A R T I C L E 3 - S E C T I O N 33

285 6 2
                                        

HUMIGPIT ang kapit ko sa braso ni Jasper habang pilit nilang pinagtutulakan palayo sa akin ang press na halos dumugin na kami sa labas ng hall of justice.

Sanay naman ako sa mga camera at sunod-sunod na flash nito noon. I was so used to any types of spotlights before. Pero ngayon? Walang dulot ang ilaw na 'yon sa akin kung 'di takot. Ramdam ko ang katawan kong unti-unting nanginginig. I felt like something's inside my stomach, humahalukay at binabaligtad iyon.

I wanted it to stop. Gusto kong lunurin ang nakakapanindig balahibong mga boses ng reporter.

"Lauren . . . Hey, baby girl?" Nag-angat ako ng tingin at agad na nakita ang nag-aalalang mukha ni Mama Jas. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at hindi ko alam kung kailan kami nakatakas sa dagat ng media kanina.

"Mama?" nanginginig kong tawag sa kanya bago ko naramdaman ang mga braso niyang yumakap sa'kin.

"I'm here baby . . . nandito lang kami . . . it's okay . . ." Pagkarinig ko niyon ay parang biglang na-trigger ang mga luha ko at agad na kumawala ang malalakas kong hagulgol.

I felt my fear engulfed me whole once again. I remembered people calling me a murderer! criminal! Kitang-kita ko ang lahat ng flash ng camera, ang mapanghusgang mga mata ng taong parang ni minsan sa buhay nila ay hindi nakagawa ng kasalanan.

And I was treated like that without doing anything wrong.

Wala akong pinapatay. Wala akong sinasaktang tao. Pero ano? Ako iyong nasira. Ako iyong parang masisiraan ng bait dahil sa lahat ng nangyari.

I was the victim and yet I was treated as the culprit.

"Mama!" parang bata kong hagulgol habang yakap-yakap ako ni Mama. I don't know if anyone's around but I felt like this is what I needed the most. Kasi noong mga panahong nasa custody ako ng mga pulis, noong iniimbestigahan at pilit na pinaaamin ako sa kasalanang hindi ko ginawa ay wala akong nasandalan. There was nobody who would hug me like this and continously whisper to me, assure me na magiging ayos lang ang lahat.

Na hindi ako nag-iisa.

Wala akong kasama noon dahil ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa akin ay pilit kong itinulak palayo dahil sa napakabababaw na rason.

"It's okay, anak. We can do this," bulong ni Mama kahit na ramdam ko rin ang bawat patak ng luha niya sa may braso ko.

Today's my first show in court as a witness. I'll be standing on court again, not as a suspect but a witness and a victim. Ate Russia asked me about this, ang sabi niya ay maiintindihan niya kung tatanggi ako pero malaking tulong raw ang magiging statement ko laban sa kanyang ama.

I never wanted to see the face of that monster again. Ayoko na sana talaga. Pero kung hahayaan ko siyang muli lumaya . . . what if balikan niya ako? What if gawan niya ulit ako ng masama? Ang mga tao sa paligid ko?

What if hindi lang ako iyong maging huling biktima niya? I don't want anybody else to experience the hell I've been through.

Raymond Quintos is not just a monster. He's a devil. He's the devil.

He's the devil who ruined a lot of lives, destroyed a lot of families including mine, and took lives. At para bang hindi pa sapat ang isang demonyo, another spawn of his was brought into our worlds on the face of Roselle Lim.

Under custody na rin ngayon si Roselle pero hirap na hirap sina Ate Russia na patunayan ang connection niya sa mga krimen dahil masyadong malinis ang lahat. Ang tanging nagtuturo lang ng involvement niya rito ay ako. Isa sa mga rason kung bakit ako kinausap ni Ate Russia ng masinsinan ay dahil nga roon, maliban sa makakatulong ako sa kaso laban kay Raymond Quintos, my statement would be use against Roselle—ang taong tunay na pumatay kay Russel.

"Lauren?" Nag-angat ako ng tingin mula sa balikat ni Mama nang marinig ko ang boses ni Jasper. He was now looking down on me habang nakatayo sa likuran ni Mama.

"Are you okay, hija?" Binalingan ko ng tingin si Papa sa tabi ko na kanina pa marahang hinahaplos ang likuran ko.

