A R T I C L E 3 - S E C T I O N 2 8

203 6 2
                                    

"MA!" Napailing na lang ako habang pinapanood si Lauren na tumakbo papasok sa bahay.

Two weeks of undergoing daily therapy with Doctor Festin and some group therapeutic sessions, she's starting to get back to her bubbly self. Though, ilag parin sa mga lalaki ay hindi naman na kasing lala tulad noong nakaraan.

"How's your day?" magiliw na bati ni Mama sa kanya pagkatapos niyang halikan ito sa pisngi.

"Sabi ni Doc Festin, ako daw ang pinakamabilis mag-cope sa mga naging pasyente niya!" kwento niya habang tinutulungan ang ilang maids sa paghahain sa lamesa. Hinubad ko ang coat na suot at isinabit iyon sa likuran ng upuan habang tahimik na nakikinig sa kwento niya.

She had told me about this earlier during our drive home pero pakiramdam ko ay bago parin lahat ng kinukwento niya ngayon. Lauren has that effect on everyone. Tipong hindi ka magsasawa na makinig at tumitig sa kanya kahit na ilang beses mo pa narinig iyong kwento o kahit pa araw-araw mo siyang nakikita.

"Tapos sabi ni Doc, we'll try going there soon," patuloy niyang kwento habang nag-uumpisa na kaming kumain. My parents were attentively listening to her while I busied myself filling her plate with her food.

"Hey, tama na," pigil niya nang akmang dadagdagan ko pa ang kanin sa pinggan niya.

"Okay. Juice?"

"Mango please," ani niya bago nagpatuloy sa pagku-kwento.

I stared at her as she enthusiastically talk. I missed seeing her like this. Iyong tipong parang walang iniisip na problema. I'll give everything just to keep her like this everyday.

"Jasper . . ." Paakyat na ako ng hagdan nang marinig ko ang boses niya. I turned around to look at her curiously. But her eyes were not staring at my face but on the tattoo I had on my chest. Kakatapos ko lang mag-swimming at akmang aakyat na para makapagpahinga.

Nag-angat ako ng tingin sa wall clock sa sala at kumunot ang noo ko nang makitang alas dos na ng madaling araw.

"It's late. Bakit gising ka pa? Did you have a nightmare again?" nag-aalala kong tanong bago naglakad palapit sa kanya.

"Hindi mo ipinatanggal?" she asked, still looking at my tattoo.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"I didn't," sagot ko.

"Bakit?" tanong niya kasunod ng pag-angat niya ng tingin para salubungin ang mga mata ko.

"I got mine removed—"

"I know," putol ko sa kanya kasabay ng pag-iiwas ko ng tingin. I don't want to dwell on that part at matagal ko na ring kinalimutan ang sama ng loob ko dahil doon but if she open that topic again, ewan ko na lang.

"Then . . . why do you—" Naputol ang sasabihin niya dahil sa buntonghininga na pinakawalan ko. Muli ko na namang nakita ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"I hate seeing you cry. 'Wag na natin pag-usapan 'to," pakiusap ko sa kanya.

"But I want to talk about this. Hindi pwedeng ganito lang tayo palagi, Jasper."

"Anong ganito?" tanong ko sa kanya.

"Ganito. 'Yong hindi natin alam kung mag-kaibigan ba tayo o ano—"

"I already made it clear since day one, Lauren. I don't want to be just a friend to you," mariin kong putol sa kanya.

"I'm not yet ready—"

"I'm willing to wait—"

"Pero hanggang kailan?!" she hissed.

"Hanggang kailan ka mag-aantay para sa isang katulad ko?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang pagkabasag ng boses niya.

Another meltdown.

Doctor Festin had warned me about this. Surely, Lauren was starting to cope and she's getting better day but day but she was still on the edge of her wits.

"Lauren? Take a deep breath—"

"I am nothing! I've been used by that monster! Wala ka nang makukuha sa akin! Wala na!" sigaw niya.

"Lauren," kalmado kong tawag habang hawak ang magkabila niyang balikat at pilit siyang pinapatingin sa akin.

"Madumi na ako, Jasper!" I pulled her closer to my body and hugged her tightly kahit na sunod-sunod na tili ang ginawa niya. I saw the lights upstairs lit up at patakbong bumaba sina Mama at Papa ganoon rin ang iilang maid na kasama namin sa bahay.

Patuloy pa rin sa pagtili si Lauren at akmang lalapit si Mama pero inilingan ko siya at mas hinigpitan lang ang yakap kay Lauren. I kissed the top of her head and repeatedly whispered to her na kasama niya ako at hindi ko siya iiwan.

Doctor Festin explained why she was only comfortable with me and my father. She grew up with us and she considers us as her family. Her safe haven. The only people who would keep her safe.

And we just intend to do that.

"I'm here . . . Shh . . . I'm here," bulong ko sa kanya hanggang sa tumigil siya sa pagtili at bahagyang kumalma.

I felt her tears dampened my skin before she went limp as she lost conciousness. Mabilis ko siyang kinarga paakyat sa kwarto niya at inihiga sa kama.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Mama habang tinatabunan ng kumot si Lauren.

"Meltdown. She started questioning her worth after seeing my tattoo," I uttered under my breath.

Naramdaman ko ang kamay ni Papa sa balikat ko kaya nilingon ko siya. He told me to get dressed first and na sila na muna ang bahala kay Lauren. Isang sulyap sa kama ay huminga ako ng malalim at tumango.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis sa kwarto ko bago bumalik sa kwarto ni Lauren. Naabutan ko si Mama na nilalagyan siya ng fever patch sa noo at si Papa na inaayos ang pagkakasalansan ng unan para mas komportable sa kanya.

"Medyo may sinat siya but she'll get better in the morning. Do you . . . want to stay with her?" nananatyang tanong ni Mama. Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti bago tumango.

My mother stared at her for a while before leaning down and kissing her forehead bago sila lumabas ni Papa pagkatapos ng ilang paalala kung paano ko siya aalagaan.

I laid down beside her and stared at her face. Inabot ko ang towel na itinabi ni Mama para punasan ang pawis na namumuo sa noo niya.

"Stop . . . Please . . ." hikbi niya habang pabaling-baling sa kama.

I took a deep breath before sliding myself inside the blankets and pulling her closer to my body. Her temperature was feverish and a bit comfortable pero lumayo na doon ang isip ko habang yakap-yakap ko siya.

I kissed the top of her head as I felt her hands went around my body.

"You're here?" tanong niya sa nanghihinang boses.

"Hmm . . . How do you feel?" tanong ko pabalik.

"I feel . . . bad," sagot niya bago isinubsob ang mukha sa may dibdib ko.

"I'm sorry . . ." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya nang marinig ko ang paghingi niya ng tawad.

"There's nothing to be sorry about. It's normal—"

"No. Not that," tanggi niya.

"I'm sorry for . . . leaving . . . years ago." I felt like my whole body froze as soon as she mentioned years ago.

"Let's not talk—"

"I heard Ate Russia needed my help with the case—" Mabilis akong humiwalay sa kanya para makita ang mukha niya.

Sino ang nagsabi sa kanya no'n?

"I heard you talking over the phone."

"I already told her—"

"I want to go," putol niya.

"Gusto kong mabulok sa kulungan ang hayop na 'yon pati na si Roselle, Jasper. And my testimony would be a great help for that to happen," aniya habang mariing nakatingin sa mga mata ko.

"But before that, I know you're going to tell me na hindi iyon maganda para sa lagay ko ngayon and I believe you. Kaya sana before I go into that battle, ayusin muna natin 'yong atin?"

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon