A R T I C L E 3 - S E C T I O N 7

207 3 0
                                    

"YOU could've told me!" sigaw niya sa'kin habang lumuluha.

"Hindi naman kita iiwan kung sinabi mo lang sana!" Lumuhod siya sa harapan ko habang patuloy na umiiyak.

Tahimik lang na tumutulo ang luha ko habang naka-iwas sa kanya ang tingin.

"And . . . cut!" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa mga staff.

"Good shot, Lauren!" puri ng direktor sa akin na agad kong pinasalamatan nang nakangiti.

"Wrap up muna tayo. See you next week! Have a nice weekend everyone!" Sandali lang kaming nagpaalam ni Roselle sa director bago ko siya nilampasan at nagmamadaling dumiretso sa dressing room.

Agad akong nagpalit ng itim na hoodie at denim shorts pagkatapos kong tanggalin ang make-up. I also pony-tailed my hair before wearing the black cap and grabbing the black mask in my bag. Palabas na ako nang makasalubong ko si Roselle sa may pintuan.

"Saan ang punta mo?" she asked while holding my wrist. Pabalya ko iyong tinapik palayo bago siya tuluyang nilampasan.

I knew I reached the top with her help. Pero tang-ina lang, ang dami ko ring sinakripisyo sa pagsunod ng mga utos niya. I'm her talent, she's my manager. Hindi niya ako aso na kayang-kaya niyang talian sa leeg.

Nag-aabang na sa labas ng site ang grab na na-book ko kaya agad akong nakasakay. Huminga ako ng malalim bago inilabas ang cellphone ko at tinitigan ang wallpaper kong picture namin ni Jasper.

"I'm so proud of you," bulong ko na para bang maririnig niya.

Inayos ko ang pagkakalagay ng cap at mask ko bago nakipagsiksikan sa mga tao. I needed to be in front para makita ko nang maayos ang footage sa malaking screen.

Oathtaking ngayon ni Jasper. Abogado na siya. Topnotcher pa!

I cheered loudly with the crowd when I saw EJ's name on the list presented. He placed fifth on the board exam, while my Jasper placed fourth! Nakakaproud lang.

"See? I told you, you're bound to be more successful without me," bulong ko sa sarili habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Lauren?" halos matulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Mama Jasmine. Mabilis kong inayos ang sombrero at mask ko bago nagmamadaling lumayo doon. Ilang tao rin ang nagreklamo dahil nga naitutulak ko pero wala akong pakialam doon, rinig ko pa rin ang paulit-ulit na pagtawag ni Mama sa'kin.

Pero wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Sa kanila.

Minahal at tinanggap nila ako ng buong-buo. They entrusted their son's happiness with me pero anong ginawa ko?

I left him broken and shattered.

Mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa mga taong sobrang nagmahal at walang sawang umintindi sa akin.

I was selfish like that.

Hingal na hingal at pawis na pawis ako nang tuluyan nang makalabas ng venue. Binalikan ko ng tingin ang pinanggalingan ko. Nanghihinayang ako na hindi ko natapos ang buong program.

I sighed before I decided to wait for it to end. Dadaan din naman siguro sila dito mamaya.

I just wanted to see him. Kahit saglit lang.

Umupo ako sa may waiting shed na malapit. Siniguro kong hindi ako makikilala kaya inayos ko ang mask at cap ko, isinuot ko na rin ang hood ng jacket ko para mas sigurado.

Napangiti ako nang makita ang unti-unting pagpatak ng ulan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at isinahod ang mga palad sa may ulanan.

"Lauren!" sigaw ni Jasper habang pilit akong pinapabalik sa silong ng shed. It was raining hard and pareho kaming walang dalang payong. Wala namang problema sa akin mabasa ng ulan, gusto ko nga iyon.

Para sa iba nakakalungkot daw iyong ulan, pero para sa akin, the rain symbolizes freedom.