Right. This is my family.

Kung makakalayang muli si Raymond o kahit si Roselle man lang ay tiyak akong babalikan nila ang mga Lopez. Mula pa naman noon ay matindi na ang labanan ng dalawang pamilya, Mama Jasmine never gave up on that case years ago.

Lately ko lang nalaman na they were still looking into my father's case for years. Kahit kailan ay hindi sila tumigil sa paghahanap ng hustisya para sa mga buhay na nawala ng gabing iyon at para kay Papa na sumalo ng lahat ng sisi at pinagbabayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.

Mama Jasmine cupped my cheeks and made me look at her. Nginitian niya ako bago marahang inayos ang nagulo kong buhok. "You can do this, anak. Nandito lang kami para sa'yo."

Tinitigan ko ang mukha ni Mama bago binalingan si Papa Jeric na tipid ring ngumiti at tumango sa tabi ko. Lumipad ang tingin ko kay Jasper na inilahad ang palad sa harapan ko.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili bago pinikit nang mariin ang mga mata ko at saka inabot ang kamay ni Jasper. He slowly pulled me up to his embrace.

"Matatapos din ang lahat ng 'to, Lauren," bulong niya bago ko naramdaman ang mariin niyang halik sa noo ko.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng court room. I saw Ate Russia nodded at us nang bumaling ang tingin ko sa may unahan. Katabi niya ang mama nila ni Russel habang umiiyak ito.

Mabait si Mrs. Quintos sa akin. She treated me nicely before at naiintindihan ko kung bakit biglang nagbago ang trato niya after what happened. Normal iyon sa isang ina, she thought I killed her son. Of course, kamumuhian niya ako. But I can't help but pity her and her situation, kamamatay lang ni Russel tapos malalaman niyang ang asawa niya ang may kasalanan. I can only hope she's holding up well.

Humigpit ang kapit ko sa braso ni Jasper pagkaupo namin sa may gitna. Binalingan ako ng tingin ni Jasper at nginitian ako bago magaang tinapik-tapik ang mga kamay ko. "You got this."

Tumango ako at huminga ng malalim bago ibinaling ang tingin sa unahan nang mag-umpisa nang pumasok ang mga staff at ang judge. Agad na hinanap ni Jasper ang mga kamay ko nang pumasok si Raymond Quintos at Roselle habang inaalalayan ng mga pulis.

Pareho silang nakaposas at nakasuot ng kulay orange na t-shirt. Nakita kong inilibot ni Roselle ang tingin sa paligid bago niya nahanap ang mga mata ko. Makahulugan niyang sinulyapan ng tingin sina Jasper at ang mga magulang niya bago nito binalik ang tingin sa akin at ngumisi.

While the hearing preceeds ilang beses kong kinailangang uminom ng tubig lalo na sa tuwing naririnig kong nababanggit ang pangalan ng mga magulang ko. Mabuti na lamang at hindi ako binibitawan nina Jasper at Mama Jasmine dahil kung hindi, baka nagtatakbo na ako palabas ng court room kanina pa.

"Ms. Lauren Ignacio, your honor." Ilang beses akong napalunok nang marinig na binanggit na ako ng prosecution. Maya-maya lang ay tinawag na nga ako para isalaysay ang mga nalalaman ko.

Dahan-dahan akong tumayo, ramdam ko ang tingin ng mga tao sa'kin. Agad na nangilid ang mga luha ko pero pilit ko iyong winala sa pagkurap.

"We'll be right here," pabulong na sabi ni Jasper bago ako tumango at naglakad na sa gitna ng court room papunta sa unahan kung saan ako inaabangan ng lahat.

Huminga ako ng malalim nang madaanan ko ang pwesto nina Roselle habang papunta sa witness stand. Ramdam ko ang bahagyang paninigas ng mga binti ko sa takot lalo na nang mahuli ni Raymond Quintos ang mga tingin ko.

Mabilis akong kumapit sa braso ng babaeng pulis na nakasunod sa'kin nang maramdaman ko ang pagkahilo. Pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid. My eyes can't see anything but blurry images bago ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig.

"Lauren!" I heard someone called out bago tuluyang nandilim ang lahat.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon