"LOPEZ! Ignacio!" Mabilis na tinakpan ni Jasper ang bibig ko nang hindi ko napigilan ang pagkawala ng hagikhik habang pinapanood ang panot naming Prefect of Discipline kasama ang mga alipores niyang CAT officers na naghahanap sa amin.
"Ano? Nahanap niyo?" hinihingal niyang tanong sa mga cadet na kakarating lang. Hinihingal na umiling ang mga ito.
"Wala rin sila sa may college department, Sir," hinihingal na balita ng ibang bagong dating na cadet.
Jasper pulled me closer to him habang pilit naming pinagsisiksikan ang sarili sa maliit na space sa gitna ng dalawang column wall sa likuran lang nina Mr. Talang.
"Saan naman kaya naglusot ang dalawang iyon? Hala sige hanapin niyo ulit!" utos niya bago sila ulit naghiwa-hiwalay para hanapin kami.
Nag-antay pa kami ng ilang minuto bago ako tuluyang binitawan ni Jasper. Agad akong natawa habang abala siya sa pagsilip sa dating pwesto ng mga humahabol sa'min.
"Wala na sila!" masigla kong saad sa kanya bago hinawakan ang kamay niya at hinila siya papunta sa may sirang parte ng pader.
"Dahan-dahan lang," paalala niya habang inaalalayan akong umakyat ng pader. Hinawakan niya ang palda ko sa paraang hindi ako masisilipan. Ang sweet talaga ng boyfriend ko!
Nang makababa na ako sa kabilang pader ay walang hirap naman niyang inakyat iyon.
"San mo gustong pumunta?" tanong niya habang iniipit ang bangs ko sa likuran ng tenga.
"Kain muna tayo. Gutom na ko," reklamo ko at hinipo-hipo pa ang bandang tiyan ko.
"Okay. Lomi?" tanong niya na agad kong tinanguan. Bahagya lang siyang ngumisi at hinawakan ang kamay ko bago kami naglakad palayo sa school.
Habang naglalakad kami palayo, hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Ang gwapo kasi. Hindi ko lang talaga alam ano nagustuhan nito sa'kin. Alam kong maganda ako, pero hanggang doon lang ata ko.
Si Jasper kasi iyong tipo ng estudyante na hindi na kailangang mag-aral pero top pa rin ng klase. Hindi ko alam paano niya ginagawa iyon! Tapos tahimik lang siya samantalang napaka-ingay ko. Mayaman din siya, dukha ako.
Kaya talagang mukha ko lang ang naiisip kong dahilan kung bakit niya ko gusto. Pasalamat nalang talaga ko sa tatay kong kano na iniwan ang nanay ko. Sabi kasi ni Tita Katya, paasa daw ang tatay kong 'yon. Sabi kay mama papakasalan siya tapos after niyang makuha ang bataan ay naglaho na lang na parang bula. Si mama tuloy halos mabaliw kakahanap sa kanya lalo na noong nalaman niyang present na ako sa uterus niya. 'Yon nga lang, lumaki na ang tiyan niya at namatay na sa panganganak sa'kin wala man lang kanong dumating. Kaya ayon, naiwan ako kay Tita Katya.
"Aray!" reklamo ko at sinamaan ng tingin si Jasper habang hawak ang noo kong pinitik niya.
"Kung anu-ano na namang iniisip mo. Muntik mo nang maapakan 'yong tae." Agad akong tumigil sa paglalakad at tinignan ang kalsadang dinadaanan namin.
"Wala naman eh!" parang batang reklamo ko ulit sa kanya nang makitang wala namang tae. Tinawanan niya lang ako at inakbayan.
"Ano ba kasing iniisip mo?" tanong niya habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
"Wala. Iniisip ko lang kung anong nagustuhan mo sa'kin," diretso kong saad sa kanya.
"Sa tingin mo?"
"Ewan. Kaya nga ang tagal kong mag-isip maliban sa mala-diyosa kong mukha wala na akong maisip pang ibang rason. Bobo naman ako, hindi rin ako mayaman, maingay din ako—"
"And that's exactly what I like about you," putol niya sa sasabihin ko. Tamang-tama naman na nasa harap na kami ng lomihan ni Mang Sunny kaya pumasok na kami at agad kaming binati ng anak niyang si Toto.
Agad na umorder si Jasper ng kakainin namin habang tahimik naman akong naka-upo sa harap niya. Hindi ko gets kung anong ibig niyang sabihin kanina.
"Ano? 'Di ka pa rin makaget-over sa kilig mo?" nakangisi niyang pang-aasar kaya sinimangutan ko siya agad at akmang hahampasin pero agad niya iyong iniwasan habang tumatawa.
"Hindi ako kinikilig!"
"Oh, really? Ba't ang tahimik mo?" tanong niya habang nakapangalumbaba sa harapan ko.
"Anong ibig mong sabihin kanina?" tanong ko pabalik sa seryosong paraan.
"I mean it the way it is. Gusto kita dahil sa lahat ng dahilang sinabi mo. Kasi 'yon ka. You're not my Lauren if you're not acting stupid—"
"Ouch ha?" reklamo ko pero nginisihan niya lang ako.
"You're not my Lauren if you're not noisy and I don't really care if you're not rich. Your heart is already a gold to be treasured," nakangiti niyang dugtong.
Naiinis ako sa ngiti niya! Kinikilig ako sa ngiti niya! Why naman gano'n? Hindi dapat ako marupok eh!
"What are you doing?" tanong niya habang nakatabon ang palad ko sa may labi niya.
"'Wag kang ngumiti. Kinikilig ako," seryoso kong sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
Maya-maya lang ay isinerve na ni Mang Sunny iyong lomi ko at tapsilog ni Jasper.
"Tumakas na naman kayo? Naku! Kayo talagang dalawa. Hala at bilisan niyong kumain at bumalik na kayo sa school!" sermon niya na nginitian lang naming dalawa ni Jasper.
May film-showing lang naman sa school kaya walang klase. Hindi naman ako papayag na pabayaan ni Jasper ang pag-aaral niya noh! Bobo lang ako pero hindi ako tanga. Para rin iyon sa future namin!
Syempre dapat mag-aaral siya nang mabuti para makahanap siya ng magandang trabaho. Tapos kapag maganda 'yong trabaho niya syempre maganda rin buhay naming dalawa at ng mga anak namin.
"You're overthinking again," puna niya habang tinitimpla ang lomi sa paraang gusto ko.
"Luh? Mind reader ka?" kunwari ay gulat kong tanong sa kanya.
"Oo. Nababasa kong umabot na sa mga magiging anak natin ang iniisip mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"'Di nga? Nabasa mo talaga?"
"Sira! I'm just kidding. I just know how your mind works." Humaba naman ang nguso dahil sa sinabi niya. Tinanggap ko nalang ang kutsara at tinidor na pinunasan niya ng tissue bago ko inumpisahang kainin ang lomi.
"Finish your food. Nuod tayong sine," aya niya kaya binilisan ko na rin ang pagkain. Tumatakbo na sa isip ko kung anu-anong palabas ba ang showing ngayon at kung ano ba ang magandang panoorin.
![](https://img.wattpad.com/cover/183099828-288-k81851.jpg)
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
Ficción General3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...