Pag-umuulan kakaunting tao lang ang makikita mong lumalabas, less people, less judgers, and less judgers means more freedom.

You can cry and laugh all you want, walang pipigil o susuway sayo kasi lahat sila abala sa paghahanap ng silong.

"Lauren!" umikot ako paharap sa kanya at nakangiting kumaway. Nakita ko ang pag-iling na ginawa niya bago siya tumakbo rin papunta sa'kin.

Pagkalapit niya agad niyang ginamit yung bag niyang pantabon sa ulo ko na para bang hindi pa ako nabasa ng ulan eh pwede na ngang pigain yung uniform ko sa sobra basa.

"Basa na 'ko! Useless na yan!" pasigaw kong saad sa kanya para marinig niya kasi sobrang lakas talaga ng ulan.

Natawa na lang ako nang makita ang aburido niyang mukha. Lumapit ako sa kanya at pabirong pinisil-pisil ang magkabila niyang pisngi.

"Ang sungit naman ng Jasper ko!"

"You'll get sick at this rate!"

"Edi let's get sick together!" tuwang-tuwa kong sigaw bago siya hinatak palayo doon.

"Lauren!" nabalik ako sa wisyo nang marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng bawat sulok ng mga mata ko habang nakatingin sa kabilang kalsada.

Jasper was wearing his tux. Basang-basa na siya pero rinig kong paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ko.

I wanted to call out to him. Gusto kong sabihin na nandito lang ako. Na tinupad ko ang pangako kong kasama niya ako sa oathtaking niya.

Pero kasi . . .

Hindi na pwede.

May kanya-kanya na kaming buhay. I also promised myself that this would be the last time na pagbibigyan ko ang sariling makita siya.

Gusto ko lang tuparin kahit isa man lang sa mga naging plano namin noon.

"Lauren!" Tahimik lang na tumutulo ang mga luha ko habang pinapanood siyang tingnan ang mukha ng halos lahat ng mga babaeng madadaanan niya.

Tama na, Jasper . . .

Ngayon ko lang yata naintindihan kung paanong na-associate ng mga tao ang ulan sa kalungkutan.

The rain makes you look more desperate. Mas pinaparamdam sayo ang sakit. I used to think it was comforting. Pero habang pinapanood ang lalaking mahal ko na umiiyak kasabay ng pagluha ng langit, hindi ko na alam.

"Jas . . . tama na please . . ." pagmamakaawa ko kahit hindi niya naririnig.

"Lauren!" sigaw niya bago siya pasalpak na naupo sa isang sulok ng daan.

"I'm sorry . . . I'm sorry . . ." paulit-ulit kong hingi ng paumahin habang pinapanood siyang nakasubsob ang mukha sa may tuhod niya at nanginginig ang mga balikat.

"Jasper, don't do this. Please . . ." pagmamakaawa ko.

I saw him took his phone and typed something on it. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng lumang cellphone ko.

Huminga ako ng malalim bago iyon dinukot mula sa bulsa ng hoodie. Isang tao na lang ang patuloy na kumo-contact doon.

'Ren? Pumunta ka daw ng oathtaking ko? Sayang hindi kita naabutan.' 

'Proud ka sa'kin noh? I placed fourth on the bar exams.'

'Hindi ka ba magpapakita man lang sa'kin?'

'I miss you so much.'

'Pakita ka na please? Kahit sandali lang.'

Nag-angat ako ng tingin sa kanya pagkatapos basahin ang mga text niya.

Ganoon pa rin ang posiyon niya maliban sa nakatingin na siya sa screen ng cellphone niya. Kaya labag man sa loob ko, I typed the words I knew would forever torment me.

'Stop texting me. You're being a nuisance.' After I hit the send button mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. I saw him staring at his screen.

"I'm sorry," bulong ko sa hangin habang tinititigan siya sa huling pagkakataon bago ko siya tuluyang burahin sa buhay ko.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon