"I TOLD you!" Naalimpungatan ako sa galit na mga sigaw ni Jasper. "I warned you that Lauren's not yet stable enough to do this!"
"Jasper!"
"Hindi, Ma!" rinig na rinig ko ang galit na tila asido na nagmumula sa boses ni Jasper.
"She's already willing to go abroad with me! Handa na siyang kalimutan ang lahat ng ito but then — Russianna brainwashed her into testifying—reliving all her nightmares just to fucking punish her demonic father!"
"Jasper!" muling awat ni Mama kay Jasper.
"This is all on you, Russianna! If she ends up suffering more because of this . . . I swear to God! I could never forgive you and your goddamn family!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I saw Mama Jasmine trying to pull Jasper away from Ate Russia. Kitang-kita ko ang halos pagputok ng mga litid niya sa leeg habang paulit-ulit na sinisigawan at sinusumbatan si Ate na tahimik lang na nakaupo at nakayuko.
"J-Jasper . . ." nanghihina kong tawag but it was already enough for him to stop.
Parang slow-motion na bumaling sa akin ang kanyang mga mata. Namumula ang mga iyon at naluluha.
"Lauren!" Mabilis siyang dumalo sa aking tabi at hinawakan ang kamay ko. I tried my best not to flinch with his touch but I knew I failed nang mabasa ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan niyang binitawan ang aking kamay pero mabilis ko rin iyong hinabol at mahigpit na hinawakan.
I can't lose him.
I don't want to lose him.
"Baby? May masakit ba sayo?" tanong ni Mama Jasmine pagkatapos ng pagtutuyo niya sa kanyang luha.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti para sa kanila.
"I'm okay, Ma."
"You're not," mariing sabat ni Jasper sa aking tabi.
Tinulungan niya akong maka-upo ng maayos at sumandal sa naka-inclined na hospital bed. Binalingan ko ng tingin si Ate Russia na tahimik pa ring nakayuko sa may sofa na inihanda para sa mga visitors.
"Ate, okay lang ako." I saw a shiny thing fell down her face. It was fast and very quiet pero nakita ko iyon. Nakita ko ang pagbagsak ng luha ng isang Russianna Quintos.
"Ate Russia—" naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.
Sabay-sabay kaming napalingon sa doktor na pumasok kasunod ang tatlo pang nurses sa likuran niya. Isa sa mga nurse ang nagsara ng pintuan habang binati naman ng doktor si Mama Jasmine at Ate Russia.
Hindi ko alam kung bakit but I felt like something's wrong with the way the doctor gazed at me. Mabilis lang iyon at mabilis niya ring iniwas nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
My heartbeat raced in anticipation and nervousness.
Wala naman sigurong mali sa akin diba?
I've been feeling good lately at ngayon lang uli ako nagkaproblema at dahil iyon sa nakita ko ulit ang demonyong Raymond na iyon.
What could be worse than seeing that monster?
"Doc? How's Lauren? She's doing well lately—" natigilan si Mama nang marinig namin ang pagbuntonghininga ng doktor. Hindi rin nakalampas sa aking pansin ang malulungkot na mga mata ng tatlong nurse sa kanyang likuran.
They were the same ones who were assigned to me as soon as I got out of prison. Nang ipa-check ako nina Mama ay sila ang naroon para alalayan ako. They watched all of my struggles and my breakdown moments, they were all with me.
Sometimes, they would cry with me too.
"What's wrong?" kinakabahan kong tanong sa kanila.
"Lauren . . ." rinig na rinig ko ang hirap at pagdadalawang-isip sa boses ng doktor.
Nakumpirma kong may hindi nga magandang nangyari nang makita ko ang pamumuo ng luha sa mata ng doktora bago niya inabot ang mga kamay ko at magaan iyong pinisil-pisil.
"Lauren . . . you . . . you need to be strong," ani ng doktor kasabay nang isang mariing pisil sa aking kamay.
"What is it, Doc?" tanong ni Jasper nang hindi na makatiis sa tensyong bumabalot sa buong kwarto.
Hiningi ng doktor mula sa mga nurse ang clipboard niya na naglalaman ng results ng tests na isinagawa nila sa akin.
"Lauren . . . you're pregnant." Tila bombang sumabog sa utak at pandinig ko ang sinabi ng doktora.
"D-doc?" hindi makapaniwala at nauutal na usal ni Mama Jasmine sa tabi ng doktora.
Mariing pumikit ang doktora at humugot ng malalim na hininga na para bang kasabay noon ay ang paghugot niya rin ng lakas ng loob na magpatuloy sa pagsasalita.
"You're 65 weeks pregnant, Lauren," dugtong ng doktora.
My eyes lost their focus. Mariin kong tinabunan ang tainga ko gamit ang magkabilang kamay. I . . . don't want to hear more.
"Mahina ang tibok ng puso ng bata kaya hindi agad na na-detect sa mga tests niya noon. But then . . ."
"Repeat the test," mariin ang tonong utos ni Jasper but I can't bring myself to comfort his raging heart right now.
I . . . I feel so lost. So . . . cold.
Halimaw.
I can't believe I'm carrying that monster's child!
"No!" I found myself screaming and thrashing all around. Pilit kong inaalis ang mga karayom na nakatusok sa likuran ng palad ko.
I want to go.
I need to go!
Kailangan kong lumayo dito . . . tumakas mula rito!
"Lauren!" naririnig ko ang mga boses nina Jasper, Mama Jasmine, Ate Russia, at ng mga doktor at nurses sa paligid but no.
No one can stop me from escaping!
"Russel!" tili ko habang umiiyak. I saw him by the door, looking at me with tears falling down his eyes. Pilit ko siyang inaabot kahit na hinihila ako pabalik sa pagkakahiga ng kung sino.
"Russel!" sigaw ko ng paulit-ulit. "No! Russel!"
"Lauren! Please!" I felt strong hands around my body as something cold went through my nerves. Paunti-unting bumabagsak ang talukap ng aking mga mata.
Russel's figure by the door ay unti-unti ring lumalabo kasabay ng pamamanhid ng buo kong katawan.
"Lauren, please . . ." I heard Jasper's pleading voice as the arms around me tighten. "Please stay strong . . . kaya natin 'to . . . kaya natin 'to, Lauren," paulit-ulit niyang bulong sa tainga ko.
I felt teardrops fall down my face as soon as I closed my eyes, letting whatever they gave me took over my body.
"Kaya natin 'to, Lauren. Please . . . please . . ." Jasper's sobs and whispers of encouragement was the last thing I heard before I completely blacked out.
![](https://img.wattpad.com/cover/183099828-288-k81851.jpg)
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
General Fiction3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...