A R T I C L E 3 - S E C T I O N 3

268 5 3
                                    

"REN-REN!" Inis na napabangon ako sa kama nang marinig ko ang sigaw ni Tita Katya. Napakamot ako ng ulo at iritadong tumitig sa pintuan ng kwarto ko.

"Ang aga-aga nang-iistorbo ng tulog! Sabado kaya ngayon!" reklamo ko pagkalabas ko ng pintuan.

Naabutan ko si Tita Katya na nagluluto ng almusal habang inaayos ni Jasper iyong lamesa. Nakasimangot akong lumapit sa kanila at humalik sa pisngi ni Jasper.

"Yuck! Mag-toothbrush ka nga muna bago mo halikan iyang si Jasper. Walang hiya talaga 'to!"  sermon ni Tita na inirapan ko lang.

"'Di ako iiwan niyan kahit bad breath ako," kampante kong sabi bago kumindat kay Jasper na nakangiti lang na umiling-iling.

"Mag-toothbrush ka na nga 'don! Kababaeng tao napakabalahura!"

"Nye-nye! Galit ka lang kasi kakahiwalay niyo lang ng jowa mo!" pang-aasar ko at nagmamadaling pumasok sa banyo nang umamba siyang hahampasin ako ng sandok na ginagamit niya sa sinangag.

"Lumabas ka diyang babaita ka!" kalampag niya sa pintuan ng CR.

"Ayoko! Mainit yung sandok, Tita! Mapapaso yung balat ko, magkakakiloid ako tapos magkakapeklat! 'Di na ko flawless kaya 'di na rin pwedeng mag-artista!" sigaw ko sa may pintuan ng CR.

"At sinong nagsabing magiging artista ka? Mag-aral ka muna ng maayos at nakakahiya ang mga palakol mo sa card!" sigaw ni Tita pabalik bago ko narinig ang mga yapak niya palayo.

"Mag-aartista kaya ako . . ." bulong ko sa hangin bago naghilamos at nag-toothbrush na rin.

"Bakit ba kailangang hanapin 'yang value ng x?" iritado kong tanong kay Jasper habang tinuturuan niya ako sa assignment namin. Kaya laging tambay 'to sa bahay pag weekends eh. Siya lang talaga dahilan bakit ako nakakapasa.

"Kasi 'yan 'yong hinahanap sa problem," pasensyoso niyang sagot.

"Eh bakit ko poproblemahin 'yong problema ng libro?"

"Lauren . . ." Ngumiti ako at nag-peace sign sa kanya nang marinig ko ang banta sa boses niya.

Sabi ko nga magseseryoso na!

"Ang hirap naman ng math eh!" reklamo ko sa kanya.

"Madali lang 'yan. 'Wag mo kasi isiping mahirap."

"'Pag nagtrabaho naman tayo hindi naman hahanapin sa'tin 'yong value ng x, tapos tamang plus, minus, times—"

"Multiplication," pagtatama niya na inirapan ko na lang.

"Basta 'yon na 'yon! Ayon lang naman importanteng malaman bakit tino-torture pa nila utak natin sa ganito!" ngawa ko bago sinubsob ang mukha sa lamesa.

Palihim akong ngumiti ng marinig ko ang pagbuntonghininga niya na sinundan nang pagbababa niya ng ballpen.

I won!

"Tara. Break ng two hours," ani niya. Nagmamadali naman akong tumayo, there's no way na magsti-stay ako kasama ang mga letters na naghahanap ng equivalent na numbers!

"Four?" tawad ko sa palugit niya.

"Three. Final." Ngumuso ako bago tumango.

"Banana cue tayo!" aya ko kaya lumabas kami ng bahay at pumunta sa tiangge ni Ate Muring.

"Ate, apat na banana cue po tapos dalawang samalamig," order ko bago umupo kaharap ni Jasper na abala sa cellphone niya.

"Smile," ani niya habang nakatutok sa'kin ang cellphone niya kaya syempre, todo pose naman ako! Dami kayang followers ng boyfriend ko tapos puro lang naman mukha ko ang laman ng feed niya.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon