"HIJA! I'm so glad you made it tonight," nakangiting bati ni Mrs. Quintos pagkapasok namin ni Russel sa bahay nila.
I still feel guilty leaving so suddenly during her birthday kaya naman ay pumayag ako nang ayain ako ulit ni Russel na pumunta sa kanila. And unlike the first time I went here, tahimik ang bahay at tanging ang pamilya niya lang at ang mga katulong na abala sa paghahanda ng lamesa ang naroon.
"Sorry po about last time--"
"Oh no, dear! No worries. I am too inconsiderate at that time. Nasabi rin ni Russel na kagagaling niyo lang sa shoot noon and I made you walk around so much," putol niya sa sinasabi ko na para bang kasalanan niya pa ang nangyari.
That made me feel more guilty.
Sandali kong nilingon si Russel habang hinihila na ako ng Mommy niya papasok sa dining nila. He smiled at me with his brows playfully went up and down. Nangingiti na napa-iling na lang ako bago tuluyang ibinaling ang pansin sa Mommy niya na napakaraming kwento tungkol sa kanya.
"Ano ngang degree ang natapos mo, Lauren?" tanong ng Ate ni Russel habang kumakain kami. Umalma si Russel pero inabot ko ang kamay niya at marahang pinisil para pigilan siya. Honestly, nakakatakot ang Ate niya. Iyong tingin niya sa'kin parang kakainin niya ako ng buhay but humihinga pa naman ako hanggang ngayon so keri lang.
"Fine Arts po," nakangiti kong sagot sa kanya.
Russianna Quintos is a beautiful, intimidating, and a successful thirty-something woman. Being the youngest senator, it doesn't stop her from being one of the most successful and well-known senators in the country.
She stared at me for a few seconds before she directed her gaze at her brother who was beside me. Her eyes then moved back to meet my eyes before she nodded as if understanding something.
She put down her utensils and elegantly wiped her lips using her table napkin. She then stood up and gave me a smile that says something more.
"Take care of my brother, Lauren. That guy is a cry baby," she said before she excused herself not minding Russel's rants.
"I am not! Russianna!" habol na sigaw ni Russel sa Ate niya na kumaway lang sa amin habang nakatalikod.
I stared at her back, silently admiring.
Gusto ko rin maging katulad niya. Sa mga kwento ni Russel tungkol sa kanya ay bata pa lang siya ay sigurado na siya sa gusto niyang gawin. She wanted to fight with the people. I hope she'll stay that way. Always.
My head was comfortably lying on Russel's shoulder while he was silently playing with my hair. Pareho kaming nakabalot sa kumot habang nasa sofa at nanunuod ng pelikula. As much as we wanted to go to a cinema, hindi rin namin ma-e-enjoy iyon dahil pagkakaguluhan lang kami kung may makakita. So we prefer to spend our free times like this, netflix and chill lang ika nga nila.
"Wala ng popcorn . . ." nakanguso kong reklamo sa kanya na tinawanan niya.
"Enough na. Sasakitan ka na naman ng tiyan mamaya. You're so takaw," nakangiti niyang saad sabay kalabit ng tungki ng ilong ko. Sumimangot naman ako dahil sa ginawa niya.
"One bowl na lang, please?" pakiusap ko at nagpa-beautiful eyes pa sakanya pero wa' epek talaga ang beauty ko kapag pagkain na ang pinaglalaban.
"No. Sasakitan ka nga ng tiyan. Just drink more water." Masama ang tingin kong tinanggap ang baso ng tubig na iniaabot niya.
"I hate you," masama ang loob na sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako bago mabilis na hinalikan sa noo.
"No, you don't," nakangisi niyang sagot bago muling ibinaling ang tingin sa pinapanuod namin.
Pinanuod ko lang ang bawat reaksyon ni Russel habang nanunuod siya. He was smiling every once in a while. I sighed before snuggling closer to his body.
"What is it?" Russel asked softly as he put his arms around my shoulder to give me more space.
"Nothing," I answered as I put my arms around his waist.
I felt so blessed. Lately ko lang na-realize na ang swerte ko pala sa mga lalaking dumadaan sa buhay ko.
Noon si Jasper and ngayon naman si Russel.
They loved and love me dearly. Ramdam ko iyon.
Pero gustuhin ko mang lagyan na ng label ang kung ano man ang mayroon kami ni Russel ay alam kong hindi pa ako handa para doon.
Isiniksik ko ang mukha ko sa may dibdib niya, sigurado akong takang-taka na siya sa kinikilos ko, but I just wanted to make him felt secured. I want to give him an assurance na wala man akong sinasabi, he already has a place in my heart.
"What's wrong?" tanong niya habang marahang nilalaro ang buhok ko. Umiling lang ako at mas niyakap siya nang mahigpit.
I heard his chuckles before he pulled me up a bit and moved me to his lap. Mas komportable ang pwesto ko sa ibabaw niya ngayon.
"Someone's being clingy . . ." pang-aasar niya na hindi ko naman pinatulan.
"Russ . . ."
"Hmm?" sagot niya habang hinahaplos ang likuran ko na para bang nagpapatulog ng baby.
"You won't get tired of me, right?"
"What? Where did that came from?" takang tanong niya kasabay ng pagtigil ng mga kamay niya sa likuran ko. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan siya ng diretso sa mata.
"I just wanted to hear it," sagot ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ang mukha ko bago siya bumuntonghininga at umaktong nag-iisip kung anong isasagot niya sa'kin.
Maya-maya lang binasa niya ang pag-ibaba niyang labi bago inilapit ang mukha niya sa'kin. The tip of our noses where touching and he keeps on nuzzling with me hanggang sa matawa na lang ako sa ginagawa niya.
Tumigil rin siya nang tawang-tawa na talaga ako. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa ginawa niya pero ewan . . . ang saya ko lang. Parang ang gaan lang sa feeling noong ginawa niya.
"There. You're laughing again," puna niya ng may ngiti sa labi.
Tumigil ako sa pagtawa at muling ipinahinga ang pisngi ko sa may dibdib niya.
"You like it when I laughed?" tanong ko sa kanya.
"I prefer it when you do," sagot niya.
"I hate seeing you cry," dugtong niya.
"Edi hindi mo 'ko iiwan? Kasi iiyak ako pag-iniwan mo 'ko," parang bata kong sabi sa kanya habang pinapakinggan ang bawat pintig ng puso niya.
I heard him chuckled before I felt his soft kiss on top of my head.
"Of course. Who can ever leave you?" bulong niya na sobra kong pinanghawakan.
"Russel! Russ!" umiiyak kong tawag sa kanya habang inaalog ko ang duguan niyang katawan. Pareho na kaming nababalot ng dugo at hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ang sabi mo hindi mo 'ko iiwan! Russel!" Halos magwala na ako habang niyayakap siya.
Napalingon ako ng pabalyang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga armadong pulis na agad kaming pinalibutan.
"Please! Tulungan niyo kami! Kailangan niyang madala sa ospital! Please! He was shot! Help him!" humahagulgol kong pagmamakaawa sa kanila.
Halos makahinga ako ng maluwag kahit papaano nang maglakad sila palapit sa amin. Pero laking gulat ko nang hilahin nila ako palayo kay Russel at mabilis na pinosasan ang mga kamay ko.
"Lauren Ignacio, I am arresting you on suspicion of murder. You have the right to remain silent. You have the right to an attorney and if you cannot afford an attorney one will be appointed for you. If you waive these rights and talk to us, anything you say may be used against you in court."
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
General Fiction3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
