muna lahat, ang hirap pala magpalit palit ng character. Hahaha!
Just sharing! :)
I need comments, votes and suggestions guys... with "s" lahat para masaya lang :) at ganahan pa ko kasi marami :)
Hope everyone is enjoying WIFIL!
:)
BINABASA MO ANG
When i fall in love (COMPLETED)
RomanceSi Red metikulosa, maganda, matalino, matangkad at mabait. Lahat yata almost perfect na ang tingin sa kanya but one thing that makes her life not complete is that she cannot find the right person who she can give her heart away. Makikita niya naman...