!! WARNING !!
Some scenes may not be appropriate for young readers.
Read at your own risk.
"CUT!" agad kong pinunasan ang mga luha ko at nakangiting humarap sa direktor na tuwang-tuwang nakatingin sa akin.
"You're such a gem in this industry, hija. Kakaunting mga aktres na lang talaga ang may kakayahang umarte ng puro tulad mo! It was like, you're living your role!" puri niya na agad namang sinundan ng mga komento mula sa ibang staff doon.
"Thank you po! I'll work harder," nakangiti kong sagot habang tinatanggap ang mga kamay nila. Huling araw ng shooting namin ngayon para sa upcoming debut drama ko.
Sobrang nakakapagod and there are nights na hindi ako makauwi kahit na gustong-gusto ko. But hearing the compliments from the people in this industry, pakiramdam ko ay sobrang worth it lahat ng pagod at puyat ko.
Nang matapos na sa batian ay hiningi ko ang phone ko mula sa assistant ko na agad naman iyong ibinigay. Nakangiti kong dinial ang number ni Jasper. Ilang araw din itong nagtampo dahil hindi na nga ako nakakauwi pero gabi-gabi rin naman ang pagtawag para siguraduhin kung kumakain ba ako ng tama.
Ako na nga yata ang pinakamaswerteng babae. I got the most loving and supportive boyfriend!
"Hello?" Agad na lumapad ang ngiti ko nang marinig ko ang boses niya at ang mahinang tunog ng pagsarado ng libro.
Saglit kong sinilip ang oras mula sa phone bago iyon ibinalik sa may tainga ko. He's probably staying on a coffee shop to read some cases again. Minsan naaawa na rin ako kasi mukhang mas puyat pa siya sa'kin lalo na kung magbi-video call kami sa gabi. Sobrang dami niyang inaaral na cases dahil araw-araw raw silang may recitation.
I guess law school was indeed really for the smart ones.
"Hi, busy ka?" tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa sasakyan.
"Nope. Pauwi na rin," sagot niya at rinig ko ang paglalakad niya.
"Have you had dinner?" malambing niyang tanong.
"Hindi pa. Lutuan mo ko?" paglalambing ko sa kanya. Ilang segundo siyang natigilan at wala akong naririnig sa background niya kung 'di ang mahihinang busina ng mga sasakyan at iilang boses ng mga tao.
"You're going home?" hopeful niyang tanong kaya naman ay medyo na-guilty ako ulit. Nitong nakaraan kasi ay halos tatlong beses lang ata ako naka-uwi dahil sa pagiging abala sa shoots.
"Hmm . . ."
"Anong oras bukas ang balik mo? If it's too early, then don't force yourself to—"
"Tapos na kami. Roselle gave me a break for two weeks," putol ko sa kanya. Since malayo ang shooting area namin sa bahay namin ay minsanan lang akong umuwi. He's usually stressed about it because pinapagod ko lang raw ang sarili ko. Sometimes, when something happens on set or if I had a rough day, he'll travel for three hours from the city papunta sa shoot namin para lang samahan ako na para bang hindi pa siya pagod sa lahat ng mga ginagawa niya.
"Really?"
"U-huh," sagot ko sabay kagat sa pang-ibabang labi nang marinig ko ang tuwang-tuwa niyang tawa sa kabilang linya.
"God!I missed you so much!" bungad niya kasabay ng mahigpit na yakap matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. It's already twelve midnight at gising pa siya.
"Sorry, na-stuck kami sa traffic," hinging paumanhin ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"It's okay. I cooked adobo, let's eat?" aya niya na tinanguan ko.
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
Ficción General3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
