JASPER gently clipped my hair behind my ears as he stared into my eyes. Walang bahid ng panghuhusga at paninisi ang mga iyon, kabaliktaran ng inaasahan kong makita.
"But that wasn't the case," aniya matapos ng sandaling katahimikan nang tumigil ako sa pagsasalita.
"I know." Tumango ako at huminga ng malalim. "Nalaman ko rin naman na pinagtatakpan lang nila si Tita—"
"Should I call her Mama now?" naluluha kong tanong nang maalala ang katotohanan na si Tita Katya pala ang tunay kong ina.
"Should I?" parang bata kong pahabol na tanong.
Hanggang ngayon talaga ay naguguluhan parin ako.
Why do they have to mess my life this way?
Bakit kailangan pati ako—kami madamay sa kung ano man ang nangyari noon?
I just wanted to live my life to its fullest but then it turned out that everything in it is nothing but lies.
"Do you want to visit her?" tanong niya sa pabulong na boses. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. I wanted to feel the warmth his body emits.
I felt so cold that I was so close to trembling. Pakiramdam ko ay napansin niya rin iyon dahil naramdaman ko ang pag-ikot ng mga braso niya sa katawan ko.
Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at hinayaan ang sariling damhin ang pamilyar na init niya. This is something I thought I'll never experience again. Iyong matulog sa isang kama katabi siya . . . habang nakayakap sa akin. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko kaya mas nagsumiksik ako sa dibdib niya.
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang patuloy na iniisip kung paanong naging ganito ang buhay ko.
If I had stayed away from the spotlight, magiging ganito pa kaya ang buhay ko?
Masisira ba ako ng ganito?
Ganito ba kasakit mawawala ang lahat-lahat sa akin?
Kung mas pinili ko bang magtrabaho sa likod ng camera ay buhay pa kaya si Tita Katya ngayon?
May sariling pamilya na kaya kami ni Jasper?
Hindi ko ba makikilala si Russel at ang pamilya niya?
Napakaraming what-ifs sa isip ko. I am filled with regret. Kung pinili ko bang pakinggan noon ang paliwanag nina Tita, would things gone a bit better?
Kung alam ko lang sana na may ulterior motive si Roselle, I could've stayed away.
Kung mas pinahalagahan ko lang sana ang mga taong nanatili sa tabi ko at nagmakaawang manatili ako, hindi siguro ako hahantong sa ganito.
"Why?" tanong ko sa paos na boses. "Why don't you give up on me, Jasper?"
Bahagya niya akong nilayo sa kanya para makita niya ang mukha ko. Patay man ang lahat ng ilaw ay nanatiling nakasindi ang dim na nightlamp sa side table at sapat ang liwanag niyon para makita namin ang isa't isa.
He sighed heavily as he gently wiped my stubborn tears away.
"Minsan na kitang sinukuan, Lauren. And that came with a great great price," ani niya. Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin. Patuloy niyang pinupunasan ang mga luha kong sunod-sunod pa rin ang pagtulo, it was as if he never gets tired of drying them off.
"Letting you go that day, watching you walk away alone in the rain is one of my life's biggest regret, Lauren." Umayos siya nang upo at sumandal sa headboard bago ako pinahiga sa may hita niya. Marahan niyang hinaplos-haplos ang ulo ko na naghahatid ng ginhawa sa pagkirot niyon dahil sa pinaghalong lagnat at masasakit na alaala.
"Nang unang beses kitang makita sa kulungan. Nasabi ko agad sa sarili ko na kung sana mas kumapit pa ako, kung mas hinabaan ko pa ang pasensya ko . . . You wouldn't end up in this hell," paninisi niya sa kanyang sarili. "Because I wouldn't let anyone harm you in any way."
Muli na namang tumulo ang mga luha ko. Gustong-gusto ko nang tumigil sa pag-iyak. Pagod na pagod na rin akong paulit-ulit na sariwain ang lahat ng pambababoy na ginawa sa akin ng hayop na Raymond Quintos na iyon pero hindi ko magawa.
Araw-araw habang pilit kong ibinabaon sa limot ang lahat, sa tuwing titingin ako sa salamin ay naaalala ko kung gaano ako ginamit ng halimaw na iyon. Gabi-gabi akong binabangungot ng pangyayari ng gabing iyon, kung paano ako nagmakaawa sa kanya na tumigil, ang mga luha ni Russel habang humihingi ng tawad dahil hindi niya ako nagawang protektahan laban sa sarili niyang ama, at ang pagkamatay niya.
Every day and almost every second of it, palagi kong naaalala kung paanong nasira ng isang gabing iyon ang lahat-lahat sa akin.
Gusto kong umayos. Gusto ko nang bumalik sa normal ang lahat kasi alam kong hindi ako ito.
I wasn't this weak before.
Hindi ako ganito kaiyakin noon.
It was as if I became an entirely new person and I find myself as a stranger every day.
I felt his soft lips on my forehead as I silently let my tears fall. I wanted to say na hindi niya kasalanan. Na ako iyong unang bumitaw. Ako ang nang-iwan. Pero hindi ko rin maiwasang isipin na paano nga kung mas pinili niyang manatili?
What if he persisted up until the end?
"Nandito na ulit ako. Nandito na ulit kami," pabulong niyang saad. "Hindi ka na namin susukuan ulit."
That night, I closed my eyes to sleep while thinking how shallow could my love for him has been. Paano ko siya nagawang pakawalan noon dahil sa walang kwentang rason?
Dapat pala ay kinausap ko nalang siya or nakinig man lang ako at nagtiwala sa taong nagpalaki sa akin.
I woke up the next day all snuggled up to Jasper's body.
"Good morning," bati niya nang mapansing gising na ako. Itinago ko ang mukha ko sa may dibdib niya dahil sa hiya sa mga pinaggagawa at pinagsasabi ko kagabi.
"Nakausap ko si Mama kanina," kwento niya habang hinahaplos ang buhok ko. "She told me na bibisita sila ni Papa sa puntod ni Tita Katya." Napahiwalay ako sa kanya dahil sa narinig.
"Should we come with them?" marahan niyang tanong.
"Hindi naman natin ipipilit. If you're not yet ready—"
"Let's do that," mabilis kong putol sa kanya. "Ang tagal ko na ring hindi nabisita si Tit—Mama."
Jasper smiled at me before nodding.
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
General Fiction3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
